1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 2 Salitain mo kay Aaron, at sabihin mo sa kaniya, Pagsisindi mo ng mga ilawan, ay iyong papagliliwanagin ang pitong ilawan sa harap ng kandelero. 3 At ginawang gayon ni Aaron: kaniyang sinindihan ang mga ilawan upang magliwanag sa harap ng kandelero, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 4 At ito ang pagkayari ng kandelero, gintong niyari sa pamukpok; mula sa tungtungan niyaon hanggang sa mga bulaklak niyaon ay yari sa pamukpok: ayon sa anyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya ginawa ang kandelero. 5 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 6 Kunin mo ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel at linisin mo sila. 7 At ganito ang gagawin mo sa kanila, upang linisin sila: iwisik mo sa kanila ang tubig na panglinis ng sala, at kanilang paraanin ang pang-ahit sa buong laman nila, at labhan nila ang kanilang mga suot, at sila'y magpakalinis. 8 Kung magkagayo'y pakunin mo sila ng isang guyang toro at ng handog na harina niyaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, at kukuha ka ng ibang guyang toro na handog dahil sa kasalanan. 9 At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng tabernakulo ng kapisanan at pipisanin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel: 10 At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng Panginoon. At ipapatong ng mga anak ni Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita: 11 At ihahandog ni Aaron ang mga Levita sa harap ng Panginoon na pinakahandog, na inalog sa ganang mga anak ni Israel upang kanilang gawin ang paglilingkod sa Panginoon. 12 At ipapatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa mga ulo ng mga guyang toro: at ihandog mo ang isa na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ang isa'y pinakahandog na susunugin sa Panginoon, upang itubos sa mga Levita. 13 At patayuin mo ang mga Levita sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak, at ihahandog mo ang mga yaon na pinakahandog na inalog sa Panginoon. 14 Ganito mo ihihiwalay ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay magiging akin. 15 At pagkatapos nito ay magsisipasok ang mga Levita, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan at iyo silang lilinisin, at ihahandog mo na pinakahandog na inalog. 16 Sapagka't sila'y buong nabigay sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel; na kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagsisipagbukas ng bahay-bata, ng mga panganay sa lahat ng mga anak ni Israel. 17 Sapagka't lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel ay akin, maging tao at maging hayop: nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ay aking pinapagingbanal para sa akin. 18 At aking kinuha ang mga Levita na kapalit ng lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel. 19 At aking ibinigay ang mga Levita na pinaka kaloob kay Aaron at sa kaniyang mga anak mula sa gitna ng mga anak ni Israel upang gawin nila ang paglilingkod sa mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, at upang magsigawa ng pangtubos sa mga anak ni Israel, upang huwag magkaroon ng salot sa gitna ng mga anak ni Israel, pagka ang mga anak ni Israel, ay lumalapit sa santuario. 20 Ganito ang ginawa ni Moises, at ni Aaron, at ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel sa mga Levita: ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel sa kanila. 21 At ang mga Levita ay nagsipaglinis ng kanilang sarili sa kasalanan, at nagsipaglaba ng kanilang mga damit; at inihandog ni Aaron sila na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon; at si Aaron ay naggawa ng pangtubos sa kanila upang linisin sila. 22 At pagkatapos niyaon ay nagsipasok ang mga Levita upang gawin ang kanilang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak: kung paano ang iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ang ginawa nila sa kanila. 23 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 24 Ito ang nauukol sa mga Levita: mula sa dalawang pu't limang taong gulang na patanda, ay papasok upang maglingkod sa gawa ng tabernakulo ng kapisanan. 25 At mula sa limang pung taong gulang ay titigil sila sa paglilingkod sa gawain at hindi na sila maglilingkod; 26 Nguni't sila'y mangangasiwa ng kanilang mga kapatid sa tabernakulo ng kapisanan, upang ingatan ang katungkulan, at sila'y walang gagawing paglilingkod. Gayon ang gagawin mo sa mga Levita tungkol sa kanilang mga katungkulan.
1 And the LORD spoke unto Moses, saying,2 Speak unto Aaron, and say unto him, When you light the lamps, the seven lamps shall give light in front of the lampstand.3 And Aaron did so; he lighted the lamps thereof in front of the lampstand, as the LORD commanded Moses.4 And this work of the lampstand was of hammered gold, its shaft and its flowers were hammered work: according unto the pattern which the LORD had shown Moses, so he made the lampstand.5 And the LORD spoke unto Moses, saying,6 Take the Levites from among the children of Israel, and cleanse them.7 And thus shall you do unto them, to cleanse them: Sprinkle water of purifying upon them, and let them shave all their flesh, and let them wash their clothes, and so make themselves clean.8 Then let them take a young bullock with its grain offering, even fine flour mixed with oil, and another young bullock shall you take for a sin offering.9 And you shall bring the Levites before the tabernacle of meeting: and you shall gather the whole assembly of the children of Israel together:10 And you shall bring the Levites before the LORD: and the children of Israel shall put their hands upon the Levites:11 And Aaron shall offer the Levites before the LORD for an offering of the children of Israel, that they may execute the service of the LORD.12 And the Levites shall lay their hands upon the heads of the bullocks: and you shall offer the one for a sin offering, and the other for a burnt offering, unto the LORD, to make an atonement for the Levites.13 And you shall set the Levites before Aaron, and before his sons, and offer them for an offering unto the LORD.14 Thus shall you separate the Levites from among the children of Israel: and the Levites shall be mine.15 And after that shall the Levites go in to do the service of the tabernacle of meeting: and you shall cleanse them, and offer them for an offering.16 For they are wholly given unto me from among the children of Israel; instead of all that open every womb, even instead of the firstborn of all the children of Israel, have I taken them unto me.17 For all the firstborn of the children of Israel are mine, both man and animal: on the day that I struck every firstborn in the land of Egypt I sanctified them for myself.18 And I have taken the Levites for all the firstborn of the children of Israel.19 And I have given the Levites as a gift to Aaron and to his sons from among the children of Israel, to do the service of the children of Israel in the tabernacle of meeting, and to make an atonement for the children of Israel: that there be no plague among the children of Israel, when the children of Israel come near unto the sanctuary.20 And Moses, and Aaron, and all the congregation of the children of Israel, did to the Levites according to all that the LORD commanded Moses concerning the Levites, so did the children of Israel to them.21 And the Levites were purified, and they washed their clothes; and Aaron offered them as an offering before the LORD; and Aaron made an atonement for them to cleanse them.22 And after that went the Levites in to do their service in the tabernacle of meeting before Aaron, and before his sons: as the LORD had commanded Moses concerning the Levites, so did they unto them.23 And the LORD spoke unto Moses, saying,24 This is what pertains to the Levites: from twenty and five years old and upward they shall go in to wait upon the service of the tabernacle of meeting:25 And from the age of fifty years they shall cease waiting upon the service thereof, and shall serve no more:26 But shall minister with their brethren in the tabernacle of meeting, to keep the charge, and shall do no service. Thus shall you do unto the Levites regarding their duties.