1 At si Miriam at si Aaron ay nagsalitaan laban kay Moises tungkol sa pagkapagasawa niya sa isang babaing Cusita: sapagka't siya'y nag-asawa sa isang babaing Cusita. 2 At kanilang sinabi, Ang Panginoon ba'y kay Moises lamang nakipagsalitaan? hindi ba nakipagsalitaan din naman sa atin? At narinig ng Panginoon. 3 Ang lalake ngang si Moises ay totoong maamong loob, na higit kay sa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa. 4 At sinalita agad ng Panginoon kay Moises, at kay Aaron, at kay Miriam, Lumabas kayong tatlo sa tabernakulo ng kapisanan. At silang tatlo ay lumabas. 5 At ang Panginoon ay bumaba sa isang tila haliging ulap, at tumayo sa pintuan ng Tolda, at tinawag si Aaron at si Miriam: at sila'y kapuwa lumabas. 6 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya sa pangitain, na kakausapin ko siya sa panaginip. 7 Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa aking buong buhay: 8 Sa kaniya'y makikipag-usap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang anyo ng Panginoon ay kaniyang makikita: bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises? 9 At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa kanila; at siya'y umalis. 10 At ang ulap ay lumayo sa Tolda; at narito, si Miriam ay nagkaketong, na pumuting gaya ng niebe; at tiningnan ni Aaron si Miriam, at narito, siya'y nagkaketong. 11 At sinabi ni Aaron kay Moises, Oh panginoon ko, isinasamo ko sa iyo na huwag mong iparatang ang kasalanan sa amin, sapagka't ginawa namin na may kamangmangan, at sapagka't kami ay nagkasala. 12 Huwag mong itulot sa kaniya, isinasamo ko sa iyo, na maging parang isang patay na tunaw ang kalahati ng kaniyang laman paglabas sa tiyan ng kaniyang ina. 13 At humibik si Moises sa Panginoon, na sinasabi, Pagalingin mo siya, Oh Dios, ipinamamanhik ko sa iyo. 14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Kung siya'y niluran ng kaniyang ama sa kaniyang mukha, hindi ba siya mahihiyang pitong araw? kulungin siyang pitong araw sa labas ng kampamento, at pagkatapos ay madadala siyang muli sa loob. 15 At si Miriam ay kinulong na pitong araw sa labas ng kampamento: at ang bayan ay hindi naglakbay hanggang si Miriam ay nadalang muli sa loob. 16 At pagkatapos nito ay naglakbay ang bayan mula sa Haseroth, at humantong sa ilang ng Paran.
1 And Miriam and Aaron spoke against Moses because of the Ethiopian woman whom he had married: for he had married an Ethiopian woman.2 And they said, Has the LORD indeed spoken only by Moses? has he not spoken also by us? And the LORD heard it.3 (Now the man Moses was very meek, above all the men who were upon the face of the earth.)4 And the LORD spoke suddenly unto Moses, and unto Aaron, and unto Miriam, Come out you three unto the tabernacle of meeting. And the three came out.5 And the LORD came down in the pillar of the cloud, and stood in the door of the tabernacle, and called Aaron and Miriam: and they both came forth.6 And he said, Hear now my words: If there be a prophet among you, I the LORD will make myself known unto him in a vision, and will speak unto him in a dream.7 My servant Moses is not thus, who is faithfulin all my house.8 With him will I speak mouth to mouth, even clearly, and not in dark sayings; and the form of the LORD shall he behold: why then were you not afraid to speak against my servant Moses?9 And the anger of the LORD was kindled against them; and he departed.10 And the cloud departed from off the tabernacle; and, behold, Miriam became leprous, as white as snow: and Aaron looked upon Miriam, and, behold, she was leprous.11 And Aaron said unto Moses, Alas, my lord, I beseech you, lay not the sin upon us, in which we have done foolishly, and in which we have sinned.12 Let her not be as one dead, whose flesh is half consumed when he comes out of his mother's womb.13 And Moses cried unto the LORD, saying, Heal her now, O God, I beseech you.14 And the LORD said unto Moses, If her father had but spit in her face, should she not be ashamed seven days? let her be shut out from the camp seven days, and after that let her be received in again.15 And Miriam was shut out from the camp seven days: and the people journeyed not till Miriam was brought in again.16 And afterward the people set out from Hazeroth, and encamped in the wilderness of Paran.