Publicidade

1 Reis 21

1 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na si Naboth na Jezreelita ay mayroong isang ubasan na nasa Jezreel, na malapit sa bahay ni Achab na hari ng Samaria. 2 At sinalita ni Achab kay Naboth, na sinabi, Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan, upang aking tangkilikin na pinaka halamanang pananim, sapagka't malapit sa aking bahay; at aking ipapalit sa iyo na kahalili niyaon ang isang mainam na ubasan kay sa roon; o kung inaakala mong mabuti, aking ibibigay sa iyo ang halaga niyaon na salapi. 3 At sinabi ni Naboth kay Achab, Huwag itulot ng Panginoon sa akin, na aking ibigay ang mana sa aking mga magulang sa iyo. 4 At pumasok si Achab sa kaniyang bahay na yamot at lunos dahil sa salita na sinalita ni Naboth na Jezreelita sa kaniya: sapagka't kaniyang sinabi, Hindi ko ibibigay sa iyo ang mana sa aking mga magulang. At siya'y nahiga sa kaniyang higaan, at ipinihit ang kaniyang mukha, at ayaw kumain ng tinapay. 5 Nguni't si Jezabel na kaniyang asawa ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Bakit ang iyong diwa ay totoong malungkot na hindi ka kumakain ng tinapay? 6 At sinabi niya sa kaniya, Sapagka't nagsalita ako kay Naboth na Jezreelita, at nagsabi sa kaniya, Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan sa kahalagahang salapi; o kung dili, kung iyong minamabuti, papalitan ko sa iyo ng ibang ubasan: at siya'y sumagot, Hindi ko ibibigay sa iyo ang aking ubasan. 7 At sinabi ni Jezabel na kaniyang asawa sa kaniya, Ikaw ba ngayon ang namamahala sa kaharian ng Israel? ikaw ay bumangon, at kumain ng tinapay, at pasayahin mo ang iyong puso: aking ibibigay sa iyo ang ubasan ni Naboth na Jezreelita. 8 Sa gayo'y sumulat siya ng mga sulat sa pangalan ni Achab, at pinagtatakan ng kaniyang tatak; at ipinadala ang mga sulat sa mga matanda at sa mga maginoo na nangasa kaniyang bayan, at nagsisitahang kasama ni Naboth. 9 At kaniyang isinulat sa mga sulat, na sinasabi, Mangagtanyag kayo ng isang ayuno at ilagay ninyo si Naboth sa pangulo na kasamahan ng bayan: 10 At lumagay ang dalawang lalake na mga hamak na tao sa harap niya, at mangagsisaksi laban sa kaniya, na magsipagsabi, Ikaw ay namusong sa Dios at sa hari. At ilabas nga siya, at batuhin siya upang siya'y mamatay. 11 At ginawa ng mga tao sa kaniyang bayan, sa makatuwid baga'y ng mga matanda at ng mga maginoo na nagsisitahan sa kaniyang bayan, kung ano ang ipinagutos ni Jezabel sa kanila, ayon sa nangasusulat sa mga sulat na kaniyang ipinadala sa kanila. 12 Sila'y nangagtanyag ng isang ayuno, at inilagay si Naboth sa pangulo na kasamahan ng bayan. 13 At ang dalawang lalake na mga hamak na tao ay nagsipasok at nagsiupo sa harap niya: at ang mga lalake na hamak ay nagsisaksi laban sa kaniya, sa makatuwid baga'y laban kay Naboth sa harap ng bayan, na nagsisipagsabi, Si Naboth ay namusong sa Dios at sa hari. Nang magkagayo'y inilabas nila sa bayan, at binato nila siya ng mga bato, na anopa't siya'y namatay. 14 Nang magkagayo'y sila'y nagsipagsugo kay Jezabel, na nagsisipagsabi, Si Naboth ay pinagbatuhanan, at patay. 15 At nangyari, nang mabalitaan ni Jezabel na si Naboth ay pinagbatuhanan, at patay, na sinabi ni Jezabel kay Achab, Ikaw ay bumangon, ariin mo ang ubasan ni Naboth, na Jezreelita na kaniyang ipinagkait na ibigay sa iyo sa halaga ng salapi: sapagka't si Naboth ay hindi buhay, kundi patay. 16 At nangyari, nang mabalitaan ni Achab na patay si Naboth, na bumangon si Achab na bumaba sa ubasan ni Naboth na Jezreelita, upang ariin. 17 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias na Thisbita, na nagsabi, 18 Bumangon ka, panaugin mong salubungin si Achab na hari ng Israel, na tumatahan sa Samaria: narito, siya'y nasa ubasan ni Naboth na kaniyang pinapanaog upang ariin. 19 At iyong sasalitain sa kaniya, na sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Iyo bang pinatay at iyo rin namang inari? at iyong sasalitain sa kaniya, na sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa dakong pinaghimuran ng mga aso ng dugo ni Naboth ay hihimuran ng mga aso ang iyong dugo, sa makatuwid baga'y ang iyong dugo. 20 At sinabi ni Achab kay Elias, Nasumpungan mo ba ako, Oh aking kaaway? At sumagot siya, Nasumpungan kita: sapagka't ikaw ay napabili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon. 21 Narito, aking dadalhan ng kasamaan ka, at aking lubos na papalisin ka, at aking ihihiwalay kay Achab ang bawa't anak na lalake, at ang nakukulong at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel. 22 At aking gagawin ang iyong sangbahayan na gaya ng sangbahayan ni Jeroboam na anak ni Nabat, at gaya ng sangbahayan ni Baasa na anak ni Ahia, dahil sa pamumungkahi na iyong iminungkahi sa akin sa galit, at iyong pinapagkasala ang Israel. 23 At tungkol kay Jezabel ay nagsalita naman ang Panginoon, na nagsabi, Lalapain ng mga aso si Jezabel sa tabi ng kuta ng Jezreel. 24 Ang mamatay kay Achab sa bayan ay lalapain ng mga aso; at ang mamatay sa parang ay tutukain ng mga ibon sa himpapawid. 25 (Nguni't walang gaya ni Achab na nagbili ng kaniyang sarili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, na hinikayat ni Jezabel na kaniyang asawa. 26 At siya'y gumawa ng totoong karumaldumal sa pagsunod sa mga diosdiosan, ayon sa lahat na ginawa ng mga Amorrheo, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.) 27 At nangyari, nang marinig ni Achab ang mga salitang yaon, na kaniyang hinapak ang kaniyang mga damit, at nagsuot ng kayong magaspang sa kaniyang katawan, at nagayuno, at nahiga sa kayong magaspang, at lumakad ng marahan. 28 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias na Thisbita, na sinabi, 29 Nakita mo ba kung paanong si Achab ay nagpakababa sa harap ko? sapagka't siya'y nagpakababa sa harap ko, hindi ko dadalhin ang kasamaan sa kaniyang mga kaarawan: kundi sa mga kaarawan ng kaniyang anak dadalhin ko ang kasamaan sa kaniyang sangbahayan.

1 And it came to pass after these things, that Naboth the Jezreelite had a vineyard, which was in Jezreel, near by the palace of Ahab king of Samaria.2 And Ahab spoke unto Naboth, saying, Give me your vineyard, that I may have it for a garden of herbs, because it is near unto my house: and I will give you for it a better vineyard than it; or, if it seems good to you, I will give you the worth of it in money.3 And Naboth said to Ahab, The LORD forbid that I should give the inheritance of my fathers unto you.4 And Ahab came into his house sullen and displeased because of the word which Naboth the Jezreelite had spoken to him: for he had said, I will not give you the inheritance of my fathers. And he laid himself down upon his bed, and turned away his face, and would eat no bread.5 But Jezebel his wife came to him, and said unto him, Why is your spirit so sad, that you eat no bread?6 And he said unto her, Because I spoke unto Naboth the Jezreelite, and said unto him, Give me your vineyard for money; or else, if it pleases you, I will give you another vineyard for it: and he answered, I will not give you my vineyard.7 And Jezebel his wife said unto him, Do you now govern the kingdom of Israel? arise, and eat bread, and let your heart be merry: I will give you the vineyard of Naboth the Jezreelite.8 So she wrote letters in Ahab’s name, and sealed them with his seal, and sent the letters unto the elders and to the nobles that were in his city, dwelling with Naboth.9 And she wrote in the letters, saying, Proclaim a fast, and set Naboth on high among the people:10 And set two men, sons of Belial, before him, to bear witness against him, saying, You did blaspheme God and the king. And then carry him out, and stone him, that he may die.11 And the men of his city, even the elders and the nobles who were the inhabitants in his city, did as Jezebel had sent unto them, and as it was written in the letters which she had sent unto them.12 They proclaimed a fast, and set Naboth on high among the people.13 And there came in two men, children of Belial, and sat before him: and the men of Belial witnessed against him, even against Naboth, in the presence of the people, saying, Naboth did blaspheme God and the king. Then they carried him forth out of the city, and stoned him with stones, so that he died.14 Then they sent to Jezebel, saying, Naboth is stoned, and is dead.15 And it came to pass, when Jezebel heard that Naboth was stoned, and was dead, that Jezebel said to Ahab, Arise, take possession of the vineyard of Naboth the Jezreelite, which he refused to give you for money: for Naboth is not alive, but dead.16 And it came to pass, when Ahab heard that Naboth was dead, that Ahab rose up to go down to the vineyard of Naboth the Jezreelite, to take possession of it.17 And the word of the LORD came to Elijah the Tishbite, saying,18 Arise, go down to meet Ahab king of Israel, who is in Samaria: behold, he is in the vineyard of Naboth, where he has gone down to possess it.19 And you shall speak unto him, saying, Thus says the LORD, Have you killed, and also taken possession? And you shall speak unto him, saying, Thus says the LORD, In the place where dogs licked the blood of Naboth shall dogs lick your blood, even yours.20 And Ahab said to Elijah, Have you found me, O my enemy? And he answered, I have found you: because you have sold yourself to work evil in the sight of the LORD.21 Behold, I will bring evil upon you, and will take away your posterity, and will cut off from Ahab every male, and he that is shut up and left in Israel,22 And will make your house like the house of Jeroboam the son of Nebat, and like the house of Baasha the son of Ahijah, for the provocation with which you have provoked me to anger, and made Israel to sin.23 And of Jezebel also spoke the LORD, saying, The dogs shall eat Jezebel by the wall of Jezreel.24 He that dies of Ahab in the city the dogs shall eat; and he that dies in the field shall the fowls of the air eat.25 But there was none like unto Ahab, who did sell himself to work wickedness in the sight of the LORD, whom Jezebel his wife stirred up.26 And he did very abominably in following idols, according to all things as did the Amorites, whom the LORD cast out before the children of Israel.27 And it came to pass, when Ahab heard those words, that he tore his clothes, and put sackcloth upon his flesh, and fasted, and lay in sackcloth, and went softly.28 And the word of the LORD came to Elijah the Tishbite, saying,29 See you how Ahab humbles himself before me? because he humbles himself before me, I will not bring the evil in his days: but in his son’s days will I bring the evil upon his house.

Veja também

Publicidade
1 Reis
Ver todos os capítulos de 1 Reis
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-