Publicidade

Números 17

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at kumuha ka sa kanila ng mga tungkod, isa sa bawa't sangbahayan ng mga magulang; sa lahat nilang mga prinsipe ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, labing dalawang tungkod: isulat mo ang pangalan ng bawa't isa sa kaniyang tungkod. 3 At isusulat mo ang pangalan ni Aaron sa tungkod ni Levi: sapagka't isa lamang tungkod magkakaroon sa bawa't pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 4 At iyong ilalagay sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ng patotoo, na aking pinakikipagkitaan sa inyo. 5 At mangyayari na ang lalaking aking pipiliin, ay mamumulaklak ang kaniyang tungkod: at aking ipatitigil sa akin, ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel, na kanilang iniupasala laban sa inyo. 6 At si Moises ay nagsalita sa mga anak ni Israel, at ang lahat nilang mga prinsipe ay nagbigay sa kaniya ng tungkod, na bawa't pangulo ay isa, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, labing dalawang tungkod: at ang tungkod ni Aaron ay nasa gitna ng kanilang mga tungkod. 7 At inilagay ni Moises ang mga tungkod sa harap ng Panginoon sa tabernakulo ng patotoo; 8 At nangyari nang kinabukasan, na si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng patotoo; at, narito, na ang tungkod ni Aaron sa sangbahayan ni Levi ay namulaklak at nagkaroon ng mga hinog na almendras. 9 At mula sa harap ng Panginoon ay inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod sa lahat ng mga anak ni Israel: at kanilang pinagmalas, at kinuha ng bawa't lalake ang kaniyang tungkod. 10 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ibalik mo ang tungkod ni Aaron sa harap ng patotoo, upang ingatang pinakatanda laban sa mga anak ng panghihimagsik; upang iyong wakasan ang kanilang mga pag-upasala laban sa akin, upang huwag silang mamatay. 11 Gayon ginawa ni Moises: kung paanong iniutos ng Panginoon sa kaniya, ay gayon niya ginawa. 12 At sinalita ng mga anak ni Israel kay Moises, na sinasabi, Narito, kami ay mga patay, kami ay napahamak, kaming lahat ay napahamak. 13 Lahat ng lumalapit, na lumalapit sa tabernakulo ng Panginoon, ay namamatay: kami bang lahat ay malilipol?

1 And the LORD spoke unto Moses, saying,2 Speak unto the children of Israel, and take of every one of them a rod according to the house of their fathers, of all their leaders according to the house of their fathers twelve rods: write every man's name upon his rod.3 And you shall write Aaron's name upon the rod of Levi: for one rod shall be for the head of the house of their fathers.4 And you shall lay them up in the tabernacle of meeting before the testimony, where I will meet with you.5 And it shall come to pass, that the man's rod, whom I shall choose, shall blossom: and I will make to cease from me the murmurings of the children of Israel, which they murmur against you.6 And Moses spoke unto the children of Israel, and every one of their leaders gave him a rod apiece, for each leader one, according to their fathers' houses, even twelve rods: and the rod of Aaron was among their rods.7 And Moses laid up the rods before the LORD in the tabernacle of witness.8 And it came to pass, that the next day Moses went into the tabernacle of witness; and, behold, the rod of Aaron for the house of Levi was sprouted, and brought forth buds, and bloomed blossoms, and yielded almonds.9 And Moses brought out all the rods from before the LORD unto all the children of Israel: and they looked, and took every man his rod.10 And the LORD said unto Moses, Bring Aaron's rod again before the testimony, to be kept for a sign against the rebels; and you shall put away their murmurings from me, that they die not.11 And Moses did so: as the LORD commanded him, so did he.12 And the children of Israel spoke unto Moses, saying, Behold, we die, we perish, we all perish.13 Whosoever comes anywhere near unto the tabernacle of the LORD shall die: shall we be consumed with dying?

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-10_01-11-40-blue