Publicidade

Números 18

1 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Ikaw at ang iyong mga anak at ang sangbahayan ng iyong mga magulang na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng santuario: at ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng inyong pagkasaserdote. 2 At ang iyong mga kapatid naman, ang lipi ni Levi, ang lipi ng iyong ama, ay palalapitin mo sa iyo upang sila'y lumakip sa iyo at mangasiwa sa iyo: nguni't ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo, ay lalagay sa harap ng tabernakulo ng patotoo. 3 At kanilang iingatan ang iyong katungkulan, at ang katungkulan ng buong tolda: huwag lamang silang lalapit sa mga kasangkapan ng santuario ni sa dambana, upang huwag silang mamatay, ni maging kayo. 4 At sila'y lalakip sa iyo, at mag-iingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, sa buong paglilingkod sa tolda: at sinomang taga ibang lupa ay huwag lalapit sa inyo. 5 At inyong iingatan ang katungkulan ng santuario, at ang katungkulan ng dambana; upang huwag nang magkaroon pa ng kagalitan sa mga anak ni Israel. 6 At ako, narito, aking pinili ang inyong mga kapatid na mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: sa inyo sila ay isang kaloob, na bigay sa Panginoon, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan. 7 At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin. 8 At sinalita ng Panginoon kay Aaron, At ako'y, narito, aking ibinigay sa iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa aking, lahat ng mga banal na bagay ng mga anak ni Israel; aking ibinigay sa iyo dahil sa pagpapahid, at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo, magpakailan man. 9 Ito'y magiging iyo sa mga pinakabanal na bagay, na hindi pinaraan sa apoy: bawa't alay nila, bawa't handog na harina nila, at bawa't handog nila dahil sa kasalanan, at bawa't handog nila dahil sa pagkakasala na kanilang ihahandog sa akin, ay magiging pinaka banal sa iyo at sa iyong mga anak. 10 Gaya ng mga kabanalbanalang bagay ay kakain ka ng mga iyan: bawa't lalake ay kakain niyaon magiging banal na bagay sa iyo. 11 At ito ay iyo; ang handog na itinaas na kanilang kaloob, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga handog na inalog ng mga anak ni Israel: aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo na marapat na bahagi magpakailan man: bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon. 12 Lahat ng pinakamainam sa langis, at lahat ng pinakamainam sa alak, at sa trigo, ang mga pinakaunang bunga ng mga yaon na kanilang ibibigay sa Panginoon, ay ibibigay ko sa iyo. 13 Ang mga unang hinog na bunga ng lahat na nasa kanilang lupain, na kanilang dinadala sa Panginoon, ay magiging iyo; bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon. 14 Lahat ng mga bagay na natatalaga sa Israel ay magiging iyo. 15 Lahat ng mga bagay na nagbubukas ng bahay-bata, sa lahat ng laman na kanilang inihahandog sa Panginoon, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, ay magiging iyo: gayon man ang panganay sa tao ay tunay na iyong tutubusin, at ang panganay sa maruruming hayop ay iyong tutubusin. 16 At yaong mga matutubos sa kanila, mula sa isang buwang gulang ay iyong tutubusin, ayon sa iyong pagkahalaga, ng limang siklong pilak, ayon sa siklo ng santuario (na dalawang pung gera). 17 Nguni't ang panganay ng baka, o ang panganay ng tupa, o ang panganay ng kambing ay huwag mong tutubusin; mga banal: iyong iwiwisik ang kanilang dugo sa ibabaw ng dambana, at iyong susunugin ang kanilang taba na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 18 At ang laman nila ay magiging iyo, gaya ng dibdib na inalog at gaya ng kanang hita ay magiging iyo. 19 Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo. 20 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel. 21 At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana, na ganti sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan. 22 At sa haharapin ay huwag lalapit ang mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, baka sila'y magtaglay ng kasalanan, at mamatay. 23 Nguni't gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan; at kanilang tataglayin ang kanilang kasamaan: ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi, at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana. 24 Sapagka't ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya't aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana. 25 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 26 Bukod dito'y sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, Pagkuha ninyo sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong pinakamana, ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ang ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi. 27 At ang inyong handog na itinaas ay ibibilang sa inyo, na parang trigo ng giikan at ng kasaganaan ng pisaan ng ubas. 28 Ganito rin kayo maghahandog ng handog na itinaas sa Panginoon sa inyong buong ikasangpung bahagi, na inyong tinatanggap sa mga anak ni Israel; at ganito ibibigay ninyo ang handog na itinaas sa Panginoon kay Aaron na saserdote. 29 Sa lahat ng inyong natanggap na kaloob ay inyong ihahandog ang bawa't handog na itinaas sa Panginoon, ang lahat ng pinakamainam niyaon, sa makatuwid baga'y ang banal na bahagi niyaon. 30 Kaya't iyong sasabihin sa kanila, Pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa handog, ay ibibilang nga sa mga Levita, na parang bunga ng giikan, at parang pakinabang sa pisaan ng ubas. 31 At inyong kakanin saa't saan man, ninyo at ng inyong mga kasangbahay: sapagka't kabayaran sa inyo, na ganti sa inyong paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan. 32 At hindi kayo magtataglay ng kasalanan dahil dito, pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa mga yaon: at huwag ninyong lalapastanganin ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, upang huwag kayong mamatay.

1 And the LORD said unto Aaron, You and your sons and your father's house with you shall bear the iniquity in connection with the sanctuary: and you and your sons with you shall bear the iniquity in connection with your priesthood.2 And your brethren also of the tribe of Levi,the tribe of your father, bring with you, that they may be joined unto you, and minister unto you: but you and your sons with you shall minister before the tabernacle of witness.3 And they shall keep your duties, and the duties of all the tabernacle: only they shall not come near the vessels of the sanctuary and the altar, that neither they, nor you also, die.4 And they shall be joined unto you, and keep the duties of the tabernacle of meeting, for all the service of the tabernacle: and a stranger shall not come near unto you.5 And you shall keep the duties of the sanctuary, and the duties of the altar: that there be no wrath any more upon the children of Israel.6 And I, behold, I have taken your brethren the Levites from among the children of Israel: to you they are given as a gift for the LORD, to do the service of the tabernacle of meeting.7 Therefore you and your sons with you shall keep your priest's office for everything at the altar, and within the veil; and you shall serve: I have given your priest's office unto you as a gift for service: and the stranger that comes near shall be put to death.8 And the LORD spoke unto Aaron, Behold, I also have given you the duties of my heave offerings of all the hallowed things of the children of Israel; unto you have I given them as a portion to you, and to your sons, by an ordinance forever.9 This shall be yours of the most holy things, reserved from the fire: every offering of theirs, every grain offering of theirs, and every sin offering of theirs, and every trespass offering of theirs, which they shall render unto me, shall be most holy for you and for your sons.10 In the most holy place shall you eat it; every male shall eat it: it shall be holy unto you.11 And this is yours; the heave offering of their gift, with all the wave offerings of the children of Israel: I have given them unto you, and to your sons and to your daughters with you, by a statute forever: everyone that is clean in your house shall eat of it.12 All the best of the oil, and all the best of the wine, and of the wheat, the first fruits of them which they shall offer unto the LORD, them have I given you.13 And whatsoever is first ripe in the land, which they shall bring unto the LORD, shall be yours; every one that is clean in your house shall eat of it.14 Every thing devoted in Israel shall be yours.15 Every thing that opens the womb in all flesh,which they bring unto the LORD, whether it be of men or animals, shall be yours: nevertheless the firstborn of man shall you surely redeem, and the firstling of unclean animals shall you redeem.16 And those that are to be redeemed from a month old shall you redeem, according to your valuation, for the money of five shekels, according to the shekel of the sanctuary, which is twenty gerahs.17 But the firstling of a cow, or the firstling of a sheep, or the firstling of a goat, you shall not redeem; they are holy: you shall sprinkle their blood upon the altar, and shall burn their fat for an offering made by fire, for a sweet aroma unto the LORD.18 And the flesh of them shall be yours, as the wave breast and as the right shoulder are yours.19 All the heave offerings of the holy things, which the children of Israel offer unto the LORD, have I given you, and your sons and your daughters with you, by a statute forever: it is a covenant of salt forever before the LORD unto you and to your descendants with you.20 And the LORD spoke unto Aaron, You shall have no inheritance in their land, neither shall you have any part among them: I am your part and your inheritance among the children of Israel.21 And, behold, I have given the children of Levi all the tenth in Israel for an inheritance, for their service which they serve, even the service of the tabernacle of meeting.22 Neither must the children of Israel henceforth come near the tabernacle of meeting, lest they bear sin, and die.23 But the Levites shall do the service of the tabernacle of meeting, and they shall bear their iniquity: it shall be a statute forever throughout your generations, that among the children of Israel they have no inheritance.24 But the tithes of the children of Israel, which they offer as a heave offering unto the LORD, I have given to the Levites to inherit: therefore I have said unto them, Among the children of Israel they shall have no inheritance.25 And the LORD spoke unto Moses, saying,26 Thus speak unto the Levites, and say unto them, When you take of the children of Israel the tithes which I have given you from them for your inheritance, then you shall offer up a heave offering of it for the LORD, even a tenth part of the tithe.27 And this your heave offering shall be reckoned unto you, as though it were the grain of the threshing floor, and as the fullness of the winepress.28 Thus you also shall offer a heave offering unto the LORD of all your tithes, which you receive of the children of Israel; and you shall give thereof the LORD'S heave offering to Aaron the priest.29 Out of all your gifts you shall offer every heave offering of the LORD, of all the best thereof, even the hallowed part thereof out of it.30 Therefore you shall say unto them, When you have heaved the best thereof from it, then it shall be counted unto the Levites as the increase of the threshing floor, and as the increase of the winepress.31 And you shall eat it in every place, you and your households: for it is your reward for your service in the tabernacle of meeting.32 And you shall bear no sin by reason of it, when you have offered from it the best of it: neither shall you pollute the holy things of the children of Israel, lest you die.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-10_01-11-40-blue