1 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico, na sinasabi, 2 Iutos mo sa mga anak ni Israel, na kanilang bigyan ang mga Levita sa mana na kanilang pag-aari, ng mga bayan na matahanan; at ang mga pastulan sa palibot ng mga bayang yaon ay ibibigay ninyo sa mga Levita, 3 At mapapasa kanila ang mga bayan upang tahanan; at ang kanilang mga pastulan ay sa kanilang mga kawan, at sa kanilang mga pag-aari, at sa lahat nilang mga hayop. 4 At ang mga pastulan sa mga bayan, na inyong ibibigay sa mga Levita, ay isang libong siko sa palibot mula sa kuta ng bayan hanggang sa dakong labas. 5 At ang inyong susukatin sa labas ng bayan sa dakong silanganan ay dalawang libong siko, at sa dakong timugan ay dalawang libong siko, at sa dakong kalunuran ay dalawang libong siko, at sa dakong hilagaan ay dalawang libong siko, na ang bayan ay sa gitna. Ito ang magiging sa kanila'y mga pastulan sa mga bayan. 6 At ang mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay ang anim na bayan na ampunan, na siya ninyong ibibigay na matatakasan ng nakamatay ng tao: at bukod sa rito ay magbibigay kayo ng apat na pu't dalawang bayan. 7 Lahat ng mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay apat na pu't walong bayan: inyong ibibigay sangpu ng kanilang mga pastulan. 8 At tungkol sa mga bayan na pag-aari ng mga anak ni Israel na inyong ibibigay ay kukuha kayo ng marami sa marami; at sa kaunti ay kukuha kayo ng kaunti: bawa't isa ayon sa kaniyang mana na kaniyang minamana ay magbibigay sa kaniyang mga bayan sa mga Levita. 9 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 10 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagkaraan ninyo ng Jordan sa lupain ng Canaan, 11 Ay pipili nga kayo ng mga bayan na maging mga bayang ampunan sa inyo, upang ang nakamatay ng tao na pumatay ng sinomang tao na hindi sinasadya, ay makatakas doon. 12 At ang mga bayang yaong ay magiging sa inyo'y pinaka ampunan laban sa manghihiganti; upang ang nakamatay ay huwag mamatay, hanggang sa maitayo sa kapisanan na hatulan. 13 At ang mga bayan na inyong ibibigay ay anim na bayang ampunan sa inyo. 14 Magbibigay kayo ng tatlong bayan sa dako roon ng Jordan, at tatlong bayan ang ibibigay ninyo sa lupain ng Canaan; siyang magiging mga bayang ampunan. 15 Sa mga anak ni Israel, at sa taga ibang lupa, at sa makikipamayan sa kanila ay magiging ampunan ang anim na bayang ito: upang ang bawa't nakamatay ng sinomang tao, na hindi sinasadya, ay makatakas doon. 16 Nguni't kung kaniyang saktan ang kaniyang kapuwa ng isang kasangkapang bakal, na ano pa't namatay, siya nga'y mamamatay tao; ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin. 17 At kung kaniyang saktan ng isang batong tangan niya sa kamay na ikamamatay ng isang tao, at namatay nga, mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin. 18 O kung kaniyang saktan ng isang almas na kahoy na tangan niya sa kamay na ikamamatay ng tao, at namatay nga, ay mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin. 19 Ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay: pagka nasumpungan niya ay kaniyang papatayin. 20 At kung kaniyang itinulak sa kapootan, o kaniyang hinagis na binanta, ano pa't siya'y namatay; 21 O sa pakikipagkaalit ay sinaktan niya ng kaniyang kamay, na ano pa't siya'y namatay: siya na sumakit ay walang pagsalang papatayin; siya'y mamamatay tao: ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay, pagka nasumpungan niya. 22 Nguni't kung sa kabiglaanan ay kaniyang maitulak na walang pakikipagkaalit, o mahagisan niya ng anomang bagay na hindi binanta, 23 O ng anomang bato na ikamamatay ng tao, na hindi niya nakikita at kaniyang maihagis sa kaniya, na ano pa't namatay at hindi niya kaaway, at hindi niya pinagaakalaan ng masama: 24 Kung gayo'y ang kapisanan ang siyang hahatol sa sumakit at sa manghihiganti sa dugo, ayon sa mga kahatulang ito: 25 At ililigtas ng kapisanan ang nakamatay sa kamay ng manghihiganti sa dugo, at siya'y pababalikin ng kapisanan sa kaniyang bayang ampunan, na kaniyang tinakasan: at siya'y tatahan doon hanggang sa pagkamatay ng pangulong saserdote, na pinahiran ng banal na langis. 26 Nguni't kung ang nakamatay ay lumabas sa anomang dahilan, sa hangganan ng kaniyang bayang ampunan, na kaniyang tinakasan; 27 At masumpungan siya ng manghihiganti sa dugo sa labas ng hangganan ng kaniyang bayang ampunan, at patayin ng manghihiganti sa dugo ang nakamatay, ay hindi siya magiging salarin sa dugo, 28 Sapagka't siya'y nararapat na tumira sa kaniyang bayang ampunan, hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote: nguni't pagkamatay ng dakilang saserdote ang nakamatay ay makababalik sa lupain ng kaniyang pag-aari. 29 At ang mga bagay na ito ay magiging isang palatuntunan sa kahatulan sa inyo, sa buong panahon ng inyong mga lahi sa lahat ng inyong mga tahanan. 30 Sinomang pumatay sa kaninoman, ay papatayin ang pumatay sa patotoo ng mga saksi: nguni't ang isang saksi ay hindi makapagpapatotoo laban sa kaninomang tao upang patayin. 31 Bukod sa rito, huwag kayong tatanggap ng suhol sa buhay ng pumatay na nagiging salarin sa pagpapatay: kundi siya'y walang pagsalang papatayin. 32 At huwag kayong tatanggap ng suhol sa kaninomang tumakas sa kaniyang bayang ampunan, upang bumalik na manahan sa kaniyang lupain, hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote. 33 Kaya't huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong kinaroroonan; sapagka't ang dugo ay nagpaparumi ng lupain: at walang paglilinis na magagawa sa lupa dahil sa dugo na nabubo doon, kundi sa pamamagitan ng dugo niyaong nagbubo. 34 At huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong tinatahanan, na ako'y tumahan sa gitna niyan: sapagka't akong Panginoon ay tumatahan sa gitna ng mga anak ni Israel.
1 And the LORD spoke unto Moses in the plains of Moab by the Jordan near Jericho, saying,2 Command the children of Israel, that they give unto the Levites of the inheritance of their possession cities to dwell in; and you shall give also unto the Levites pasture lands for the cities round about them.3 And the cities shall they have to dwell in; and their pasture lands shall be for their cattle, and for their livestock, and for all their animals.4 And the pasture lands of the cities, which you shall give unto the Levites, shall reach from the wall of the city and outward a thousand cubits all around.5 And you shall measure from outside the city on the east side two thousand cubits, and on the south side two thousand cubits, and on the west side two thousand cubits, and on the north side two thousand cubits; and the city shall be in the midst: this shall be to them the pasture lands for the cities.6 And among the cities which you shall give unto the Levites there shall be six cities for refuge, which you shall appoint for the manslayer, that he may flee there: and to them you shall add forty and two cities.7 So all the cities which you shall give to the Levites shall be forty and eight cities: them shall you give with their pasture lands.8 And the cities which you shall give shall be from the possession of the children of Israel: from them that have many you shall give many; but from them that have few you shall give few: every one shall give from his cities unto the Levites according to his inheritance which he inherits.9 And the LORD spoke unto Moses, saying,10 Speak unto the children of Israel, and say unto them, When you are come over Jordan into the land of Canaan;11 Then you shall appoint you cities to be cities of refuge for you; that the slayer may flee there, who kills any person unintentionally.12 And they shall be unto you cities for refuge from the avenger; that the manslayer die not, until he stands before the congregation in judgment.13 And of these cities which you shall give, six cities shall you have for refuge.14 You shall give three cities on this side of Jordan, and three cities shall you give in the land of Canaan, which shall be cities of refuge.15 These six cities shall be a refuge, both for the children of Israel, and for the stranger, and for the sojourner among them: that every one that kills any person unintentionally may flee there.16 But if he strikes him with an instrument of iron, so that he dies, he is a murderer: the murderer shall surely be put to death.17 And if he strikes him with throwing a stone, by which he may die, and he dies, he is a murderer: the murderer shall surely be put to death.18 Or if he strikes him with a hand weapon of wood, by which he may die, and he dies, he is a murderer: the murderer shall surely be put to death.19 The avenger of blood himself shall slay the murderer: when he meets him, he shall slay him.20 But if he pushes him from hatred, or hurls at him by lying in wait, that he dies;21 Or in enmity strikes him with his hand, that he dies: he that struck him shall surely be put to death; for he is a murderer: the avenger of blood shall slay the murderer, when he meets him.22 But if he pushes him suddenly without enmity, or has cast upon him anything without lying in wait,23 Or used any stone, by which a man may die, seeing him not, and cast it upon him, that he dies, and was not his enemy, neither sought his harm:24 Then the congregation shall judge between the slayer and the avenger of blood according to these judgments:25 And the congregation shall deliver the slayer out of the hand of the avenger of blood, and the congregation shall restore him to the city of his refuge, where he had fled: and he shall abide in it until the death of the high priest, who was anointed with the holy oil.26 But if the slayer shall at any time come outside the border of the city of his refuge, where he had fled;27 And the avenger of blood finds him outside the borders of the city of his refuge, and the avenger of blood kills the slayer; he shall not be guilty of blood:28 Because he should have remained in the city of his refuge until the death of the high priest: but after the death of the high priest the slayer shall return into the land of his possession.29 So these things shall be for a statute of judgment unto you throughout your generations inall your dwellings.30 Whoever kills any person, the murderer shall be put to death by the mouth of witnesses: but one witness shall not testify against any person to cause him to die.31 Moreover you shall take no ransom for the life of a murderer, who is guilty of death: but he shall be surely put to death.32 And you shall take no ransom for him that is fled to the city of his refuge, that he should come again to dwell in the land, until the death of the priest.33 So you shall not pollute the land in which you are: for blood defiles the land: and the land cannot be cleansed of the blood that is shed therein, except by the blood of him that shed it.34 Defile not therefore the land which you shall inhabit, wherein I dwell: for I the LORD dwell among the children of Israel.