Publicidade

Números 31

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 2 Ipanghiganti mo ang mga anak ni Israel sa mga Madianita; pagkatapos nito'y malalakip ka sa iyong bayan. 3 At sinalita ni Moises sa bayan, na sinasabi, Magsipagsakbat kayong mga lalake na humanda sa pakikibaka, upang magsiyaon sila laban sa Madian, upang isagawa ang panghihiganti ng Panginoon sa Madian. 4 Sa bawa't lipi ay isang libo, sa lahat ng mga lipi ng Israel, ang susuguin ninyo sa pakikibaka. 5 Sa gayo'y sinugo sa libolibong Israelita, ang isang libo sa bawa't lipi, na labing dalawang libo ngang nasasakbatan sa pakikibaka. 6 At sinugo sila ni Moises, sa pakikibaka, isang libo sa bawa't lipi, sila at si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote, sa pakikibaka, na may mga kasangkapan ng santuario, at may mga pakakak na panghudyat sa kaniyang kamay. 7 At binaka nila ang Madian, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises; at kanilang pinatay ang bawa't lalake. 8 At pinatay nila ang mga hari sa Madian na kasama ng mga napatay: si Evi at si Recem, at si Zur, at si Hur, at si Reba, limang hari sa Madian: si Balaam man na anak ni Beor ay kanilang pinatay ng tabak. 9 At binihag ng mga anak ng Israel ang mga babae sa Madian at ang kanilang mga bata; at ang lahat nilang mga hayop at ang lahat nilang mga kawan, at ang lahat nilang pag-aari ay kanilang sinamsam. 10 At ang lahat nilang mga bayan sa mga dakong kanilang tinatahanan at ang lahat nilang mga tolda ay kanilang sinunog sa apoy. 11 At kanilang dinala ang lahat ng kanilang nakuha, at ang lahat ng kanilang nasamsam, maging sa tao at maging sa hayop. 12 At kanilang dinala ang mga bihag, ang nasamsam at ang nahuli, kay Moises, at kay Eleazar na saserdote, at sa kapisanan ng mga anak ni Israel, na nasa kampamento sa mga kapatagan ng Moab, na nasa tabi ng Jordan sa Jerico. 13 At si Moises at si Eleazar na saserdote, at ang lahat ng mga prinsipe sa kapisanan, ay nagsilabas na sinalubong sila sa labas ng kampamento. 14 At si Moises ay nag-init sa mga pinuno ng hukbo, sa mga kapitan ng libolibo at sa mga kapitan ng daandaan, na nagsipanggaling sa pakikipagbaka. 15 At sinabi ni Moises sa kanila, Iniligtas ba ninyo na buhay ang lahat ng mga babae? 16 Narito, sila'y naging sanhi, sa payo ni Balaam, upang ang mga anak ni Israel ay sumalangsang laban sa Panginoon sa bagay ng Peor, at kaya't nagkasalot sa kapisanan ng Panginoon. 17 Ngayon nga ay patayin ninyo ang lahat ng mga batang lalake at patayin ninyo ang bawa't babae na nasipingan ng lalake. 18 Nguni't ang lahat ng batang babae na hindi pa nasisipingan ng lalake ay buhayin ninyo upang mapasa inyo. 19 At matira kayo sa labas ng kampamento na pitong araw: sinoman sa inyo na nakamatay ng sinomang tao, at sinoman sa inyo na nakahipo ng anomang pinatay, ay maglilinis kayo sa ikatlong araw at sa ikapitong araw, kayo at ang inyong mga bihag. 20 At tungkol sa bawa't kasuutan, at sa lahat ng yari sa balat, at sa lahat ng yari sa balahibo ng kambing, at sa lahat ng bagay na yari sa kahoy, ay pakalinisin ninyo. 21 At sinabi ni Eleazar na saserdote sa mga lalake ng hukbo na nagsiparoon sa pakikipagbaka, Ito ang palatuntunan ng kautusan na iniutos ng Panginoon kay Moises: 22 Gayon ma'y ang ginto at ang pilak, ang tanso, ang bakal, ang lata, at ang tingga, 23 Bawa't bagay na hindi naaano sa apoy, ay inyong pararaanin sa apoy, at magiging malinis; gayon ma'y inyong lilinisin ng tubig para sa karumihan: at ang lahat na hindi nakatatagal sa apoy, ay inyong pararaanin sa tubig. 24 At inyong lalabhan ang inyong mga damit sa ikapitong araw, at kayo'y magiging malinis, at pagkatapos nito'y makapapasok kayo sa kampamento. 25 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 26 Bilangin mo ang samsam na nakuha sa tao at gayon din sa hayop, ninyo at ni Eleazar na saserdote, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng kapisanan: 27 At hatiin mo ang samsam ng dalawa; sa mga lalaking mangbabaka na nagsilabas sa pakikipagbaka, at sa buong kapisanan: 28 Bigyan mo ng buwis ang Panginoon sa mga lalaking mangdidigma na nagsilabas sa pakikipagbaka: isang tao sa bawa't limang daan, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, at sa mga asno at sa mga kawan: 29 Sa kalahating nauukol sa kanila, ay kukunin mo at ibibigay mo kay Eleazar na saserdote na pinakahandog na itinaas sa Panginoon. 30 At sa kalahati na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kunin mo ang isang nakuha sa bawa't limang pu, sa mga tao, sa mga bata, sa mga asno, at sa mga kawan, sa lahat ng hayop at ibigay mo sa mga Levita, na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon. 31 At ginawa ni Moises at ni Eleazar na saserdote, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 32 Ang nabihag nga bukod pa sa nasamsam ng mga taong nakipagbaka, ay anim na raan at pitong pu't limang libong tupa, 33 At pitong pu't dalawang libong baka, 34 Anim na pu't isang libong asno, 35 At tatlong pu't dalawang libong tao sa lahat, sa mga babae na hindi pa nasisipingan ng lalake. 36 At ang kalahati, na siyang bahagi niyaong mga nagsilabas sa pakikipagbaka ay umaabot sa bilang na tatlong daan at tatlong pu't pitong libo at limang daang tupa: 37 At ang buwis na tupa sa Panginoon, ay anim na raan at pitong pu't lima. 38 At ang mga baka ay tatlong pu't anim na libo; na ang buwis sa Panginoon ay pitong pu't dalawa. 39 At ang mga asno ay tatlong pung libo at limang daan; na ang buwis sa Panginoon ay anim na pu't isa. 40 At ang mga asno ay labing anim na libo; na ang buwis sa Panginoon ay tatlong pu't dalawang tao. 41 At ibinigay ni Moises ang buwis, na ukol sa handog na itinaas sa Panginoon, kay Eleazar na saserdote, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 42 At ang kalahati ay sa mga anak ni Israel, na inihiwalay ni Moises sa mga taong nakipagbaka 43 (Siya ngang kalahati na nauukol sa kapisanan ay tatlong daan at tatlong pu't pitong libo at limang daang tupa, 44 At tatlong pu't anim na libong baka, 45 At tatlong pung libo't limang daang asno, 46 At labing anim na libong tao), 47 At sa kalahati nga na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kinuha ni Moises ang isa sa bawa't limang pu, sa tao at gayon din sa hayop, at ibinigay sa mga Levita, na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 48 At ang mga pinuno na namamahala sa libolibo ng hukbo, ang mga kapitan ng libolibo, at ang mga kapitan ng daandaan ay nangagsilapit kay Moises: 49 At sinabi nila kay Moises, Binilang ng iyong mga lingkod ang mga lalaking mangdidigma na nasa aming kapangyarihan, at walang kulang kahit isa man sa amin. 50 At aming dinala na pinakaalay sa Panginoon, ang nakuha ng bawa't lalake, na mga hiyas na ginto, mga tanikala sa bukongbukong, at mga pulsera, mga singsing na pinaka tanda, mga hikaw, at mga kuwintas sa leeg upang itubos sa aming mga kaluluwa sa harap ng Panginoon. 51 At kinuha ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto nila, lahat ng hiyas na dalisay. 52 At ang buong gintong handog na itinaas, na kanilang inihandog sa Panginoon, ng mga kapitan ng libolibo, at ng mga kapitan ng daandaan, ay labing anim na libo at pitong daan at limang pung siklo. 53 (Sapagka't ang mga lalake na nakipagbaka ay naguwi ng samsam, na bawa't isa ay may sariling dala.) 54 At kinuha ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto ng mga kapitan ng libolibo at ng daandaan, at isinilid sa tabernakulo ng kapisanan, pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon.

1 And the LORD spoke unto Moses, saying,2 Avenge the children of Israel of the Midianites: afterward shall you be gathered unto your people.3 And Moses spoke unto the people, saying, Arm some of yourselves unto war, and let them go against the Midianites, and avenge the LORD of Midian.4 Of every tribe a thousand, throughout all the tribes of Israel, shall you send to the war.5 So there were delivered out of the thousands of Israel, a thousand of every tribe, twelve thousand armed for war.6 And Moses sent them to the war, a thousand of every tribe, them and Phinehas the son of Eleazar the priest, to the war, with the holy instruments, and the trumpets to blow in his hand.7 And they warred against the Midianites, as the LORD commanded Moses; and they slew all the males.8 And they slew the kings of Midian, besides the rest of them that were slain; namely, Evi, and Rekem, and Zur, and Hur, and Reba, five kings of Midian: Balaam also the son of Beor they slew with the sword.9 And the children of Israel took all the women of Midian captives, and their little ones, and took the spoil of all their cattle, and all their flocks, and all their goods.10 And they burnt all their cities in which they dwelt, and all their encampments, with fire.11 And they took all the spoil, and all the prey, both of people and of animals.12 And they brought the captives, and the prey, and the spoil, unto Moses, and Eleazar the priest, and unto the congregation of the children of Israel, unto the camp at the plains of Moab, which are by the Jordan near Jericho.13 And Moses, and Eleazar the priest, and all the leaders of the congregation, went forth to meet them outside the camp.14 And Moses was angry with the officers of the army, with the captains over thousands, and captains over hundreds, who came from the battle.15 And Moses said unto them, Have you saved all the women alive?16 Behold, these caused the children of Israel, through the counsel of Balaam, to commit trespass against the LORD in the matter of Peor, and there was a plague among the congregation of the LORD.17 Now therefore kill every male among the little ones, and kill every woman that has known man by lying with him.18 But all the young girls, that have not known a man by lying with him, keep alive for yourselves.19 And you must abide outside the camp seven days: whosoever has killed any person, and whosoever has touched any slain, purify both yourselves and your captives on the third day, and on the seventh day.20 And purify all your clothing, and all that is made of skins, and all work of goats' hair, and all things made of wood.21 And Eleazar the priest said unto the men of war who went to the battle, This is the ordinance of the law which the LORD commanded Moses;22 Only the gold, and the silver, the bronze, the iron, the tin, and the lead,23 Everything that can endure the fire, you shall make it go through the fire, and it shall be clean: nevertheless it shall be purified with the water of purification: and all that cannot endure the fire you shall make go through the water.24 And you shall wash your clothes on the seventh day, and you shall be clean, and afterward you shall come into the camp25 And the LORD spoke unto Moses, saying,26 Take the sum of the prey that was taken, both of people and of animals, you, and Eleazar the priest, and the chief fathers of the congregation:27 And divide the prey into two parts; between them that took the war upon them, who went out to battle, and between all the congregation:28 And levy a tribute unto the LORD of the men of war who went out to battle: one out of five hundred, both of the persons, and of the cattle, and of the donkeys, and of the sheep:29 Take it from their half, and give it unto Eleazar the priest, for a heave offering of the LORD.30 And of the children of Israel's half, you shall take one out of fifty, of the persons, of the cattle, of the donkeys, and of the flocks, of all manner of animals, and give them unto the Levites, who have charge of the tabernacle of the LORD.31 And Moses and Eleazar the priest did as the LORD commanded Moses.32 And the booty, being the rest of the prey which the men of war had caught, was six hundred thousand and seventy thousand and five thousand sheep,33 And three score and twelve thousand cattle,34 And three score and one thousand donkeys,35 And thirty and two thousand persons in all, of women that had not known man by lying with him.36 And the half, which was the portion of them that went out to war, was in number three hundred thousand and seven and thirty thousand and five hundred sheep:37 And the LORD'S tribute of the sheep was six hundred and three score and fifteen.38 And the cattle were thirty and six thousand; of which the LORD'S tribute was three score and twelve.39 And the donkeys were thirty thousand and five hundred; of which the LORD'S tribute was three score and one.40 And the persons were sixteen thousand; of which the LORD'S tribute was thirty and two persons.41 And Moses gave the tribute, which was the LORD'S heave offering, unto Eleazar the priest, as the LORD commanded Moses.42 And of the children of Israel's half, which Moses divided from the men that fought,43 (Now the half that pertained unto the congregation was three hundred thousand and thirty thousand and seven thousand and five hundred sheep,44 And thirty and six thousand cattle,45 And thirty thousand donkeys and five hundred,46 And sixteen thousand persons;)47 Even of the children of Israel's half, Moses took one portion of fifty, both of persons and of animals, and gave them unto the Levites, who have charge of the tabernacle of the LORD; as the LORD commanded Moses.48 And the officers who were over thousands of the army, the captains of thousands, and captains of hundreds, came near unto Moses:49 And they said unto Moses, your servants have taken the sum of the men of war who are under our charge, and there lacks not one man of us.50 We have therefore brought an offering for the LORD, what every man has gotten, of ornaments of gold, chains, and bracelets, rings, earrings, and necklaces, to make an atonement for ourselves before the LORD.51 And Moses and Eleazar the priest took the gold from them, even all crafted ornaments.52 And all the gold of the offering that they offered up to the LORD, of the captains of thousands, and of the captains of hundreds, was sixteen thousand seven hundred and fifty shekels.53 (For the men of war had taken spoil, every man for himself.)54 And Moses and Eleazar the priest took the gold of the captains of thousands and of hundreds, and brought it into the tabernacle of meeting, for a memorial for the children of Israel before the LORD.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-