1 At ang Israel ay tumahan sa Sittim, at ang bayan ay nagpasimulang magkasala ng pakikiapid sa mga anak na babae ng Moab: 2 Sapagka't kanilang tinawag ang bayan sa mga hain sa kanilang mga dios; at ang bayan ay kumain at yumukod sa kanilang mga dios. 3 At ang Israel ay nakilakip sa diosdiosang Baal-peor; at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel. 4 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo ang lahat ng pangulo sa bayan at bitayin mo sila sa Panginoon sa harap ng araw, upang ang maningas na galit ng Panginoon ay mapawi sa Israel. 5 At sinabi ni Moises sa mga hukom sa Israel, Patayin ng bawa't isa sa inyo yaong mga nakilakip sa diosdiosang Baal-peor. 6 At, narito, isa sa mga anak ni Israel ay naparoon at nagdala sa kaniyang mga kapatid ng isang babaing Madianita sa paningin ni Moises, at sa paningin ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel, samantalang sila'y umiiyak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 7 At nang makita ni Phinees, na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ay tumindig siya sa gitna ng kapisanan, at humawak ng isang sibat sa kaniyang kamay; 8 At siya'y naparoon sa likod ng lalaking Israelita sa loob ng tolda, at kapuwa niya sinaksak, ang lalaking Israelita at ang babae sa kaniyang tiyan. Sa gayon ang salot ay natigil sa mga anak ni Israel. 9 At yaong nangamatay sa salot ay dalawang pu't apat na libo. 10 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 11 Pinawi ni Phinees na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ang aking galit sa mga anak ni Israel, sa paraang siya'y nagsikap dahil sa aking pagsisikap sa kanila, na anopa't hindi ko nilipol ang mga anak ni Israel sa aking sikap. 12 Kaya't sabihin mo, Narito, ako'y nakikipagtipan sa kaniya tungkol sa kapayapaan: 13 At magiging kaniya, at sa kaniyang binhi pagkamatay niya, ang tipan ng pagkasaserdoteng walang hanggan; sapagka't siya'y nagsikap sa kaniyang Dios, at tumubos sa mga anak ni Israel. 14 Ang pangalan nga ng lalaking Israelita na napatay, na pinatay na kalakip ng babaing Madianita ay Zimri na anak ni Salu, na prinsipe sa isang sangbahayan ng mga magulang sa mga Simeonita. 15 At ang pangalan ng babaing Madianita na napatay ay Cozbi, na anak ni Zur; siya'y prinsipe sa bayan ng isang sangbahayan ng mga magulang sa Madian. 16 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 17 Bagabagin ninyo ang mga Madianita, at inyong saktan sila: 18 Sapagka't kanilang binagabag kayo ng kanilang mga lalang na kanilang ipinangdaya sa inyo sa bagay ng Peor, at sa bagay ni Cozbi, na anak na babae ng prinsipe sa Madian, na kanilang kapatid na namatay nang kaarawan ng salot dahil sa Peor.
1 And Israel abode in Shittim, and the people began to commit harlotry with the daughters of Moab.2 And they called the people unto the sacrifices of their gods: and the people did eat, and bowed down to their gods.3 And Israel joined itself unto Baal of Peor: and the anger of the LORD was kindled against Israel.4 And the LORD said unto Moses, Take all the heads of the people, and hang them up before the LORD in the sun, that the fierce anger of the LORD may be turned away from Israel.5 And Moses said unto the judges of Israel, Slay you every one his men that were joined unto Baal of Peor.6 And, behold, one of the children of Israel came and brought unto his brethren a Midianite woman in the sight of Moses, and in the sight of all the congregation of the children of Israel, who were weeping before the door of the tabernacle of meeting.7 And when Phinehas, the son of Eleazar, the son of Aaron the priest, saw it, he rose up from among the congregation, and took a javelin in his hand;8 And he went after the man of Israel into the tent, and thrust both of them through, the man of Israel, and the woman through her belly. So the plague was stayed from the children of Israel.9 And those that died in the plague were twenty and four thousand.10 And the LORD spoke unto Moses, saying,11 Phinehas, the son of Eleazar, the son of Aaron the priest, has turned my wrath away from the children of Israel, because he was zealous for my sake among them, that I consumed not the children of Israel in my jealousy.12 Therefore say, Behold, I give unto him my covenant of peace:13 And he shall have it, and his descendants after him, even the covenant of an everlasting priesthood; because he was zealous for his God, and made an atonement for the children of Israel.14 Now the name of the Israelite that was slain, even that was slain with the Midianite woman, was Zimri, the son of Salu, a head of a fathers’ house among the Simeonites.15 And the name of the Midianite woman that was slain was Cozbi, the daughter of Zur; he was head over a people, and a father’s house in Midian.16 And the LORD spoke unto Moses, saying,17 Harass the Midianites, and smite them:18 For they harassed you with their wiles, with which they have beguiled you in the matter of Peor, and in the matter of Cozbi, the daughter of a leader of Midian, their sister, who was slain in the day of the plague on account of Peor.