Publicidade

Números 4

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 2 Ayusin ninyo ang bilang ng mga anak ni Coath, sa gitna ng mga anak ni Levi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 3 Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang, lahat ng pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa ng gawain sa tabernakulo ng kapisanan. 4 Ito ang paglilingkod ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan, sa mga bagay na kabanalbanalan: 5 Pagka ang kampamento ay isusulong, ay papasok si Aaron sa loob, at ang kaniyang mga anak, at kanilang ibababa ang lambong ng tabing, at kanilang tatakpan niyaon ang kaban ng patotoo: 6 At kanilang ilalagay sa ibabaw ang isang takip na balat ng foka at kanilang lalatagan ang ibabaw ng isang kayong taganas na bughaw, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon. 7 At sa ibabaw ng dulang ng tinapay na handog ay maglalatag sila ng isang kayong bughaw, at kanilang ilalagay sa ibabaw nito ang mga pinggan, at ang mga sandok, at ang mga mangkok, at ang mga tasa upang buhusan; at ang namamalaging tinapay ay malalagay sa ibabaw niyaon. 8 At kanilang lalatagan ang ibabaw ng mga yaon ng kayong pula, at kanilang tatakpan ito ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga. 9 At kukuha sila ng isang kayong bughaw at kanilang tatakpan ang kandelerong pangtanglaw at ang mga ilawan, at ang mga gunting, at ang mga pinggan, at ang lahat ng sisidlan ng langis niyaon, na kanilang pinangangasiwaan: 10 At kanilang ilalagay, pati ang lahat ng kasangkapan niyaon sa loob ng isang takip na balat ng foka, at kanilang ilalagay sa ibabaw ng isang patungan. 11 At ang ibabaw ng dambanang ginto ay kanilang lalatagan ng isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon: 12 At kanilang kukunin ang lahat ng mga kasangkapan na ukol sa pangangasiwa na ipinangangasiwa nila sa santuario, at kanilang ilalagay sa isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ipapatong sa patungan. 13 At kanilang aalisin ang mga abo sa dambana at kanilang lalatagan ng isang kayong kulay ube. 14 At kanilang ipapatong doon ang lahat ng mga kasangkapan na kanilang ipinangangasiwa sa palibot ng dambana, ang suuban at ang mga pangipit, at ang mga pala at ang mga mangkok, lahat ng mga kasangkapan ng dambana; at kanilang lalatagan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon. 15 At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan. 16 At ang magiging katungkulan ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, ay ang langis sa ilawan, at ang mabangong kamangyan, at ang palaging handog na harina, at ang langis na pang-pahid, at ang pagiingat ng buong tabernakulo at ng lahat na nandoon, ang santuario at ang mga kasangkapan niyaon. 17 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 18 Huwag ninyong ihiwalay ang lipi ng mga angkan ng mga Coathita sa gitna ng mga Levita. 19 Kundi gawin ninyo sa kanila ang ganito, upang sila'y mabuhay at huwag mamatay, paglapit nila sa mga kabanalbanalang bagay: si Aaron at ang kaniyang mga anak ay paparoon at ituturo sa bawa't isa ang kanikaniyang paglilingkod at ang kanikaniyang pasanin: 20 Nguni't sila'y huwag magsisipasok upang tingnan ang santuario kahit sandali man, baka sila'y mamatay. 21 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 22 Aayusin mo rin ang bilang ng mga anak ni Gerson, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ayon sa kanilang mga angkan; 23 Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang ay bibilangin mo sila; yaong lahat na pumapasok na nangangasiwa sa paglilingkod upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan. 24 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita, sa paglilingkod at sa pagdadala ng mga pasanin: 25 Dadalhin nila ang mga tabing ng tabernakulo, at ang tabernakulo ng kapisanan, ang takip niyaon, at ang panakip na balat ng foka na nasa ibabaw nito, at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan; 26 At ang mga tabing sa looban, at ang tabing sa pintuang-daan ng looban na nasa siping ng tabernakulo, at ng dambana, at ang mga tali ng mga yaon, at ang lahat ng kasangkapan sa kanilang paglilingkod at ang lahat na marapat na gawin sa mga yaon ay kanilang ipaglilingkod. 27 Mapapasa kapangyarihan ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang buong paglilingkod ng mga anak ng mga Gersonita sa buong kanilang pasanin, at sa buong kanilang paglilingkod: at inyong ituturo sa kanila ang mga nauukol sa kanilang buong pasanin. 28 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita sa tabernakulo ng kapisanan: at ang katungkulan nila ay mapapasa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote. 29 Tungkol sa mga anak ni Merari, ay bibilangin mo sila ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang; 30 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang ay iyong bibilangin sila, lahat na pumapasok sa paglilingkod, upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan. 31 At ito ang katungkulan sa kanilang pasanin ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan: ang mga tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan; 32 At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali pati ng lahat ng kasangkapan at ng buong paglilingkod: at ayon sa pangalan, ay ituturo mo sa kanila ang mga kasangkapan na katungkulan sa kanilang pasanin. 33 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan, sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote. 34 At binilang ni Moises at ni Aaron, at ng mga prinsipe ng kapisanan ang mga anak ng mga Coathita ayon sa kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, 35 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, ang bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan; 36 At yaong nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan, ay dalawang libo at pitong daan at limangpu. 37 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga Coathita, lahat ng nagsisipaglingkod sa tabernakulo ng kapisanan na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. 38 At yaong nangabilang sa mga anak ni Gerson, ang kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, 39 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan. 40 Sa makatuwid baga'y ang nangabilang sa kanila, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay dalawang libo at anim na raan at tatlong pu. 41 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Gerson, sa lahat ng naglingkod sa tabernakulo ng kapisanan, na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon. 42 At ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 43 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan, 44 Sa makatuwid baga'y yaong lahat na nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan, ay tatlong libo at dalawang daan. 45 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. 46 Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita, na binilang ni Moises at ni Aaron at ng mga prinsipe sa Israel, ayon sa kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, 47 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok upang gumawa ng gawang paglilingkod, at ng gawang pagdadala ng mga pasanin sa tabernakulo ng kapisanan, 48 Sa makatuwid baga'y yaong nangabilang sa kanila, ay walong libo at limang daan at walong pu. 49 Ayon sa utos ng Panginoon ay nangabilang sa pamamagitan ni Moises, bawa't isa ayon sa kaniyang paglilingkod, at ayon sa kaniyang pasanin: ganito niya binilang sila gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

1 And the LORD spoke unto Moses and unto Aaron, saying,2 Take the sum of the sons of Kohath from among the sons of Levi, by their families, by the house of their fathers,3 From thirty years old and upward even until fifty years old, all that enter the service, to do the work in the tabernacle of meeting.4 This shall be the service of the sons of Kohath in the tabernacle of meeting, about the most holy things:5 And when the camp moves forward, Aaron shall come, and his sons, and they shall take down the covering veil, and cover the ark of testimony with it:6 And shall put thereon the covering of badger skins, and shall spread over it a cloth wholly ofblue, and shall put in its poles.7 And upon the table of showbread they shall spread a cloth of blue, and put thereon the dishes, and the spoons, and the bowls, and covers to cover them: and the showbread shall be on it:8 And they shall spread upon them a cloth of scarlet, and cover the same with a covering of badger skins, and shall put in its poles.9 And they shall take a cloth of blue, and cover the lampstand of the light, and its lamps, and its wick trimmers, and its trays, and all the oil vessels thereof, with which they minister unto it:10 And they shall put it and all the utensils thereof within a covering of badger skins, and shall put it upon a carrying beam.11 And upon the golden altar they shall spread a cloth of blue, and cover it with a covering of badger skins, and shall put in its poles:12 And they shall take all the instruments of ministry, with which they minister in the sanctuary, and put them in a cloth of blue, and cover them with a covering of badger skins, and shall put them on a carrying beam:13 And they shall take away the ashes from the altar, and spread a purple cloth on it:14 And they shall put upon it all its utensils, with which they minister about it, even the fire pans, the forks, and the shovels, and the basins, all the utensils of the altar; and they shall spread upon it a covering of badger skins, and put in its poles.15 And when Aaron and his sons have made an end of covering the sanctuary, as the camp is to move forward; after that, the sons of Kohath shall come to bear it: but they shall not touch any holy thing, lest they die. These things are the burden of the sons of Kohath in the tabernacle of meeting.16 And to the office of Eleazar the son of Aaron the priest pertains the oil for the light, and the sweet incense, and the daily grain offering, and the anointing oil, and the oversight of all the tabernacle, and of all that is therein, in the sanctuary, and in the utensils thereof.17 And the LORD spoke unto Moses and unto Aaron, saying,18 Cut not off the tribe of the families of the Kohathites from among the Levites:19 But thus do unto them, that they may live, and not die, when they approach unto the most holy things: Aaron and his sons shall go in, and appoint them every one to his service and to his burden:20 But they shall not go in to see when the holy things are covered, lest they die.21 And the LORD spoke unto Moses, saying,22 Take also the sum of the sons of Gershon, throughout the houses of their fathers, by their families;23 From thirty years old and upward until fifty years old shall you number them; all that enter in to perform the service, to do the work in the tabernacle of meeting.24 This is the service of the families of the Gershonites, to serve, and to carry burdens:25 And they shall bear the curtains of the tabernacle, and the tabernacle of meeting, its covering, and the covering of the badger skins that is on it, and the hanging for the door of the tabernacle of meeting,26 And the hangings of the court, and the hanging for the door of the gate of the court, which is by the tabernacle and by the altar, and their cords, and all the instruments of their service, and all that is made for them: so shall they serve.27 At the appointment of Aaron and his sons shall be all the service of the sons of the Gershonites, in all their burdens, and in all their service: and you shall appoint unto them the task of all their burdens.28 This is the service of the families of the sons of Gershon in the tabernacle of meeting: and their work shall be under the hand of Ithamar the son of Aaron the priest.29 As for the sons of Merari, you shall number them after their families, by the house of their fathers;30 From thirty years old and upward even unto fifty years old shall you number them, every one that enters into the service, to do the work of the tabernacle of meeting.31 And this is the task of their burdens, according to all their service in the tabernacle of meeting; the boards of the tabernacle, and its bars, and its pillars, and its sockets,32 And the pillars round about the court, and their sockets, and their pegs, and their cords, with all their furnishings, and with all their service: and by name you shall reckon the objects of the charge of their burdens.33 This is the service of the families of the sons of Merari, according to all their service, in the tabernacle of meeting, under the hand of Ithamar the son of Aaron the priest.34 And Moses and Aaron and the leaders of the congregation numbered the sons of the Kohathites by their families, and by the house of their fathers,35 From thirty years old and upward even unto fifty years old, every one that enters into the service, for the work in the tabernacle of meeting:36 And those that were numbered of them by their families were two thousand seven hundred and fifty.37 These were they that were numbered of the families of the Kohathites, all that might do service in the tabernacle of meeting, whom Moses and Aaron did number according to the commandment of the LORD by the hand of Moses.38 And those that were numbered of the sons of Gershon, throughout their families, and by the house of their fathers,39 From thirty years old and upward even unto fifty years old, every one that enters into the service, for the work in the tabernacle of meeting,40 Even those that were numbered of them, throughout their families, by the house of their fathers, were two thousand and six hundred and thirty.41 These are they that were numbered of the families of the sons of Gershon, of all that might do service in the tabernacle of meeting, whom Moses and Aaron did number according to the commandment of the LORD.42 And those that were numbered of the families of the sons of Merari, throughout their families, by the house of their fathers,43 From thirty years old and upward even unto fifty years old, every one that enters into the service, for the work in the tabernacle of meeting,44 Even those that were numbered of them by their families, were three thousand and two hundred.45 These are those that were numbered of the families of the sons of Merari, whom Moses and Aaron numbered according to the word of the LORD by the hand of Moses.46 All those that were numbered of the Levites, whom Moses and Aaron and the leaders of Israel numbered, by their families, and by the house of their fathers,47 From thirty years old and upward even unto fifty years old, every one that came to do the service of the ministry, and the service of the burden in the tabernacle of meeting,48 Even those that were numbered of them, were eight thousand and five hundred and fourscore.49 According to the commandment of the LORD they were numbered by the hand of Moses, every one according to his service, and according to his burden: thus were they numbered of him, as the LORD commanded Moses.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-10_01-11-40-blue