Publicidade

Miquéias 7

1 Sa aba ko! sapagka't ako'y gaya ng kanilang pisanin ang mga bunga sa taginit, gaya ng mga pamumulot ng ubas sa ubasan: walang kumpol na makain; ako'y nananabik sa unang bunga ng igos. 2 Ang mabuting tao ay namatay sa lupa, at wala nang matuwid sa mga tao: silang lahat ay nagsisibakay upang magbubo ng dugo; hinuhuli ng bawa't isa ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng silo. 3 Ang kanilang mga kamay ay nangasa kasamaan upang sikaping isagawa; ang prinsipe ay humihingi, at ang hukom ay maagap sa suhol; at ang dakilang tao ay nangagsasalita ng masamang hangad ng kaniyang kaluluwa: ganito nila nilalala. 4 Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan: ang araw ng inihula sa iyo ng mga bantay, sa makatuwid baga'y ang araw ng pagdalaw sa iyo, ay dumating; ngayo'y mangatitigilan sila. 5 Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay; huwag kayong magkatiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan. 6 Sapagka't sinisiraang puri ng anak na lalake ang ama, ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina, ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae; ang mga kaaway ng tao ay ang kaniyang sariling kasangbahay. 7 Nguni't sa ganang akin, ako'y titingin sa Panginoon; ako'y maghihintay sa Dios ng aking kaligtasan: didinggin ako ng aking Dios. 8 Huwag kang magalak laban sa akin, Oh aking kaaway: pagka ako'y nabuwal, ako'y babangon; pagka ako'y naupo sa kadiliman, ang Panginoo'y magiging ilaw sa akin. 9 Aking babatahin ang kagalitan ng Panginoon, sapagka't ako'y nagkasala laban sa kaniya, hanggang sa kaniyang ipagsanggalang ang aking usap, at lapatan ako ng kahatulan: kaniyang ilalabas ako sa liwanag, at aking mamasdan ang kaniyang katuwiran. 10 Kung magkagayo'y makikita ng aking kaaway, at kahihiyan ang tatakip sa kaniya, na nagsabi sa akin, Saan nandoon ang Panginoon mong Dios? Makikita ng aking mga mata ang nais ko sa kaniya; siya nga'y yayapakan na parang putik sa mga lansangan. 11 Kaarawan ng pagtatayo ng iyong mga kuta! sa kaarawang yaon ay malalayo ang pasiya. 12 Sa kaarawang yaon ay magsisiparoon sila sa iyo mula sa Asiria at sa mga bayan ng Egipto, at mula sa Egipto hanggang sa ilog, at mula sa dagat at dagat, at sa bundok at bundok. 13 Gayon ma'y masisira ang lupain dahil sa kanila na nagsisitahan doon, dahil sa bunga ng kanilang mga gawa. 14 Pakanin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod, ang kawan na iyong mana, na tumatahang magisa, sa gubat sa gitna ng Carmelo: pakanin mo sila sa Basan at sa Galaad, gaya ng mga araw nang una. 15 Gaya ng mga araw ng iyong paglabas sa lupain ng Egipto ay aking pagpapakitaan sila ng mga kagilagilalas na bagay. 16 Makikita ng mga bansa, at mangapapahiya sa buo nilang kapangyarihan; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ang kanilang mga pakinig ay mabibingi. 17 Sila'y magsisihimod sa alabok na parang ahas; parang nagsisiusad na hayop sa lupa sila'y magsisilabas na nagsisipanginig mula sa kanilang mga kulungan; sila'y magsisilapit na may takot sa Panginoon nating Dios, at mangatatakot dahil sa iyo. 18 Sino ang Dios na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob. 19 Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat. 20 Iyong isasagawa ang katotohanan kay Jacob, at ang kagandahang-loob kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una.

1 Woe is me! for I am as when they have gathered the summer fruits, as the grape gleanings of the vintage: there is no cluster to eat: my soul desired the first ripe fruit.2 The godly man has perished out of the earth: and there is none upright among men: they all lie in wait for blood; they hunt every man his brother with a net.3 That they may do evil with both hands earnestly, the prince asks, and the judge asks for a bribe; and the great man, he utters his evil desire: so they weave it together.4 The best of them is like a brier: the most upright is sharper than a thorn hedge: the day of your watchmen and your punishment comes; now shall be their perplexity.5 Trust not in a friend, put not confidence in a companion: keep the doors of your mouth from her that lies in your bosom.6 For the son dishonors the father, the daughter rises up against her mother, the daughter-in-law against her mother-in-law; a man's enemies are the men of his own house.7 Therefore I will look unto the LORD; I will wait for the God of my salvation: my God will hear me.8 Rejoice not against me, O my enemy: when I fall, I shall arise; when I sit in darkness, the LORD shall be a light unto me.9 I will bear the indignation of the LORD, because I have sinned against him, until he pleads my cause, and executes justice for me: he will bring me forth to the light, and I shall behold his righteousness.10 Then she that is my enemy shall see it, and shame shall cover her who said unto me, Where is the LORD your God? my eyes shall behold her: now shall she be trodden down as the mire of the streets.11 In the day that your walls are to be built, in that day shall your boundaries be far extended.12 In that day also they shall come even to you from Assyria, and from the fortified cities, and from the fortress even to the river, and from sea to sea, and from mountain to mountain.13 Nevertheless the land shall be desolate because of them that dwell in it, and for the fruit of their deeds.14 Feed your people with your staff, the flock of your heritage, who dwell alone in the forest, in the midst of Carmel: let them feed in Bashan and Gilead, as in the days of old.15 As in the days of your coming out of the land of Egypt will I show unto them marvelous things.16 The nations shall see and be ashamed at all their might: they shall lay their hand upon their mouth, their ears shall be deaf.17 They shall lick the dust like a serpent, they shall move out of their holes like worms of the earth: they shall be afraid of the LORD our God, and shall fear because of you.18 Who is a God like unto you, who pardons iniquity, and passes by the transgression of the remnant of his heritage? he retains not his anger forever, because he delights in mercy.19 He will turn again, he will have compassion upon us; he will subdue our iniquities; and you will cast all their sins into the depths of the sea.20 You will show truth to Jacob, and mercy to Abraham, which you have sworn unto our fathers from the days of old.

Veja também

Publicidade
Miquéias
Ver todos os capítulos de Miquéias
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-