1 At itinayo ni Salomon ang kaniyang sariling bahay na labing tatlong taon, at kaniyang nayari ang kaniyang buong bahay. 2 Sapagka't kaniyang itinayo ang bahay na kahoy sa gubat ng Libano; ang haba'y isang daang siko, at ang luwang ay limang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko, sa apat na hanay na haliging sedro na may sikang na sedro sa ibabaw ng mga haligi. 3 At binubungan ng sedro sa ibabaw ng apat na pu't limang sikang, na nasa ibabaw ng mga haligi; labing lima sa isang hanay. 4 At may mga dungawan sa tatlong grado, at ang liwanag ng mga yaon ay nangagkakatapatan, sa tatlong grado. 5 At ang lahat na pintuan at mga haligi ay pawang parisukat ang anyo: at ang mga liwanag ay nangagkakatapatan, sa tatlong grado. 6 At siya'y gumawa ng portiko na may mga haligi: ang haba niyao'y limang pung siko, at ang luwang niyao'y tatlong pung siko, at may isang portiko na nasa harap ng mga yaon; at mga haligi at sikang ang nangasa harap ng mga yaon. 7 At kaniyang ginawa ang portiko ng luklukan na kaniyang paghuhukuman, sa makatuwid baga'y ang portiko ng hukuman: at nababalot ng sedro sa lapag at lapag. 8 At ang kaniyang bahay na tahanan, ibang looban sa loob ng portiko ay sa gayon ding gawa. Kaniyang iginawa rin naman ng bahay ang anak na babae ni Faraon (na naging asawa ni Salomon) na hawig portikong ito. 9 Ang lahat na ito'y mga mahalagang bato, sa makatuwid baga'y mga batong tabas, ayon sa sukat, na nilagari ng mga lagari, sa labas at sa loob, mula sa mga tatagang-baon hanggang sa kataastaasan, at gayon sa labas hanggang sa malaking looban. 10 At ang tatagang-baon ay mga mahalagang bato, sa makatuwid baga'y mga malaking bato, mga batong may sangpung siko, at mga batong may walong siko. 11 At sa ibabaw ay may mga mahalagang bato, sa makatuwid baga'y mga batong tabas, ayon sa sukat, at kahoy na sedro. 12 At ang malaking looban sa palibot ay may tatlong hanay ng batong tabas, at isang hanay na sikang na sedro; gaya ng pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at ng portiko ng bahay. 13 At nagsugo ang haring Salomon, at ipinasundo si Hiram sa Tiro. 14 Siya'y anak ng isang babaing bao sa lipi ni Nephtali, at ang kaniyang ama ay lalaking taga Tiro, na manggagawa sa tanso; at siya'y puspos ng karunungan, at katalinuhan, at kabihasahan, upang gumawa ng lahat na gawain sa tanso. At siya'y naparoon sa haring Salomon, at ginawa ang lahat niyang gawain. 15 Sapagka't kaniyang tinabas ang dalawang haligi na tanso, na may labing walong siko ang taas ng bawa't isa: at isang panukat na pisi na may labing dalawang siko ay maipalilibid sa bilog ng alinman sa bawa't isa. 16 At siya'y gumawa ng dalawang kapitel na binubong tanso, upang ilagay sa mga dulo ng mga haligi: ang taas ng isang kapitel ay limang siko at ang taas ng kabilang kapitel ay limang siko. 17 May mga yaring nilambat, at mga tirintas na yaring tinanikala, na ukol sa mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; pito sa isang kapitel, at pito sa kabilang kapitel. 18 Gayon ginawa niya ang mga haligi: at mayroong dalawang hanay sa palibot ng isang yaring lambat, upang takpan ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; at gayon ang ginawa niya sa kabilang kapitel. 19 At ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi sa portiko ay mga yaring lila, na apat na siko. 20 At may mga kapitel naman sa dulo ng dalawang haligi, na malapit sa pinakatiyan na nasa siping ng yaring lambat: at ang mga granada ay dalawang daan, na nahahanay sa palibot sa ikalawang kapitel. 21 At kaniyang itinayo ang mga haligi sa portiko ng templo: at kaniyang itinayo ang kanang haligi, at pinanganlang Jachin: at kaniyang itinayo ang kaliwang haligi, at pinanganlang Boaz. 22 At sa dulo ng mga haligi ay may yaring lila: sa gayo'y ang gawain sa mga haligi ay nayari. 23 At kaniyang ginawa ang binubong dagatdagatan na may sangpung siko mula sa labi't labi, na lubos na mabilog, at ang taas ay limang siko: at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko ang maipalilibid sa palibot. 24 At sa ilalim ng labi sa paligid ay may mga kulukuti sa palibot, na sangpu sa bawa't siko, na nakalibid sa dagatdagatan sa palibot: ang mga kulukuti ay dalawang hanay, na binubo ng bubuin ang binubong dagatdagatan. 25 Nakapatong ang dagatdagatan sa labing dalawang baka, ang tatlo'y nakaharap sa dakong hilagaan, ang tatlo'y nakaharap sa dakong kalunuran, ang tatlo'y nakaharap sa dakong timugan, at ang tatlo'y nakaharap sa dakong silanganan; at ang dagatdagatan ay napapatong sa mga yaon, at ang lahat na puwitan ng mga yaon ay nasa loob. 26 At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal; at ang labi niyaon ay yaring gaya ng labi ng isang tasa, gaya ng bulaklak na lila: naglalaman ng dalawang libong bath. 27 At siya'y gumawa ng sangpung patungang tanso: apat na siko ang haba ng bawa't isa at apat na siko ang luwang, at tatlong siko ang taas. 28 At ang pagkayari ng mga patungan ay ganitong paraan: may mga gilid na takip sa pagitan ng mga sugpong: 29 At sa mga gilid na takip na nasa pagitan ng mga sugpong ay may mga leon, mga baka, at mga querubin; at sa itaas ng mga sugpong ay may tungtungan sa ibabaw; at sa ibaba ng mga leon, at mga baka, ay may mga tirintas na nangagbitin. 30 At bawa't patungan ay may apat na gulong na tanso, at mga ejeng tanso: at ang apat na paa niyao'y may mga lapatan: sa ilalim ng hugasan ay may mga lapatan na binubo, na may mga tirintas sa siping ng bawa't isa. 31 At ang bunganga niyaong nasa loob ng kapitel, at ang taas ay may isang siko: at ang bunganga niyao'y mabilog ayon sa pagkayari ng tungtungan, na may isang siko't kalahati: at sa bunganga naman niyao'y may mga ukit, at ang mga gilid ng mga yaon ay parisukat, hindi mabilog. 32 At ang apat na gulong ay nasa ibaba ng mga gilid; at ang mga eje ng mga gulong ay nasa patungan: at ang taas ng bawa't gulong ay isang siko at kalahati. 33 At ang pagkagawa ng mga gulong ay gaya ng pagkagawa ng mga gulong ng karo: ang mga eje ng mga yaon, at ang mga Ilanta ng mga yaon, at ang mga rayos ng mga yaon at ang mga boha niyaon ay pawang binubo. 34 At may apat na lapatan sa apat na panulok ng bawa't patungan: ang mga lapatan ay kaputol ng patungan. 35 At sa ibabaw ng patungan ay may isang nakababakod na mabilog na may kalahating siko ang taas: at sa ibabaw ng patunga'y nandoon ang mga panghawak, at ang mga gilid ay kaputol niyaon. 36 At sa mga lamina ng mga panghawak niyaon at sa mga gilid niyaon, ay kaniyang inukitan ng mga querubin, mga leon, at mga puno ng palma ayon sa pagitan ng bawa't isa, na may mga tirintas sa palibot. 37 Ayon sa paraang ito ay kaniyang ginawa ang sangpung patungan: lahat ng yaon ay iisa ang pagkabubo, iisa ang sukat, at iisa ang anyo. 38 At siya'y gumawa ng sangpung hugasang tanso: isang hugasan ay naglalaman ng apat na pung bath: at bawa't hugasan ay may apat na siko: at sa bawa't isa sa sangpung patungan ay isang hugasan. 39 At kaniyang inilagay ang mga patungan, lima sa kanang tagiliran ng bahay, at lima sa kaliwang tagiliran ng bahay: at kaniyang inilagay ang dagatdagatan sa tagilirang kanan ng bahay sa dakong silanganan, na dakong timugan. 40 At ginawa ni Hiram ang mga hugasan, at ang mga pala, at ang mga mangkok. Gayon tinapos gawin ni Hiram ang lahat na gawa na kaniyang ginawa sa haring Salomon, sa bahay ng Panginoon: 41 Ang dalawang haligi, at ang dalawang kabilugan sa paligid ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; at ang dalawang yaring lambat na nakaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; 42 At ang apat na raang granada sa dalawang yaring lambat; ang dalawang hanay na granada sa bawa't yaring lambat, upang makaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; 43 At ang sangpung patungan, at ang sangpung hugasan sa ibabaw ng mga patungan; 44 At ang isang dagatdagatan, at ang labing dalawang baka sa ilalim ng dagatdagatan; 45 At ang mga palyok, at ang mga pala, at ang mga mangkok: sa makatuwid baga'y lahat ng kasangkapang ito na ginawa ni Hiram sa haring Salomon, sa bahay ng Panginoon, ay pawang tansong binuli. 46 Sa kapatagan ng Jordan binubo ng hari, sa malagkit na lupa na nasa pagitan ng Succoth at ng Sarthan. 47 At lahat na kasangkapan ay hindi tinimbang ni Salomon, sapagka't totoong napakarami: ang timbang ng tanso ay hindi makukuro. 48 At ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapan na nasa bahay ng Panginoon: ang ginintong dambana, at ang dulang na gininto na kinaroroonan ng tinapay na handog; 49 At ang mga kandelero na taganas na ginto na lima sa dakong kanan, at lima sa kaliwa sa harap ng sanggunian; at ang mga bulaklak, at ang mga ilawan, at mga pangipit na ginto; 50 At ang mga saro, at ang mga panggupit ng micha, at ang mga mangkok, at ang mga panandok, at ang mga suuban, na taganas na ginto; at ang mga pihitang ginto maging ang sa mga pinto ng bahay sa loob, na kabanalbanalang dako, at ang sa mga pinto ng bahay, sa makatuwid baga'y ng templo. 51 Ganito nayari ang buong gawa ng haring Salomon na ginawa sa bahay ng Panginoon. At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama, ang pilak at ang ginto, at ang mga kasangkapan, at ipinasok sa mga silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon.
1 But Solomon was building his own house for thirteen years, and he finished all his house.2 He built also the house of the forest of Lebanon; the length of it was a hundred cubits, and the breadth of it fifty cubits, and the height of it thirty cubits, upon four rows of cedar pillars, with cedar beams upon the pillars.3 And it was covered with cedar above the beams, that lay on forty-five pillars, fifteen in a row.4 And there were windows in three rows, and window was opposite window in three tiers.5 And all the doors and posts were square, with the windows: and window was opposite window in three tiers.6 And he made a porch of pillars; the length of it was fifty cubits, and the breadth of it thirty cubits: and the porch was in front of them: and the other pillars and the thick beam were in front of them.7 Then he made a porch for the throne where he might judge, even the porch of judgment: and it was covered with cedar from one side of the floor to the other.8 And his house where he dwelt had another court inside the porch, which was of like workmanship. Solomon made also a house for Pharaoh’s daughter, whom he had taken as his wife, like unto this porch.9 All these were of costly stones, according to the measures of cut stones, sawed with saws, inside and out, even from the foundation unto the eaves, and also on the outside toward the great court.10 And the foundation was of costly stones, even great stones, stones of ten cubits, and stones of eight cubits.11 And above were costly stones, after the measures of cut stones, and cedars.12 And the great court round about was with three rows of cut stones, and a row of cedar beams, both for the inner court of the house of the LORD, and for the porch of the house.13 And king Solomon sent and brought Hiram out of Tyre.14 He was a widow’s son of the tribe of Naphtali, and his father was a man of Tyre, a worker in bronze: and he was filled with wisdom, and understanding, and cunning to work all works in bronze. And he came to king Solomon, and did all his work.15 For he cast two pillars of bronze, of eighteen cubits high apiece: and a line of twelve cubits measured the circumference of each.16 And he made two capitals of molten bronze, to set upon the tops of the pillars: the height of the one capital was five cubits, and the height of the other capital was five cubits:17 And nets of checker work, and wreaths of chain work, for the capitals which were upon the top of the pillars; seven for the one capital, and seven for the other capital.18 And he made the pillars, and two rows round about upon the one network, to cover the capitals that were upon the top, with pomegranates: and so did he for the other capital.19 And the capitals that were upon the top of the pillars were of lily work in the porch, four cubits.20 And the capitals upon the two pillars had pomegranates also above, over against the rounded projection which was by the network: and the pomegranates were two hundred in rows round about upon the other capital.21 And he set up the pillars in the porch of the temple: and he set up the right pillar, and called the name thereof Jachin: and he set up the left pillar, and called the name thereof Boaz.22 And upon the top of the pillars was lily work: so was the work of the pillars finished.23 And he made a molten sea, ten cubits from the one brim to the other: it was round all about, and its height was five cubits: and a line of thirty cubits measured its circumference.24 And under the brim of it round about there were knobs compassing it, ten in a cubit, compassing the sea round about: the knobs were cast in two rows, when it was cast.25 It stood upon twelve oxen, three looking toward the north, and three looking toward the west, and three looking toward the south, and three looking toward the east: and the sea was set above upon them, and all their hind parts were inward.26 And it was a handbreadth thick, and the brim thereof was shaped like the brim of a cup, with flowers of lilies: it contained two thousand baths.27 And he made ten stands of bronze; four cubits was the length of one stand, and four cubits the breadth thereof, and three cubits the height of it.28 And the work of the stands was on this manner: they had panels, and the panels were between the frames:29 And on the panels that were between the frames were lions, oxen, and cherubim: and upon the frames there was a pedestal above: and beneath the lions and oxen were wreaths made of hammered work.30 And every stand had four bronze wheels, and axles of bronze: and the four corners thereof had supports: under the laver were molten supports, at the side of every wreath.31 And the mouth of it within the capital and above was a cubit: but the mouth thereof was round like the shape of a pedestal, a cubit and an half: and also upon the mouth of it were engravings with their panels, foursquare, not round.32 And under the panels were four wheels; and the axles of the wheels were joined to the stand: and the height of a wheel was a cubit and a half.33 And the work of the wheels was like the work of a chariot wheel: their axles, and their rims, and their hubs, and their spokes, were all molten.34 And there were four supports to the four corners of each stand: and the supports were of one piece with the stand itself.35 And on the top of the stand there was a round band half a cubit high: and on the top of the stand the frames thereof and the panels thereof were all one piece.36 For on the plates of the frames thereof, and on the panels thereof, he engraved cherubim, lions, and palm trees, according to the space of each one, and wreaths round about.37 After this manner he made the ten stands: all of them were of the same casting, of the same measure, and the same shape.38 Then made he ten lavers of bronze: each laver contained forty baths: and each laver was four cubits: and upon every one of the ten stands was one laver.39 And he put five stands on the right side of the house, and five on the left side of the house: and he set the sea on the right side of the house toward the southeast.40 And Hiram made the lavers, and the shovels, and the basins. So Hiram finished doing all the work that he made for king Solomon for the house of the LORD:41 The two pillars, and the two bowls of the capitals that were on the top of the two pillars; and the two networks, to cover the two bowls of the capitals which were upon the top of the pillars;42 And four hundred pomegranates for the two networks, even two rows of pomegranates for each network, to cover the two bowls of the capitals that were upon the pillars;43 And the ten stands, and ten lavers on the stands;44 And one sea, and twelve oxen under the sea;45 And the pots, and the shovels, and the basins: and all these vessels, which Hiram made for king Solomon for the house of the LORD, were of bright bronze.46 In the plain of Jordan did the king cast them, in the clay ground between Succoth and Zarethan.47 And Solomon left all the vessels unweighed, because they were very many: neither was the weight of the bronze measured.48 And Solomon made all the vessels that pertained unto the house of the LORD: the altar of gold, and the table of gold, on which was the showbread,49 And the lampstands of pure gold, five on the right side, and five on the left, before the inner sanctuary, with the flowers, and the lamps, and the tongs of gold,50 And the bowls, and the wick trimmers, and the basins, and the ladles, and the censers of pure gold; and the hinges of gold, both for the doors of the inner room, the most holy place, and for the doors of the main hall of the temple.51 So was ended all the work that king Solomon made for the house of the LORD. And Solomon brought in the things which David his father had dedicated; even the silver, and the gold, and the furnishings, did he put among the treasures of the house of the LORD.