1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 2 Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain ng Canaan, (na ito ang lupaing mahuhulog sa inyo na pinakamana, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan niyaon), 3 At inyong hahantungan ang dakong timugan mula sa ilang ng Zin hanggang sa gilid ng Edom, at ang inyong hangganang timugan ay magiging mula sa dulo ng Dagat na Alat sa dakong silanganan: 4 At ang inyong hangganan ay paliko sa dakong timugan sa sampahan ng Acrabbim, at patuloy hanggang sa Zin: at ang mga labasan niyaon ay magiging sa dakong timugan ng Cades-barnea; at mula rito ay pasampa sa Hasar-addar, at patuloy sa Asmon: 5 At ang hangganan ay paliko mula sa Asmon hanggang sa batis ng Egipto, at ang magiging mga labasan niyaon ay sa dagat. 6 At ang magiging inyong hangganang kalunuran ay ang malaking dagat at ang baybayin niyaon: ito ang magiging inyong hangganang kalunuran. 7 At ito ang magiging inyong hangganang hilagaan mula sa malaking dagat ay inyong gagawing palatandaan ang bundok ng Hor: 8 Mula sa bundok ng Hor ay inyong gagawing palatandaan ang pasukan ng Hamath; at ang magiging mga labasan ng hangganan ay sa Sedad; 9 At ang magiging hangganan ay palabas sa Ziphron, at ang magiging mga labasan niyaon, ay ang Hasar-enan: ito ang magiging inyong hangganang hilagaan. 10 At inyong gagawing palatandaan ang inyong hangganang silanganan mula sa Hasar-enan hanggang Sepham: 11 At ang hangganan ay pababa mula sa Sepham hanggang sa Ribla, sa dakong silanganan ng Ain; at ang hangganan ay pababa at abot hanggang sa gilid ng dagat ng Cinnereth sa dakong silanganan: 12 At ang hangganan ay pababa sa Jordan, at ang magiging mga labasan niyaon ay abot sa Dagat na Alat: ito ang magiging inyong lupain, ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot. 13 At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Ito ang lupain na inyong mamanahin sa pamamagitan ng sapalaran, na iniutos ng Panginoon na ibigay sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi; 14 Sapagka't ang lipi ng mga anak ni Ruben ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang lipi ng mga anak ni Gad ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nagsitanggap na, at gayon din naman ang kalahating lipi ni Manases ay nagsitanggap na ng kanilang mana: 15 Ang dalawang lipi na ito, at ang kalahating lipi ay nagsitanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan ng Jerico, sa dakong sinisikatan ng araw. 16 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 17 Ito ang mga pangalan ng mga lalake na magbabahagi ng lupain sa inyo na pinakamana: si Eleazar na saserdote, at si Josue na anak ni Nun. 18 At maglalagay kayo ng isang prinsipe sa bawa't lipi, upang magbahagi ng lupain na pinakamana. 19 At ito ang mga pangalan ng mga lalake: sa lipi ni Juda, ay si Caleb na anak ni Jephone. 20 At sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay si Samuel na anak ni Ammiud. 21 Sa lipi ni Benjamin, ay si Elidad na anak ni Chislon. 22 At sa lipi ng mga anak ni Dan, ay ang prinsipe Bucci na anak ni Jogli. 23 Sa mga anak ni Jose: sa lipi ng mga anak ni Manases, ay ang prinsipe Haniel na anak ni Ephod: 24 At sa lipi ng mga anak ni Ephraim, ay ang prinsipe Chemuel na anak ni Siphtan. 25 At sa lipi ng mga anak ni Zabulon, ay ang prinsipe Elisaphan na anak ni Pharnach. 26 At sa lipi ng mga anak ni Issachar, ay ang prinsipe Paltiel na anak ni Azan. 27 At sa lipi ng mga anak ni Aser, ay ang prinsipe Ahiud na anak ni Selomi. 28 At sa lipi ng mga anak ni Nephtali, ay ang prinsipe Pedael na anak ni Ammiud. 29 Ito yaong mga inutusan ng Panginoon na bumahagi ng mana sa mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan.
1 And the LORD spoke unto Moses, saying,2 Command the children of Israel, and say unto them, When you come into the land of Canaan; (this is the land that shall fall unto you for an inheritance, even the land of Canaan to the extent of its boundaries:)3 Then your south side shall be from the wilderness of Zin along by the border of Edom, and your south border shall be to the edge of the salt sea on the east:4 And your border shall turn from the south to the ascent of Akrabbim, and pass on to Zin: and the going forth thereof shall be from the south to Kadeshbarnea, and shall go on to Hazaraddar, and pass on to Azmon:5 And the border shall turn from Azmon unto the river of Egypt, and the end of it shall be at the sea.6 And as for the western border, you shall even have the Great Sea for a border: this shall be your west border.7 And this shall be your north border: from the Great Sea you shall mark out for you mount Hor:8 From mount Hor you shall mark out your border unto the entrance of Hamath; and the end of the border shall be at Zedad:9 And the border shall go on to Ziphron, and the end of it shall be at Hazarenan: this shall be your north border.10 And you shall mark out your east border from Hazarenan to Shepham:11 And the border shall go down from Shepham to Riblah, on the east side of Ain; and the border shall descend, and shall reach unto the eastern side of the Sea of Chinnereth:12 And the border shall go down to the Jordan, and the end of it shall be at the Salt Sea: this shall be your land with boundaries all around.13 And Moses commanded the children of Israel, saying, This is the land which you shall inherit by lot, which the LORD commanded to give unto the nine tribes, and to the half tribe:14 For the tribe of the children of Reuben according to the house of their fathers, and the tribe of the children of Gad according to the house of their fathers, have received their inheritance; and the half tribe of Manasseh has received its inheritance:15 The two tribes and the half tribe have received their inheritance on this side of Jordan near Jericho eastward, toward the sun rising.16 And the LORD spoke unto Moses, saying,17 These are the names of the men who shall divide the land unto you: Eleazar the priest, and Joshua the son of Nun.18 And you shall take one leader of every tribe, to divide the land by inheritance.19 And the names of the men are these: Of the tribe of Judah, Caleb the son of Jephunneh.20 And of the tribe of the children of Simeon, Shemuel the son of Ammihud.21 Of the tribe of Benjamin, Elidad the son of Chislon.22 And the leader of the tribe of the children of Dan, Bukki the son of Jogli.23 The leader of the children of Joseph, for the tribe of the children of Manasseh, Hanniel the son of Ephod.24 And the leader of the tribe of the children of Ephraim, Kemuel the son of Shiphtan.25 And the leader of the tribe of the children of Zebulun, Elizaphan the son of Parnach.26 And the leader of the tribe of the children of Issachar, Paltiel the son of Azzan.27 And the leader of the tribe of the children of Asher, Ahihud the son of Shelomi.28 And the leader of the tribe of the children ofNaphtali, Pedahel the son of Ammihud.29 These are they whom the LORD commanded to divide the inheritance unto the children of Israel in the land of Canaan.