Publicidade

Números 23

1 At sinabi ni Balaam kay Balac, Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake. 2 At ginawa ni Balac gaya ng sinalita ni Balaam; at si Balac at si Balaam ay naghandog sa bawa't dambana ng isang toro at ng isang tupang lalake. 3 At sinabi ni Balaam kay Balac, Tumayo ka sa tabi ng iyong handog na susunugin, at ako'y yayaon; marahil ang Panginoon ay paririto na sasalubungin ako: at anomang bagay na kaniyang ipakita sa akin ay aking sasaysayin sa iyo. At siya'y naparoon sa isang dakong mataas na walang tanim. 4 At sinalubong ng Dios si Balaam: at sinabi niya sa kaniya, Aking inihanda ang pitong dambana, at aking inihandog ang isang toro at ang isang tupang lalake sa bawa't dambana. 5 At nilagyan ng Panginoon ng salita ang bibig ni Balaam, at sinabi: Bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain. 6 At siya'y bumalik sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, siya at ang lahat ng mga prinsipe sa Moab. 7 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Mula sa Aram ay dinala ako rito ni Balac, Niyang hari sa Moab, na mula sa mga bundok ng Silanganan: Parito ka, sumpain mo sa akin ang Jacob. At parito ka, laitin mo ang Israel. 8 Paanong aking susumpain ang hindi sinumpa ng Dios? At paanong aking lalaitin ang hindi nilait ng Panginoon? 9 Sapagka't mula sa taluktok ng mga bato ay aking nakikita siya, At mula sa mga burol ay akin siyang natatanawan: Narito, siya'y isang bayang tatahang magisa, At hindi ibinibilang sa gitna ng mga bansa. 10 Sinong makabibilang ng alabok ng Jacob, O ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel? Mamatay nawa ako ng kamatayan ng matuwid, At ang aking wakas ay magiging gaya nawa ng kaniya! 11 At sinabi ni Balac kay Balaam, Anong ginawa mo sa akin? Ipinagsama kita upang sumpain mo ang aking mga kaaway, at, narito, iyong pinagpala silang totoo. 12 At siya'y sumagot, at nagsabi, Hindi ba nararapat na aking pagingatang salitain yaong isinasa bibig ko ng Panginoon? 13 At sinabi sa kaniya ni Balac, Isinasamo ko sa iyo, na sumama ka sa akin sa ibang dako, na iyong pagkakakitaan sa kanila; ang iyo lamang makikita ay ang kahulihulihang bahagi nila, at hindi mo makikita silang lahat: at sumpain mo sila sa akin mula roon. 14 At dinala niya siya sa parang ng Sophim, sa taluktok ng Pisga, at nagtayo roon ng pitong dambana, at naghandog ng isang toro, at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana. 15 At kaniyang sinabi kay Balac, Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin, samantalang aking sinasalubong ang Panginoon doon. 16 At sinalubong ng Panginoon si Balaam, at pinapagsalita siya ng salita sa kaniyang bibig, at sinabi, bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain. 17 At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at ang mga prinsipe sa Moab na kasama niya. At sinabi sa kaniya ni Balac, Anong sinalita ng Panginoon? 18 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinghaga, at sinabi, Tumindig ka, Balac, at iyong dinggin; Makinig ka sa akin, ikaw anak ni Zippor: 19 Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa? 20 Narito, ako'y tumanggap ng utos na magpala: At kaniyang pinagpala, at hindi ko na mababago. 21 Wala siyang nakitang kasamaan sa Jacob, Ni wala siyang nakitang kasamaan sa Israel: Ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya, At ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila. 22 Dios ang naglalabas sa kanila sa Egipto; Siya'y may lakas na gaya ng mabangis na toro. 23 Tunay na walang enkanto laban sa Jacob, Ni panghuhula laban sa Israel: Ngayo'y sasabihin tungkol sa Jacob at sa Israel, Anong ginawa ng Dios! 24 Narito, ang bayan ay tumitindig na parang isang leong babae, At parang isang leon na nagpakataas: Siya'y hindi mahihiga hanggang sa makakain ng huli, At makainom ng dugo ng napatay. 25 At sinabi ni Balac kay Balaam, Ni huwag mo silang pakasumpain ni pakapagpalain. 26 Nguni't si Balaam ay sumagot at nagsabi kay Balac, Di ba isinaysay ko sa iyo, na sinasabi, Yaong lahat na sinasalita ng Panginoon, ay siya kong nararapat gawin? 27 At sinabi ni Balac kay Balaam, Halika ngayon, ipagsasama kita sa ibang dako; marahil ay kalulugdan ng Dios na iyong sumpain sila sa akin mula roon. 28 At ipinagsama ni Balac si Balaam sa taluktok ng Peor, na nakatungo sa ilang. 29 At sinabi ni Balaam kay Balac, Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake. 30 At ginawa ni Balac gaya ng sinabi ni Balaam, at naghandog ng isang toro at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.

1 And Balaam said unto Balak, Build me here seven altars, and prepare me here seven oxen and seven rams.2 And Balak did as Balaam had spoken; and Balak and Balaam offered on every altar a bullock and a ram.3 And Balaam said unto Balak, Stand by your burnt offering, and I will go: perhaps the LORD will come to meet me: and whatsoever he shows me I will tell you. And he went to a high place.4 And God met Balaam: and he said unto him, I have prepared seven altars, and I have offered upon every altar a bullock and a ram.5 And the LORD put a word in Balaam's mouth, and said, Return unto Balak, and thus you shall speak.6 And he returned unto him, and, lo, he stood by his burnt sacrifice, he, and all the leaders of Moab.7 And he took up his oracle, and said, Balak the king of Moab has brought me from Aram, out of the mountains of the east, saying, Come, curse for me Jacob, and come, denounce Israel.8 How shall I curse, whom God has not cursed? or how shall I denounce, whom the LORD has not denounced?9 For from the top of the rocks I see him, and from the hills I behold him: lo, the people shall dwell alone, and shall not be reckoned among the nations.10 Who can count the dust of Jacob, and the number of the fourth part of Israel? Let me die the death of the righteous, and let my last end be like his!11 And Balak said unto Balaam, What have you done unto me? I took you to curse my enemies, and, behold, you have blessed them altogether.12 And he answered and said, Must I not take heed to speak that which the LORD has put in my mouth?13 And Balak said unto him, Come, I pray you, with me unto another place, from which you may see them: you shall see but the outer part of them, and shall not see them all: and curse them for me from there.14 And he brought him into the field of Zophim, to the top of Pisgah, and built seven altars, and offered a bullock and a ram on every altar.15 And he said unto Balak, Stand here by your burnt offering, while I meet the LORD yonder.16 And the LORD met Balaam, and put a word in his mouth, and said, Go again unto Balak, and say thus.17 And when he came to him, behold, he stood by his burnt offering, and the leaders of Moab with him. And Balak said unto him, What has the LORD spoken?18 And he took up his oracle, and said, Rise up, Balak, and hear; hearken unto me, you son of Zippor:19 God is not a man, that he should lie; neither the son of man, that he should repent: has he said, and shall he not do it? or has he spoken, and shall he not make it good?20 Behold, I have received commandment to bless: and he has blessed; and I cannot reverse it.21 He has not beheld iniquity in Jacob, neither has he seen perverseness in Israel: the LORD his God is with him, and the shout of a king is among them.22 God brought them out of Egypt; he has as it were the strength of a wild ox.23 Surely there is no enchantment against Jacob, neither is there any divination against Israel: according to this time it shall be said of Jacob and of Israel, What has God wrought!24 Behold, the people shall rise up as a great lion, and lift up themselves as a young lion: he shall not lie down until he eats of the prey, and drinks the blood of the slain.25 And Balak said unto Balaam, Neither curse them at all, nor bless them at all.26 But Balaam answered and said unto Balak, Told not I you, saying, All that the LORD speaks, that I must do?27 And Balak said unto Balaam, Come, I pray you, I will bring you unto another place; perhaps it will please God that you may curse me them from there.28 And Balak brought Balaam unto the top of Peor, that looks toward the wasteland.29 And Balaam said unto Balak, Build me here seven altars, and prepare me here seven bullocks and seven rams.30 And Balak did as Balaam had said, and offered a bullock and a ram on every altar.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-10_01-11-40-blue