1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain na inyong mga tahanan, na aking ibibigay sa inyo, 3 At maghahandog kayo sa Panginoon ng pinaraan sa apoy na handog na susunugin, o ng hain upang tumupad ng panata, o ng kusang handog, o sa inyong mga takdang kapistahan, upang gawing masarap na amoy sa Panginoon, na mula sa bakahan, o mula sa kawan: 4 Kung gayon ay maghandog sa Panginoon yaong maghahandog ng alay ng isang handog na harina, na ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis: 5 At ng alak na inuming handog, na ikaapat na bahagi ng isang hin, ang iyong ihahanda na kalakip ng handog na susunugin, o ng hain, sa bawa't kordero. 6 O kung isang tupang lalake, ay iyong ihahanda na pinakahandog na harina, ang dalawang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng ikatlong bahagi ng isang hin ng langis: 7 At bilang pinakainuming handog ay iyong ihahandog ang ikatlong bahagi ng isang hin ng alak na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 8 At pagka maghahanda ka ng isang toro na handog na susunugin, o upang ihain, sa katuparan ng isang panata, o upang mga handog sa Panginoon tungkol sa kapayapaan; 9 Ay kaniyang ihahandog nga na kalakip ng toro ang isang handog na harina na tatlong ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng kalahating hin ng langis. 10 At iyong ihahandog na pinakainuming handog ay kalahating hin ng alak na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 11 Gayon gagawin sa bawa't toro, o sa bawa't tupang lalake, o sa bawa't korderong lalake, o sa mga anak ng kambing. 12 Ayon sa bilang ng inyong ihahanda, ay gayon ninyong gagawin sa bawa't isa ayon sa kanilang bilang. 13 Lahat ng tubo sa lupain ay gagawa ng mga bagay na ito sa ganitong paraan, sa paghahandog ng handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 14 At kung ang isang taga ibang bayan ay makipamayang kasama ninyo, o sinomang nasa gitna ninyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, at maghahandog ng handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; ay kaniyang gagawin ang gaya ng inyong ginagawa. 15 Sa kapisanan ay magkakaroon ng isang palatuntunan sa inyo, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo, isang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi: kung paano kayo, ay magiging gayon din ang taga ibang bayan sa harap ng Panginoon. 16 Isang kautusan at isang ayos ay magkakaroon sa inyo, at sa taga ibang bayan sa nakikipamayan sa inyo. 17 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 18 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupaing aking pinagdadalhan sa inyo, 19 Ay mangyayari nga, na pagkain ninyo ng tinapay sa lupain, ay maghahandog kayo ng isang handog na itinaas sa Panginoon. 20 Sa pinaka una sa inyong masang harina ay maghahandog kayo ng isang munting tinapay na pinakahandog na itinaas: kung paano ninyo ginagawa ang handog na itinaas tungkol sa giikan, ay gayon ninyo itataas ito. 21 Sa pinaka una sa inyong masang harina ay magbibigay kayo sa Panginoon ng isang handog na itinaas sa buong panahon ng inyong mga lahi. 22 At pagka kayo'y nagkamali, at hindi ninyo tinupad ang lahat ng utos na ito, na sinalita ng Panginoon kay Moises, 23 Sa makatuwid baga'y lahat ng iniutos ng Panginoon sa inyo sa pamamagitan ni Moises, mula sa araw na lagdaan kayo ng utos ng Panginoon, at sa haharapin sa buong panahon ng inyong mga lahi; 24 Ay mangyayari nga na kung magkasala ng walang malay, na hindi nalalaman ng kapisanan, na ang buong kapisanan ay maghahandog ng isang guyang toro na pinakahandog na susunugin, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon, na kalakip ng handog na harina niyaon at inuming handog niyaon, ayon sa ayos, at isang lalaking kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan. 25 At itutubos ng saserdote sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sila'y patatawarin; sapagka't isang kamalian, at kanilang dinala ang kanilang alay, na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at ang kanilang handog dahil sa kasalanan sa harap ng Panginoon, dahil sa kanilang kamalian: 26 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay patatawarin at ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila; sapagka't tungkol sa buong bayang nakagawa ng walang malay. 27 At kung ang isang tao ay nagkasala ng walang malay, ay maghahandog nga siya ng isang kambing na babae ng unang taon na pinakahandog dahil sa kasalanan. 28 At itutubos ng saserdote sa taong nagkamali, kung tunay na siya'y nagkasala ng walang malay sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya; at siya'y patatawarin. 29 Kayo'y magkakaroon ng isang kautusan sa kaniya na nagkasala ng walang malay, sa kaniya na ipinanganak sa gitna ng mga anak ni Israel, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila. 30 Nguni't ang tao na makagawa ng anoman ng buong kapusukan, maging tubo sa lupain o taga ibang lupa, ay lumapastangan sa Panginoon; at ang taong yaon ay ihihiwalay sa gitna ng kaniyang bayan. 31 Sapagka't kaniyang hinamak ang salita ng Panginoon, at kaniyang sinira ang kaniyang utos; ang taong yaon ay lubos na ihihiwalay, ang kaniyang kasamaan ay tataglayin niya. 32 At samantalang ang mga anak ni Israel ay nangasa ilang, ay nakasumpong sila ng isang lalake na namumulot ng kahoy sa araw ng sabbath. 33 At silang nakasumpong sa kaniya na namumulot ng kahoy, ay dinala siya kay Moises, at kay Aaron, at sa buong kapisanan. 34 At kanilang inilagay siya sa bilangguan, sapagka't hindi pa ipinahahayag kung ano ang gagawin sa kaniya. 35 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang lalake ay walang pagsalang papatayin; babatuhin siya ng buong kapisanan sa labas ng kampamento. 36 At inilabas siya ng buong kapisanan sa kampamento at kanilang binato siya hanggang sa mamatay ng mga bato; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 37 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 38 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila na sila'y gumawa ng mga tirintas sa mga laylayan ng kanilang mga damit sa buong panahon ng kanilang mga lahi, at kanilang patungan ang tirintas ng bawa't laylayan ng isang panaling bughaw: 39 At sa inyo'y magiging isang tirintas, upang inyong mamasdan, at inyong maalaala ang lahat ng mga utos ng Panginoon, at inyong tuparin; at upang huwag kayong sumunod sa inyong sariling puso at sa inyong sariling mga mata, na siya ninyong ipinangaapid: 40 Upang inyong maalaala at gawin ang lahat ng aking mga utos, at maging banal kayo sa inyong Dios. 41 Ako ang Panginoon ninyong Dios, na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang maging inyong Dios: ako ang Panginoon ninyong Dios.
1 And the LORD spoke unto Moses, saying,2 Speak unto the children of Israel, and say unto them, When you have come into the land of your habitations, which I give unto you,3 And will make an offering by fire unto the LORD, a burnt offering, or a sacrifice in performing a vow, or in a freewill offering, or in your solemn feasts, to make a sweet aroma unto the LORD, of the herd, or of the flock:4 Then shall he that offers his offering unto the LORD bring a grain offering of a tenth of an ephah of flour mixed with the fourth part of a hin of oil.5 And the fourth part of a hin of wine for a drink offering shall you prepare with the burnt offering or sacrifice, for one lamb.6 Or for a ram, you shall prepare for a grain offering two tenths of an ephah of flour mixed with the third part of a hin of oil.7 And for a drink offering you shall offer the third part of a hin of wine, for a sweet aroma unto the LORD.8 And when you prepare a bullock for a burnt offering, or for a sacrifice in performing a vow, or peace offerings unto the LORD:9 Then shall he bring with a bullock a grain offering of three tenths of an ephah of flour mixed with half a hin of oil.10 And you shall bring for a drink offering half a hin of wine, for an offering made by fire, of a sweet aroma unto the LORD.11 Thus shall it be done for one bullock, or for one ram, or for a lamb, or a kid.12 According to the number that you shall prepare, so shall you do to every one according to their number.13 All that are born in this country shall do these things after this manner, in offering an offering made by fire, of a sweet aroma unto the LORD.14 And if a stranger sojourns with you, orwhosoever is among you in your generations, and will offer an offering made by fire, of a sweet aroma unto the LORD; as you do, so he shall do.15 One ordinance shall be both for you of the congregation, and also for the stranger that sojourns with you, an ordinance forever in your generations: as you are, so shall the stranger be before the LORD.16 One law and one manner shall be for you, and for the stranger that sojourns with you.17 And the LORD spoke unto Moses, saying,18 Speak unto the children of Israel, and say unto them, When you come into the land where I bring you,19 Then it shall be, that, when you eat of the bread of the land, you shall offer up a heave offering unto the LORD.20 You shall offer up a cake of the first of your dough for a heave offering: as you do the heave offering of the threshingfloor, so shall you offer it up.21 Of the first of your dough you shall give unto the LORD a heave offering throughout your generations.22 And if you have erred, and not observed all these commandments, which the LORD has spoken unto Moses,23 Even all that the LORD has commanded you by the hand of Moses, from the day that the LORD commanded Moses, and onward throughout your generations;24 Then it shall be, if anything is committed by ignorance without the knowledge of the congregation, that all the congregation shall offer one young bullock for a burnt offering, for a sweet aroma unto the LORD, with its grain offering, and its drink offering, according to the ordinance, and one kid of the goats for a sin offering.25 And the priest shall make an atonement for all the congregation of the children of Israel, and it shall be forgiven them; for it is ignorance: and they shall bring their offering, a sacrifice made by fire unto the LORD, and their sin offering before the LORD, for their ignorance:26 And it shall be forgiven all the congregation of the children of Israel, and the stranger that sojourns among them; seeing all the people were in ignorance.27 And if any soul sins through ignorance, then he shall bring a female goat of the first year for a sin offering.28 And the priest shall make an atonement for the soul that sins ignorantly, when he sins by ignorance before the LORD, to make an atonementfor him; and it shall be forgiven him.29 You shall have one law for him that sins through ignorance, both for him that is born among the children of Israel, and for the stranger that sojourns among them.30 But the soul that does anything presumptuously, whether he is born in the land, or is a stranger, the same reproaches the LORD; and that soul shall be cut off from among his people.31 Because he has despised the word of the LORD, and has broken his commandment, that soul shall utterly be cut off; his iniquity shall be upon him.32 And while the children of Israel were in the wilderness, they found a man that gathered sticks upon the sabbath day.33 And they that found him gathering sticks brought him unto Moses and Aaron, and unto all the congregation.34 And they put him in custody, because it was not declared what should be done to him.35 And the LORD said unto Moses, The man shall be surely put to death: all the congregation shall stone him with stones outside the camp.36 And all the congregation brought him outside the camp, and stoned him with stones, and he died; as the LORD commanded Moses.37 And the LORD spoke unto Moses, saying,38 Speak unto the children of Israel, and bid them that they make them tassels in the corners of their garments throughout their generations, and that they put upon the tassel of the corners a thread of blue:39 And it shall be unto you a tassel, that you may look upon it, and remember all the commandments of the LORD, and do them; and that you seek not after your own heart and your own eyes, after which you use to follow harlotry:40 That you may remember, and do all my commandments, and be holy unto your God.41 I am the LORD your God, who brought you out of the land of Egypt, to be your God: I am the LORD your God.