Publicidade

Números 28

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 2 Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ang alay sa akin, ang aking pagkain na pinakahandog sa akin na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa akin, ay inyong pagiingatang ihandog sa akin sa ukol na kapanahunan. 3 At iyong sasabihin sa kanila, Ito ang handog na pinaraan sa apoy na inyong ihahandog sa Panginoon; mga korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, dalawa araw-araw, na pinakapalaging handog na susunugin. 4 Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga, at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw; 5 At ang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo. 6 Isang palaging handog na susunugin, na iniutos sa bundok ng Sinai na pinakamasarap na amoy, handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 7 At ang pinakahandog na inumin niyaon, ay ang ikaapat na bahagi ng isang hin sa isang kordero: sa dakong banal magbubuhos ka ng handog na inumin na pinaka mainam na alak para sa Panginoon. 8 At ang isang kordero, ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw: gaya ng handog na harina sa umaga, at gaya ng handog na inumin niyaon, ay iyong ihahandog, isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 9 At sa araw ng sabbath ay dalawang korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, at dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, na pinakahandog na harina na hinaluan ng langis, at ang handog na inumin niyaon: 10 Ito ang handog na susunugin sa bawa't sabbath, bukod pa sa palaging handog na susunugin, at ang inuming handog niyaon. 11 At sa mga pasimula ng inyong mga buwan ay maghahandog kayo ng handog na susunugin sa Panginoon; dalawang guyang toro at isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan; 12 At tatlong ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng langis, para sa bawa't toro; at dalawang ikasangpung bahagi ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng langis para sa isang tupang lalake; 13 At isang ikasangpung bahagi ng mainam na harina, na hinaluan ng langis na pinakahandog na harina para sa bawa't kordero; pinakahandog na susunugin na pinakamasarap na amoy, handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 14 At ang magiging handog na inumin ng mga yaon ay kalahati ng isang hin ng alak sa toro, at ang ikatlong bahagi ng isang hin ay sa tupang lalake, at ang ikaapat na bahagi ng isang hin ay sa kordero: ito ang handog na susunugin sa bawa't buwan sa lahat ng buwan ng taon. 15 At isang kambing na lalake na pinakahandog sa Panginoon dahil sa kasalanan; ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa inuming handog niyaon. 16 At sa unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, ay paskua ng Panginoon. 17 At sa ikalabing limang araw ng buwang ito ay magkakaroon ng isang pista; pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura. 18 Sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod: 19 Kundi maghahandog kayo sa Panginoon ng isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakahandog na susunugin; dalawang guyang toro, at isang lalaking tupa, at pitong korderong lalake ng unang taon; na mga walang kapintasan: 20 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis: tatlong ikasangpung bahagi ang inyong ihahandog para sa isang toro, at dalawang ikasangpung bahagi para sa tupang lalake; 21 At isang ikasangpung bahagi ang iyong ihahandog para sa bawa't kordero sa pitong kordero; 22 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, upang itubos sa inyo. 23 Inyong ihahandog ang mga ito bukod pa sa handog na susunugin sa umaga, na pinakapalaging handog na susunugin, 24 Ganitong paraan ihahandog ninyo araw-araw, sa loob ng pitong araw, ang pagkain na handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa inuming handog niyaon. 25 At sa ikapitong araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod. 26 Gayon din sa araw ng mga unang bunga, na paghahandog ninyo ng isang bagong handog na harina sa Panginoon sa inyong pista ng mga sanglinggo, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod: 27 Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; dalawang guyang toro, isang tupang lalake, at pitong korderong lalake ng unang taon; 28 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi para sa bawa't toro, dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake, 29 Isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero; 30 Isang kambing na lalake upang itubos sa inyo. 31 Bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, ay inyong ihahandog ang mga yaon (yaong mga walang kapintasan sa inyo), at ang mga inuming handog ng mga yaon.

1 And the LORD spoke unto Moses, saying,2 Command the children of Israel, and say unto them, My offering, and my bread for my sacrifices made by fire, for a sweet aroma unto me, shall you observe to offer unto me in their due season.3 And you shall say unto them, This is the offering made by fire which you shall offer unto the LORD; two lambs of the first year without spot day by day, for a continual burnt offering.4 The one lamb shall you offer in the morning, and the other lamb shall you offer at evening;5 And a tenth part of an ephah of flour for a grain offering, mixed with the fourth part of a hin of beaten olive oil.6 It is a continual burnt offering, which was ordained in mount Sinai for a sweet aroma, a sacrifice made by fire unto the LORD.7 And the drink offering thereof shall be the fourth part of a hin for the one lamb: in the holy place shall you cause the strong wine to be poured unto the LORD for a drink offering.8 And the other lamb shall you offer at evening: as the grain offering of the morning, and as thedrink offering thereof, you shall offer it, a sacrifice made by fire, of a sweet aroma unto the LORD.9 And on the sabbath day two lambs of the first year without spot, and two-tenths of an ephah of flour for a grain offering, mixed with oil, and the drink offering thereof:10 This is the burnt offering of every sabbath, besides the continual burnt offering, and its drink offering.11 And in the beginnings of your months you shall offer a burnt offering unto the LORD; two young bullocks, and one ram, seven lambs of the first year without spot;12 And three-tenths of an ephah of flour for a grain offering, mixed with oil, for one bullock; and two-tenths of an ephah of flour for a grain offering, mixed with oil, for one ram;13 And a tenth of an ephah of flour mixed with oil for a grain offering unto one lamb; for a burnt offering of a sweet aroma, a sacrifice made by fire unto the LORD.14 And their drink offerings shall be half a hin of wine unto a bullock, and the third part of a hin unto a ram, and a fourth part of a hin unto a lamb: this is the burnt offering of every month throughout the months of the year.15 And one kid of the goats for a sin offering unto the LORD shall be offered, besides the continual burnt offering, and its drink offering.16 And on the fourteenth day of the first month is the passover of the LORD.17 And on the fifteenth day of this month is the feast: seven days shall unleavened bread be eaten.18 On the first day shall be a holy convocation; you shall do no manner of regular work on it:19 But you shall offer a sacrifice made by fire for a burnt offering unto the LORD; two young bullocks, and one ram, and seven lambs of the first year: they shall be unto you without blemish:20 And their grain offerings shall be of flour mixed with oil: three-tenths of an ephah shall you offer for a bullock, and two-tenths of an ephah for a ram;21 A tenth of an ephah shall you offer for every lamb, throughout the seven lambs:22 And one goat for a sin offering, to make an atonement for you.23 You shall offer these besides the burnt offering in the morning, which is for a continual burnt offering.24 In this manner you shall offer daily, throughout the seven days, the grain of thesacrifice made by fire, of a sweet aroma unto the LORD: it shall be offered besides the continual burnt offering, and its drink offering.25 And on the seventh day you shall have a holy convocation; you shall do no regular work.26 Also on the day of the first fruits, when you bring a new grain offering unto the LORD, at your Feast of Weeks, you shall have a holy convocation; you shall do no regular work:27 But you shall offer the burnt offering for a sweet aroma unto the LORD; two young bullocks, one ram, seven lambs of the first year;28 And their grain offerings of flour mixed with oil, three-tenths of an ephah unto one bullock, two-tenths of an ephah unto one ram,29 A tenth of an ephah unto one lamb, throughout the seven lambs;30 And one kid of the goats, to make an atonement for you.31 You shall offer them besides the continual burnt offering, and its grain offering, (they shall be unto you without blemish) and their drink offerings.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-10_01-11-40-blue