1 Ito ang mga palatuntunan at mga kahatulan na inyong isasagawa sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang upang ariin, sa lahat ng mga araw na inyong ikabubuhay sa ibabaw ng lupa. 2 Tunay na gigibain ninyo ang lahat ng mga dako, na pinaglilingkuran sa kanilang dios ng mga bansang inyong aariin, sa ibabaw ng matataas na bundok, at sa ibabaw ng mga burol, at sa lilim ng bawa't punong kahoy na sariwa: 3 At iyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputol-putulin ang kanilang mga haliging pinakaalaala, at susunugin ang kanilang mga Asera sa apoy; at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong yaon. 4 Huwag kayong gagawa ng ganito sa Panginoon ninyong Dios. 5 Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng kaniyang pangalan, sa makatuwid baga'y sa kaniyang tahanan ay inyong hahanapin, at doon kayo paroroon: 6 At doon ninyo dadalhin ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, at ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang inyong mga panata, at ang inyong mga kusang handog, at ang mga panganay sa inyong mga bakahan at sa inyong mga kawan: 7 At doon kayo kakain sa harap ng Panginoon ninyong Dios, at kayo'y mangagagalak sa lahat na kalagyan ng inyong kamay, kayo at ang inyong mga sangbahayan kung saan ka pinagpala ng Panginoon mong Dios. 8 Huwag ninyong gagawin ang ayon sa lahat ng mga bagay na ating ginagawa dito sa araw na ito, na ang magalingin ng bawa't isa sa kaniyang paningin; 9 Sapagka't hindi pa kayo nakararating sa kapahingahan at sa mana, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon ninyong Dios. 10 Datapuwa't pagtawid ninyo ng Jordan, at pagtahan sa lupain na ipinamamana sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, at pagkabigay niya sa inyo ng kapahingahan sa lahat ng inyong mga kaaway sa palibot, na ano pa't kayo'y tumahang tiwasay; 11 Ay mangyayari nga, na ang dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan ay doon ninyo dadalhin ang lahat na aking iniuutos sa inyo; ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang lahat ng inyong piling panata na inyong ipinananata sa Panginoon: 12 At kayo'y magagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, kayo at ang inyong mga anak na lalake at babae, at ang inyong mga aliping lalake at babae, at ang Levita na nasa loob ng inyong mga pintuang-daan, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama ninyo. 13 Magingat ka na huwag mong ihahandog ang iyong handog na susunugin sa alinmang dakong iyong makikita: 14 Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon sa isa sa iyong mga lipi ay doon mo ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, at doon mo gagawin ang lahat na aking iniuutos sa iyo. 15 Gayon ma'y makapapatay ka at makakakain ka ng karne sa loob ng lahat ng iyong mga pintuang-daan, ayon sa buong nasa ng iyong kaluluwa, ayon sa pagpapala ng Panginoon mong Dios na kaniyang ibinigay sa iyo: ang marumi at ang malinis ay makakakain niyaon, gaya ng maliit na usa, at gaya ng malaking usa. 16 Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo; iyong ibubuhos sa lupa na parang tubig. 17 Hindi mo makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, o ng iyong alak, o ng iyong langis, o ng mga panganay sa iyong bakahan o sa iyong kawan, ni anoman sa iyong mga panata na iyong ipananata, ni ang iyong mga kusang handog, ni ang handog na itataas ng iyong kamay: 18 Kundi iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, kakanin mo, at ng iyong anak na lalake at babae, at ng iyong aliping lalake at babae, at ng Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan: at kagagalakan mo sa harap ng Panginoon mong Dios, ang lahat ng kalagyan ng iyong kamay. 19 Ingatan mong huwag mong pabayaan ang Levita samantalang nabubuhay ka sa iyong lupain. 20 Pagka palalakihin ng Panginoon mong Dios ang iyong hangganan, gaya ng kaniyang ipinangako sa iyo, at iyong sasabihin, Ako'y kakain ng karne, sapagka't nasa mong kumain ng karne; ay makakakain ka ng karne, ayon sa buong nasa mo. 21 Kung ang dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan ay totoong malayo sa iyo, ay papatay ka nga sa iyong bakahan at sa iyong kawan, na ibinigay sa iyo ng Panginoon, gaya ng iniutos ko sa iyo, at makakakain ka sa loob ng iyong mga pintuang-daan, ayon sa buong nasa mo. 22 Kung paano ang pagkain sa maliit at malaking usa, ay gayon kakanin; ang marumi at ang malinis ay kapuwang makakakain niyaon. 23 Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman. 24 Huwag mong kakanin yaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig. 25 Huwag mong kakanin yaon; upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon. 26 Ang iyo lamang mga itinalagang bagay na tinatangkilik mo, at ang iyong mga panata, ang iyong dadalhin, at yayaon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon: 27 At iyong ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, ang laman at ang dugo, sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Dios: at ang dugo ng iyong mga hain ay ibubuhos sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Dios; at iyong kakanin ang karne. 28 Iyong sundin at dinggin ang lahat ng mga salitang ito na iniuutos ko sa iyo, upang magpakailan man ay ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, pagka iyong ginawa ang mabuti at matuwid sa paningin ng Panginoon mong Dios. 29 Pagka naihiwalay ng Panginoon mong Dios sa harap mo, ang mga bansa na iyong pinapasok upang ariin, at iyong halinhan sila, at nakatahan ka sa kanilang lupain, 30 Ay magingat ka na huwag masilong sumunod sa kanila, pagkatapos na sila'y malipol sa harap mo; at huwag kang magusisa ng tungkol sa kanilang mga dios, na magsabi, Paanong naglilingkod ang mga bansang ito sa kanilang mga dios? na gayon din ang gagawin ko. 31 Huwag mong gagawing gayon sa Panginoon mong Dios: sapagka't bawa't karumaldumal sa Panginoon, na kaniyang kinapopootan, ay kanilang ginagawa sa kanilang mga dios; sapagka't pati ng kanilang mga anak na lalake at babae ay kanilang sinusunog sa apoy sa kanilang mga dios. 32 Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan.
1 These are the statutes and judgments, which you shall observe to do in the land, which the LORD God of your fathers gives you to possess, all the days that you live upon the earth.2 You shall utterly destroy all the places, in which the nations which you shall possess served their gods, upon the high mountains, and upon the hills, and under every green tree:3 And you shall overthrow their altars, and break their stone idols, and burn their idol poles with fire; and you shall hew down the graven images of their gods, and destroy the names of them out of that place.4 You shall not do so unto the LORD your God.5 But unto the place which the LORD your God shall choose out of all your tribes to put his name there, even unto his dwelling place shall you seek, and there you shall come:6 And there you shall bring your burnt offerings, and your sacrifices, and your tithes, and heave offerings of your hand, and your vowed offerings, and your freewill offerings, and the firstlings of your herds and of your flocks:7 And there you shall eat before the LORD your God, and you shall rejoice in all that you put your hand unto, you and your households, in which the LORD your God has blessed you.8 You shall not do according to all the things that we do here this day, every man whatsoever is right in his own eyes.9 For you are not as yet come to the rest and to the inheritance, which the LORD your God gives you.10 But when you go over Jordan, and dwell in the land which the LORD your God gives you to inherit, and when he gives you rest from all your enemies round about, so that you dwell in safety;11 Then there shall be a place which the LORD your God shall choose to cause his name to dwell there; there shall you bring all that I command you; your burnt offerings, and your sacrifices, your tithes, and the heave offering of your hand, and all your choice offerings which you vow unto the LORD:12 And you shall rejoice before the LORD your God, you, and your sons, and your daughters, and your menservants, and your maidservants, and the Levite that is within your gates; forasmuch as he has no part nor inheritance with you.13 Take heed to yourself that you offer not your burnt offerings in every place that you see:14 But in the place which the LORD shall choose in one of your tribes, there you shall offer your burnt offerings, and there you shall do all that I command you.15 Nevertheless you may kill and eat flesh in all your gates, whatsoever your soul desires, according to the blessing of the LORD your God which he has given you: the unclean and the clean may eat thereof, as of the gazelle, and as of the hart.16 Only you shall not eat the blood; you shall pour it upon the earth as water.17 You may not eat within your gates the tithe of your grain, or of your wine, or of your oil, or the firstlings of your herds or of your flock, nor any of your offerings which you vow, nor your freewill offerings, or heave offering of your hand:18 But you must eat them before the LORD your God in the place which the LORD your God shall choose, you, and your son, and your daughter, and your manservant, and your maidservant, and the Levite that is within your gates: and you shall rejoice before the LORD your God in all that you put your hands unto.19 Take heed to yourself that you forsake not the Levite as long as you live upon the earth.20 When the LORD your God shall enlarge your border, as he has promised you, and you shall say, I will eat flesh, because your soul longs to eat flesh; you may eat flesh, whatsoever your soul desires.21 If the place which the LORD your God has chosen to put his name there is too far from you, then you shall kill of your herd and of your flock, which the LORD has given you, as I have commanded you, and you shall eat in your gates whatsoever your soul desires.22 Even as the gazelle and the hart is eaten, so you shall eat them: the unclean and the clean shall eat of them alike.23 Only be sure that you eat not the blood: for the blood is the life; and you may not eat the life with the flesh.24 You shall not eat it; you shall pour it upon the earth as water.25 You shall not eat it; that it may go well with you, and with your children after you, when you shall do that which is right in the sight of the LORD.26 Only your holy things which you have, and your vowed offerings, you shall take, and go unto the place which the LORD shall choose.27 And you shall offer your burnt offerings, the flesh and the blood, upon the altar of the LORD your God: and the blood of your sacrifices shall be poured out upon the altar of the LORD your God, and you shall eat the flesh.28 Observe and hear all these words which I command you, that it may go well with you, and with your children after you forever, when you do that which is good and right in the sight of the LORD your God.29 When the LORD your God shall cut off the nations from before you, where you go to possess them, and you displace them, and dwell in their land;30 Take heed to yourself that you are not snared by following them, after they are destroyed from before you; and that you inquire not after their gods, saying, How did these nations serve their gods? even so will I do likewise.31 You shall not do so unto the LORD your God: for every abomination to the LORD, which he hates, have they done unto their gods; for even their sons and their daughters they have burned in the fire to their gods.32 Whatsoever thing I command you, observe to do it: you shall not add thereto, nor take away from it.