1 Ang hula tungkol sa Ninive. Ang aklat tungkol sa pangitain ni Nahum na Elkoshita. 2 Ang Panginoon ay mapanibughuing Dios at nanghihiganti; ang Panginoon ay nanghihiganti at puspos ng kapootan; ang Panginoon ay nanghihiganti sa kaniyang mga kaaway, at siya'y nagtataan ng kapootan sa kaniyang mga kaaway. 3 Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan, at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin: ang daan ng Panginoon ay sa ipoipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng kaniyang mga paa. 4 Kaniyang sinasaway ang dagat, at tinutuyo, at tinutuyo ang lahat na ilog: ang Basan ay nanlalata, at ang Carmelo; at ang bulaklak ng Libano ay nalalanta. 5 Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa'y lumilindol sa kaniyang harapan, oo, ang sanglibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito. 6 Sino ang makatatayo sa harap ng kaniyang pagkagalit? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng kaniyang galit? ang kaniyang kapusukan ay sumisigalbong parang apoy, at ang mga malaking bato ay nangatitibag niya. 7 Ang Panginoo'y mabuti, katibayan sa kaarawan ng kabagabagan; at nakikilala niya yaong nangaglalagak ng kanilang tiwala sa kaniya. 8 Nguni't sa pamamagitan ng manggugunaw na baha ay kaniyang lubos na wawakasan ang kaniyang dako, at hahabulin ang kaniyang mga kaaway sa kadiliman. 9 Ano ang inyong kinakatha laban sa Panginoon? siya'y gagawa ng lubos na kawakasan; ang pagdadalamhati ay hindi titindig na ikalawa. 10 Sapagka't yamang sila'y maging gaya ng mga salasalabat na tinik, at maging napakalasing na parang manglalasing, sila'y lubos na masusupok na parang tuyong dayami. 11 May lumabas na isa sa iyo, na nagiisip ng kasamaan laban sa Panginoon, na pumapayo ng masama. 12 Ganito ang sabi ng Panginoon: Bagaman sila'y nangasa lubos na kalakasan, at totoong marami, gayon may sila'y nangalulugmok, at daraan siya. Bagaman pinagdalamhati kita, hindi na kita pagdadalamhatiin pa. 13 At ngayo'y aking babaliin ang kaniyang pamatok na nasa iyo, at aking sisirain ang iyong mga paningkaw. 14 At ang Panginoon ay nagbigay utos tungkol sa iyo, na hindi na matatatag ang iyong pangalan: sa bahay ng iyong mga dios ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang binubo; aking gagawin ang iyong libingan; sapagka't ikaw ay hamak. 15 Narito, nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niyang nangagdadala ng mga mabuting balita, na nangaghahayag ng kapayapaan! Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan, Oh Juda, tuparin mo ang iyong mga panata; sapagka't ang masama ay hindi na dadaan pa sa iyo; siya'y lubos na nahiwalay.
1 The burden concerning Nineveh. The book of the vision of Nahum the Elkohshite.2 God is jealous, and the LORD avenges; the LORD avenges, and is furious; the LORD will take vengeance on his adversaries, and he reserves wrath for his enemies.3 The LORD is slow to anger, and great in power, and will not at all acquit the wicked: the LORD has his way in the whirlwind and in the storm, and the clouds are the dust of his feet.4 He rebukes the sea, and makes it dry, and dries up all the rivers: Bashan withers, and Carmel, and the flower of Lebanon fades.5 The mountains quake before him, and the hills melt, and the earth is burned at his presence, yea, the world, and all that dwell in it.6 Who can stand before his indignation? and who can abide in the fierceness of his anger? his fury is poured out like fire, and the rocks are thrown down by him.7 The LORD is good, a stronghold in the day of trouble; and he knows them that trust in him.8 But with an overrunning flood he will make an utter end of its place, and darkness shall pursue his enemies.9 What do you imagine against the LORD? he will make an utter end: affliction shall not rise up the second time.10 For while they are entangled together as thorns, and while they are drunk as drunkards, they shall be devoured as stubble fully dry.11 There has one come out of you, that imagines evil against the LORD, a wicked counselor.12 Thus says the LORD; Though they be quiet, and likewise many, yet thus shall they be cut down, when he shall pass through. Though I have afflicted you, I will afflict you no more.13 For now will I break his yoke from off you, and will burst your bonds asunder.14 And the LORD has given a commandment concerning you: No more shall your name be perpetuated: out of the house of your gods will I cut off the graven image and the molten image: I will make your grave; for you are vile.15 Behold upon the mountains the feet of him that brings good tidings, that publishes peace! O Judah, keep your solemn feasts, perform your vows: for the wicked shall no more pass through you; he is utterly cut off.