Publicidade

Deuteronômio 27

1 At si Moises at ang mga matanda sa Israel ay nagutos sa bayan, na sinasabi, Ganapin mo ang lahat ng utos na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito. 2 At mangyayaring sa araw na iyong tatawirin ang Jordan na patungo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay maglalagay ka ng malalaking bato, at iyong tatapalan ng argamasa; 3 At iyong isusulat sa mga ito ang lahat ng mga salita ng kautusang ito, pagka iyong naraanan; upang iyong mapasok ang lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, na isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot, na gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang. 4 At mangyayari na pagtawid mo ng Jordan, na iyong ilalagay ang mga batong ito, na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito, sa bundok ng Ebal, at iyong tatapalan ng argamasa. 5 At doo'y magtatayo ka ng isang dambana sa Panginoon mong Dios, ng isang dambana na mga bato; huwag mong pagbubuhatan ang mga ito ng kasangkapang bakal. 6 Iyong itatayo na buong bato ang dambana ng Panginoon mong Dios, at maghahandog ka roon ng mga handog na susunugin, sa Panginoon mong Dios. 7 At ikaw ay maghahain ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at iyong kakanin doon; at ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong Dios; 8 At iyong isusulat na malinaw sa mga batong yaon, ang lahat ng mga salita ng kautusang ito. 9 At si Moises at ang mga saserdote na ang mga Levita ay nagsalita sa buong Israel, na sinasabi, Tumahimik ka at dinggin mo, Oh Israel; sa araw na ito ay naging bayan ka ng Panginoon mong Dios. 10 Iyo ngang susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios, at tutuparin mo ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito. 11 At ibinilin ni Moises sa bayan nang araw ding yaon, na sinasabi, 12 Ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Gerizim, upang basbasan ang bayan, pagka inyong naraanan na ang Jordan; ang Simeon, at ang Levi, at ang Juda, at ang Issachar at ang Jose, at ang Benjamin: 13 At ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Ebal upang sumumpa; ang Ruben, ang Gad, at ang Aser, at ang Zabulon, ang Dan, at ang Nephtali. 14 At ang mga Levita ay sasagot, at magsasabi ng malakas na tinig sa lahat ng mga lalake sa Israel. 15 Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa. 16 Sumpain yaong sumira ng puri sa kaniyang ama o sa kaniyang ina. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 17 Sumpain yaong bumago ng muhon ng kaniyang kapuwa. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 18 Sumpain yaong magligaw ng bulag sa daan. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 19 Sumpain yaong magliko ng matuwid ng taga ibang bayan, ng ulila at ng babaing bao. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 20 Sumpain yaong sumiping sa asawa ng kaniyang ama; sapagka't kaniyang inilitaw ang balabal ng kaniyang ama. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 21 Sumpain yaong sumiping sa alinmang hayop. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 22 Sumpain yaong sumiping sa kaniyang kapatid na babae, sa anak ng kaniyang ama, o sa anak na babae ng kaniyang ina. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 23 Sumpain yaong sumiping sa kaniyang biyanan. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 24 Sumpain yaong sumakit ng lihim sa kaniyang kapuwa. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 25 Sumpain yaong tumanggap ng suhol upang pumatay ng isang taong walang sala. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 26 Sumpain yaong hindi umayon sa mga salita ng kautusang ito upang gawin. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.

1 And Moses with the elders of Israel commanded the people, saying, Keep all the commandments which I command you this day.2 And it shall be on the day when you shall pass over Jordan unto the land which the LORD your God gives you, that you shall set yourselves up great stones, and plaster them with plaster:3 And you shall write upon them all the words of this law, when you are passed over, that you may go in unto the land which the LORD your God gives you, a land that flows with milk and honey; as the LORD God of your fathers has promised you.4 Therefore it shall be when you are gone over Jordan, that you shall set up these stones, which I command you this day, in mount Ebal, and you shall plaster them with plaster.5 And there shall you build an altar unto the LORD your God, an altar of stones: you shall not lift up any iron tool upon them.6 You shall build the altar of the LORD your God of whole stones: and you shall offer burnt offerings on it unto the LORD your God:7 And you shall offer peace offerings, and shall eat there, and rejoice before the LORD your God.8 And you shall write upon the stones all the words of this law very plainly.9 And Moses and the priests, the Levites, spoke unto all Israel, saying, Take heed, and hearken, O Israel; this day you are become the people of the LORD your God.10 You shall therefore obey the voice of the LORD your God, and do his commandments and his statutes, which I command you this day.11 And Moses charged the people the same day, saying,12 These shall stand upon mount Gerizim to bless the people, when you are come over Jordan; Simeon, and Levi, and Judah, and Issachar, and Joseph, and Benjamin:13 And these shall stand upon mount Ebal to curse; Reuben, Gad, and Asher, and Zebulun, Dan, and Naphtali.14 And the Levites shall speak, and say unto all the men of Israel with a loud voice,15 Cursed be the man that makes any graven or molten image, an abomination unto the LORD, the work of the hands of the craftsman, and puts it in a secret place. And all the people shall answer and say, Amen.16 Cursed be he that dishonors his father or his mother. And all the people shall say, Amen.17 Cursed be he that removes his neighbor’s landmark. And all the people shall say, Amen.18 Cursed be he that makes the blind to wander out of the way. And all the people shall say, Amen.19 Cursed be he that perverts the justice due the stranger, fatherless, and widow. And all the people shall say, Amen.20 Cursed be he that lies with his father’s wife; because he uncovers his father’s bed. And all the people shall say, Amen.21 Cursed be he that lies with any kind of animal. And all the people shall say, Amen.22 Cursed be he that lies with his sister, the daughter of his father, or the daughter of his mother. And all the people shall say, Amen.23 Cursed be he that lies with his mother-in-law. And all the people shall say, Amen.24 Cursed be he that attacks his neighbor secretly. And all the people shall say, Amen.25 Cursed be he that takes a bribe to slay an innocent person. And all the people shall say, Amen.26 Cursed be he that confirms not all the words of this law to do them. And all the people shall say, Amen.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-