1 At sinabi sa kaniya ni Noemi na kaniyang biyanan, Anak ko, hindi ba kita ihahanap ng kapahingahan, na ikabubuti mo? 2 At ngayo'y wala ba rito si Booz na ating kamaganak, na ang kaniyang mga alila ay siya mong kinasama? Narito, kaniyang pahahanginan ang sebada ngayong gabi sa giikan. 3 Maligo ka nga, at magpahid ka ng langis, at magbihis ka at bumaba ka sa giikan: nguni't huwag kang pakilala sa lalake, hanggang siya'y makakain at makainom. 4 At mangyayari, paghiga niya, na iyong tatandaan ang dakong kaniyang hihigaan, at ikaw ay papasok, at iyong alisan ng takip ang kaniyang mga paa, at mahiga ka; at sasabihin niya sa iyo kung ano ang iyong gagawin. 5 At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng iyong sinasabi sa akin ay aking gagawin. 6 At siya'y bumaba sa giikan, at ginawa niya ang ayon sa buong iniutos sa kaniya ng kaniyang biyanan. 7 At nang si Booz ay makakain at makainom, at ang kaniyang puso'y maligayahan, siya'y yumaong nahiga sa dulo ng bunton ng trigo; at siya'y naparoong marahan, at inalisan ng takip ang kaniyang mga paa, at siya'y nahiga. 8 At nangyari, sa hating gabi, na ang lalake ay natakot at pumihit: at, narito, isang babae ay nakahiga sa kaniyang paanan. 9 At sinabi niya, Sino ka? At siya'y sumagot, Ako'y si Ruth, na iyong lingkod: iladlad mo nga ang iyong kumot sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay malapit na kamaganak. 10 At kaniyang sinabi, Pagpalain ka nawa ng Panginoon, anak ko: ikaw ay nagpakita ng higit na kagandahang loob sa huli kay sa ng una, sa hindi mo pagsunod sa mga bagong tao maging sa dukha o sa mayaman. 11 At ngayon, anak ko, huwag kang matakot; gagawin ko sa iyo ang lahat na iyong sinasabi, sapagka't buong bayan ng aking bayan ay nakakaalam na ikaw ay isang babaing may bait. 12 At tunay nga na ako'y kamaganak na malapit; gayon man ay may kamaganak na lalong malapit kay sa akin. 13 Maghintay ka ngayong gabi, at mangyayari sa kinaumagahan, na kung kaniyang tutuparin sa iyo ang bahagi ng pagkakamaganak, ay mabuti; gawin niya ang bahagi ng pagkakamaganak: nguni't kundi niya gagawin ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, ay gagawin ko nga ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, kung paano ang Panginoon ay nabubuhay: mahiga ka nga hanggang kinaumagahan. 14 At siya'y nahiga sa kaniyang paanan hanggang kinaumagahan: at siya'y bumangong maaga bago magkakilala ang isa't isa. Sapagka't kaniyang sinabi, Huwag maalaman na ang babae ay naparoon sa giikan. 15 At kaniyang sinabi, Dalhin mo rito ang balabal na nasa ibabaw mo at hawakan; at hinawakan niya; at siya'y tumakal ng anim na takal na sebada, at isinunong sa kaniya; at siya'y pumasok sa bayan. 16 At nang siya'y pumaroon sa kaniyang biyanan, ay sinabi niya, Ano nga, anak ko? At isinaysay niya sa kaniya ang lahat na ginawa sa kaniya ng lalake. 17 At sinabi niya, Ang anim na takal na sebadang ito ay ibinigay niya sa akin; sapagka't kaniyang sinabi, Huwag kang pumaroong walang dala sa iyong biyanan. 18 Nang magkagayo'y sinabi niya, Maupo kang tahimik, anak ko, hanggang sa iyong maalaman kung paanong kararatnan ng bagay: sapagka't ang lalaking yaon ay hindi magpapahinga, hanggang sa kaniyang matapos ang bagay sa araw na ito.
1 Then Naomi her mother-in-law said unto her, My daughter, shall I not seek rest for you, that it may be well with you?2 And now is not Boaz of our kindred, with whose maidens you were? Behold, he winnows barley tonight in the threshingfloor.3 Wash yourself therefore, and anoint yourself, and put your best clothes upon you, and get down to the floor: but make not yourself known unto the man, until he shall have finished eating and drinking.4 And it shall be, when he lies down, that you shall mark the place where he shall lie, and you shall go in, and uncover his feet, and lay down; and he will tell you what you shall do.5 And she said unto her, All that you say unto me I will do.6 And she went down unto the floor, and did according to all that her mother-in-law bade her.7 And when Boaz had eaten and drunk, and his heart was merry, he went to lie down at the end of the heap of grain: and she came softly, and uncovered his feet, and laid herself down.8 And it came to pass at midnight, that the man was startled, and turned himself: and, behold, a woman lay at his feet.9 And he said, Who are you? And she answered, I am Ruth your handmaid: spread therefore your skirt over your handmaid; for you are a near kinsman.10 And he said, Blessed be you of the LORD, my daughter: for you have showed more kindness in the latter end than at the beginning, in that you followed not young men, whether poor or rich.11 And now, my daughter, fear not; I will do to you all that you require: for all the city of my people does know that you are a virtuous woman.12 And now it is true that I am your near kinsman: however there is a kinsman nearer than I.13 Tarry this night, and it shall be in the morning, that if he will perform unto you the part of a kinsman, well; let him do the kinsman's part: but if he will not do the part of a kinsman to you, then will I do the part of a kinsman to you, as the LORD lives: lie down until the morning.14 And she lay at his feet until the morning: and she rose up before one could recognize another. And he said, Let it not be known that a woman came into the floor.15 Also he said, Bring the cloak that you have upon you, and hold it. And when she held it, he measured six measures of barley, and laid it on her: and she went into the city.16 And when she came to her mother-in-law, she said, How are you, my daughter? And she told her all that the man had done to her.17 And she said, These six measures of barley he gave me; for he said to me, Go not empty unto your mother-in-law.18 Then said she, Sit still, my daughter, until you know how the matter will fall: for the man will not rest, until he has finished the thing this day.