1 At si Roboam ay naparoon sa Sichem: sapagka't ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari. 2 At nangyari, nang mabalitaan ni Jeroboam na anak ni Nabat (sapagka't siya'y nasa Egipto pa, na doon siya'y tumakas mula sa harapan ng haring Salomon, at tumahan sa Egipto, 3 At sila'y nagsugo at ipinatawag nila siya,) si Jeroboam nga at ang buong kapisanan ng Israel ay nagsiparoon, at nagsipagsalita kay Roboam, na sinasabi, 4 Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin: ngayon nga'y pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod sa iyong ama, at ang mabigat niyang atang na iniatang niya sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo. 5 At sinabi niya sa kanila, Kayo'y magsiyaon pang tatlong araw, saka magsibalik kayo sa akin. At ang bayan ay yumaon. 6 At ang haring Roboam ay kumuhang payo sa mga matanda na nagsitayo sa harap ni Salomon na kaniyang ama samantalang nabubuhay pa, na sinasabi, Anong payo ang ibinibigay ninyo sa akin, upang magbalik ng sagot sa bayang ito? 7 At nagsipagsalita sa kaniya, na nagsipagsabi, Kung ikaw ay magiging lingkod sa bayang ito sa araw na ito, at maglilingkod sa kanila, at sasagot sa kanila, at magsasalita ng mabuting mga salita sa kanila, ay iyo ngang magiging lingkod sila magpakailan man. 8 Nguni't tinalikdan niya ang payo ng mga matanda na kanilang ibinigay sa kaniya, at kumuhang payo sa mga binata na nagsilaking kasabay niya, na nagsitayo sa harap niya. 9 At sinabi niya sa kanila, Anong payo ang ibinibigay ninyo, upang maibalik nating sagot sa bayang ito, na nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pagaanin mo ang atang na iniatang ng iyong ama sa amin? 10 At ang mga binata na nagsilaking kasabay niya ay nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Ganito ang iyong sasabihin sa bayang ito na nagsalita sa iyo, na nagsasabi, Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin, nguni't pagaanin mo sa amin; ganito ang iyong sasalitain sa kanila, Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama. 11 At yaman ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na atang, ay aking dadagdagan pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit; nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan. 12 Sa gayo'y naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Roboam sa ikatlong araw, gaya ng iniutos ng hari, na sinasabi, Magsibalik kayo sa akin sa ikatlong araw. 13 At ang hari ay sumagot sa bayan na may katigasan, at tinalikdan ang payo na ibinigay sa kaniya ng mga matanda; 14 At nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga binata, na nagsasabi, Pinabigat ng aking ama ang atang sa inyo, nguni't dadagdagan ko pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit, nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan. 15 Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan; sapagka't bagay na buhat sa Panginoon upang kaniyang itatag ang kaniyang salita, na sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat. 16 At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, ay sumagot ang bayan sa hari, na nagsasabi, Anong bahagi mayroon kami kay David? at wala man kaming mana sa anak ni Isai: sa iyong mga tolda, Oh Israel: ngayon ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang Israel sa kanikaniyang tolda. 17 Nguni't tungkol sa mga anak ni Israel na nagsitahan sa mga bayan ng Juda, ay pinagharian sila ni Roboam. 18 Nang magkagayo'y sinugo ng haring Roboam si Adoram na nasa pagpapaatag; at binato ng buong Israel siya ng mga bato, na anopa't siya'y namatay. At nagmadali ang haring Roboam na sumakay sa kaniyang karo, upang tumakas sa Jerusalem. 19 Gayon nanghimagsik ang Israel laban sa sangbahayan ni David, hanggang sa araw na ito. 20 At nangyari, nang mabalitaan ng buong Israel na si Jeroboam ay bumalik, na sila'y nagsugo at ipinatawag siya sa kapisanan, at ginawa siyang hari sa buong Israel: walang sumunod sa sangbahayan ni David, kundi ang lipi ni Juda lamang. 21 At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang buong sangbahayan ng Juda, at ang lipi ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling lalake, na mga mangdidigma, upang magsilaban sa sangbahayan ng Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam na anak ni Salomon. 22 Nguni't ang salita ng Dios ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na nagsasabi, 23 Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon, na hari sa Juda, at sa buong sangbahayan ng Juda, at ng Benjamin, at sa nalabi sa bayan, na sabihin, 24 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y huwag magsisiahon o magsisilaban sa inyong mga kapatid na mga anak ni Israel: bumalik ang bawa't isa sa kaniyang bahay; sapagka't ang bagay na ito ay mula sa akin. Sa gayo'y kanilang dininig ang salita ng Panginoon, at sila'y nagsibalik at nagsiyaon, ayon sa salita ng Panginoon. 25 Nang magkagayo'y itinayo ni Jeroboam ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim, at tumahan doon; at siya'y umalis mula roon, at itinayo ang Penuel. 26 At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang sarili, Ngayo'y mababalik ang kaharian sa sangbahayan ni David: 27 Kung ang bayang ito ay umahon upang maghandog ng mga hain sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem, ang puso nga ng bayang ito'y mababalik sa kanilang panginoon, sa makatuwid baga'y kay Roboam na hari sa Juda; at ako'y papatayin nila, at mababalik kay Roboam na hari sa Juda. 28 Kaya't ang hari ay kumuhang payo, at gumawa ng dalawang guyang ginto; at sinabi niya sa kanila, Mahirap sa inyo na magsiahon sa Jerusalem; tingnan mo ang iyong mga dios, Oh Israel, na iniahon ka mula sa lupain ng Egipto. 29 At inilagay niya ang isa sa Bethel, at ang isa'y inilagay sa Dan. 30 At ang bagay na ito ay naging kasalanan: sapagka't ang bayan ay umahon upang sumamba sa harap ng isa, hanggang sa Dan. 31 At siya'y gumawa ng mga bahay sa mga mataas na dako, at naghalal ng mga saserdote sa buong bayan, na hindi sa mga anak ni Levi. 32 At si Jeroboam ay nagpadaos ng isang kapistahan nang ikawalong buwan, sa ikalabing limang araw ng buwan, gaya ng kapistahan sa Juda, at siya'y sumampa sa dambana; gayon ang ginawa niya sa Beth-el, na kaniyang hinahainan ang mga guya na kaniyang ginawa: at kaniyang inilagay sa Beth-el ang mga saserdote sa mataas na dako, na kaniyang mga inihalal. 33 At siya'y sumampa sa dambana na kaniyang ginawa sa Beth-el nang ikalabing limang araw ng ikawalong buwan, sa makatuwid baga'y sa buwan na kaniyang inakala sa kaniyang puso: at kaniyang ipinadaos ang isang kapistahan sa mga anak ni Israel, at sumampa sa dambana upang magsunog ng kamangyan.
1 And Rehoboam went to Shechem: for all Israel were come to Shechem to make him king.2 And it came to pass, when Jeroboam the son of Nebat, who was yet in Egypt, heard of it, (for he had fled from the presence of king Solomon, and Jeroboam dwelt in Egypt;)3 That they sent and called him. And Jeroboam and all the congregation of Israel came, and spoke unto Rehoboam, saying,4 Your father made our yoke grievous: now therefore make you the grievous service of your father, and his heavy yoke which he put upon us, lighter, and we will serve you.5 And he said unto them, Depart yet for three days, then come again to me. And the people departed.6 And king Rehoboam consulted with the old men, that stood before Solomon his father while he yet lived, and said, How do you advise that I may answer this people?7 And they spoke unto him, saying, If you will be a servant unto this people this day, and will serve them, and answer them, and speak good words to them, then they will be your servants forever.8 But he forsook the counsel of the old men, which they had given him, and consulted with the young men that were grown up with him, and who stood before him:9 And he said unto them, What counsel give you that we may answer this people, who have spoken to me, saying, Make the yoke which your father did put upon us lighter?10 And the young men that were grown up with him spoke unto him, saying, Thus shall you speak unto this people that spoke unto you, saying, Your father made our yoke heavy, but you make it lighter unto us; thus shall you say unto them, My little finger shall be thicker than my father’s loins.11 And now whereas my father did lay upon you with a heavy yoke, I will add to your yoke: my father has chastised you with whips, but I will chastise you with scorpions.12 So Jeroboam and all the people came to Rehoboam the third day, as the king had appointed, saying, Come to me again the third day.13 And the king answered the people roughly, and forsook the old men’s counsel that they gave him;14 And spoke to them after the counsel of the young men, saying, My father made your yoke heavy, and I will add to your yoke: my father also chastised you with whips, but I will chastise you with scorpions.15 Therefore the king hearkened not unto the people; for the turn of affairs was from the LORD, that he might perform his saying, which the LORD spoke by Ahijah the Shilonite unto Jeroboam the son of Nebat.16 So when all Israel saw that the king hearkened not unto them, the people answered the king, saying, What portion have we in David? neither have we inheritance in the son of Jesse: to your tents, O Israel: now see to your own house, David. So Israel departed unto their tents.17 But as for the children of Israel who dwelt in the cities of Judah, Rehoboam reigned over them.18 Then king Rehoboam sent Adoram, who was over the forced labor; and all Israel stoned him with stones, so that he died. Therefore king Rehoboam made haste to get himself up to his chariot, to flee to Jerusalem.19 So Israel rebelled against the house of David unto this day.20 And it came to pass, when all Israel heard that Jeroboam was come again, that they sent and called him unto the congregation, and made him king over all Israel: there was none that followed the house of David, but the tribe of Judah only.21 And when Rehoboam was come to Jerusalem, he assembled all the house of Judah, with the tribe of Benjamin, a hundred and fourscore thousand chosen men, who were warriors, to fight against the house of Israel, to bring the kingdom again to Rehoboam the son of Solomon.22 But the word of God came unto Shemaiah the man of God, saying,23 Speak unto Rehoboam, the son of Solomon, king of Judah, and unto all the house of Judah and Benjamin, and to the remnant of the people, saying,24 Thus says the LORD, You shall not go up, nor fight against your brethren the children of Israel: return every man to his house; for this thing is from me. They hearkened therefore to the word of the LORD, and returned back according to the word of the LORD.25 Then Jeroboam built Shechem in mount Ephraim, and dwelt there; and went out from there, and built Penuel.26 And Jeroboam said in his heart, Now shall the kingdom return to the house of David:27 If this people go up to do sacrifice in the house of the LORD at Jerusalem, then shall the heart of this people turn again unto their lord, even unto Rehoboam king of Judah, and they shall kill me, and go again to Rehoboam king of Judah.28 Therefore the king took counsel, and made two calves of gold, and said unto them, It is too much for you to go up to Jerusalem: behold your gods, O Israel, who brought you up out of the land of Egypt.29 And he set the one in Beth-el, and the other put he in Dan.30 And this thing became a sin: for the people went to worship before the one, even unto Dan.31 And he made a house of high places, and made priests of the lowest of the people, who were not of the sons of Levi.32 And Jeroboam ordained a feast in the eighth month, on the fifteenth day of the month, like unto the feast that is in Judah, and he offered upon the altar. So did he in Beth-el, sacrificing unto the calves that he had made: and he placed in Beth-el the priests of the high places whom he had made.33 So he offered upon the altar which he had made in Beth-el the fifteenth day of the eighth month, even in the month which he had devised of his own heart; and ordained a feast unto the children of Israel: and he offered upon the altar, and burnt incense.