Publicidade

Lucas 1

1 Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin, 2 Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita, 3 Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo; 4 Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo. 5 Nagkaroon nang mga araw ni Herodes, hari sa Judea, ng isang saserdoteng ang ngala'y Zacarias, sa pulutong ni Abias: at ang naging asawa niya ay isa sa mga anak na babae ni Aaron, at ang kaniyang ngala'y Elisabet. 6 At sila'y kapuwa matuwid sa harap ng Dios, na nagsisilakad na walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga palatuntunan ng Panginoon. 7 At wala silang anak, sapagka't baog si Elisabet, at sila'y kapuwa may pataw ng maraming taon. 8 Nangyari nga, na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong, 9 Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote, ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng kamangyan. 10 At ang buong karamihan ng mga tao ay nagsisipanalangin sa labas sa oras ng kamangyan. 11 At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon, na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan. 12 At nagulumihanan si Zacarias, pagkakita niya sa kaniya, at dinatnan siya ng takot. 13 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka't dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan. 14 At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya. 15 Sapagka't siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siya'y hindi iinom ng alak ni matapang na inumin; at siya'y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina. 16 At marami sa mga anak ni Israel, ay papagbabaliking-loob niya sa Panginoon na kanilang Dios. 17 At siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda. 18 At sinabi ni Zacarias sa anghel, Sa ano malalaman ko ito? sapagka't ako'y matanda na, at ang aking asawa ay may pataw ng maraming taon. 19 At pagsagot ng anghel ay sinabi sa kaniya, Ako'y si Gabriel, na nananayo sa harapan ng Dios; at ako'y sinugo upang makipagusap sa iyo, at magdala sa iyo nitong mabubuting balita. 20 At narito, mapipipi ka at hindi ka makapangungusap, hanggang sa araw na mangyari ang mga bagay na ito, sapagka't hindi ka sumampalataya sa aking mga salita, na magaganap sa kanilang kapanahunan. 21 At hinihintay ng bayan si Zacarias, at nanganggigilalas sila sa kaniyang pagluluwat sa loob ng templo. 22 At nang lumabas siya, ay hindi siya makapagsalita sa kanila: at hininagap nila na siya'y nakakita ng isang pangitain sa templo: at siya'y nagpatuloy ng pakikipagusap sa kanila, sa pamamagitan ng mga hudyat, at nanatiling pipi. 23 At nangyari, na nang maganap na ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, siya'y umuwi sa kaniyang bahay. 24 At pagkatapos ng mga araw na ito ay naglihi ang kaniyang asawang si Elisabet; at siya'y lumigpit ng limang buwan, na nagsasabi, 25 Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw nang ako'y tingnan niya, upang alisin ang aking pagkaduwahagi sa gitna ng mga tao. 26 Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret, 27 Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga. 28 At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasa iyo. 29 Datapuwa't siya'y totoong nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito. 30 At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios. 31 At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. 32 Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama: 33 At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian. 34 At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake? 35 At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios. 36 At narito, si Elisabet na iyong kamaganak, ay naglihi rin naman ng isang anak na lalake sa kaniyang katandaan; at ito ang ikaanim na buwan niya, na dati'y tinatawag na baog. 37 Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan. 38 At sinabi ni Maria, Narito, ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel. 39 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Maria, at nagmadaling napasa lupaing maburol, sa isang bayan ng Juda; 40 At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet. 41 At nangyari, pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria, ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan; at napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo; 42 At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan. 43 At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin? 44 Sapagka't ganito, pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati, lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. 45 At mapalad ang babaing sumampalataya; sapagka't matutupad ang mga bagay na sa kaniya'y sinabi ng Panginoon. 46 At sinabi ni Maria, Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon, 47 At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas. 48 Sapagka't nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin. Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi. 49 Sapagka't ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay; At banal ang kaniyang pangalan. 50 At ang kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi. Sa nangatatakot sa kaniya. 51 Siya'y nagpakita ng lakas ng kaniyang bisig; Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso. 52 Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila, At itinaas ang mga may mababang kalagayan. 53 Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay; At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman. 54 Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin, Upang maalaala niya ang awa 55 (Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man. 56 At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay. 57 Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake. 58 At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamaganak, na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya; at sila'y nangakigalak sa kaniya. 59 At nangyari, na nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siya'y tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama. 60 At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi, Hindi gayon; kundi ang itatawag sa kaniya'y Juan. 61 At sinabi nila sa kaniya, Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito. 62 At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag. 63 At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat. 64 At pagdaka'y nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dila'y nakalag, at siya'y nagsalita, na pinupuri ang Dios. 65 At sinidlan ng takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng lupaing maburol ng Judea. 66 At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagka't ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya. 67 At si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi, 68 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagka't kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan, 69 At nagtaas sa atin ng isang sungay ng kaligtasan Sa bahay ni David na kaniyang alipin 70 (Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon), 71 Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin; 72 Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang, At alalahanin ang kaniyang banal na tipan; 73 Ang sumpa na isinumpa niya kay Abraham na ating ama, 74 Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway, Ay paglingkuran natin siya ng walang takot, 75 Sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw. 76 Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang propeta ng kataastaasan; Sapagka't magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan; 77 Upang maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan, Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan, 78 Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin, 79 Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan. 80 At lumaki ang sanggol, at lumakas sa espiritu, at nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.

1 Since many have taken in hand to set forth in order a declaration of those things which are most surely believed among us,2 Even as they delivered them unto us, who from the beginning were eyewitnesses, and ministers of the word;3 It seemed good to me also, having had perfect understanding of all things from the very first, to write unto you in order, most excellent Theophilus,4 That you might know the certainty of those things, in which you have been instructed.5 There was in the days of Herod, the king of Judea, a certain priest named Zachariah, of the course of Abia: and his wife was of the daughters of Aaron, and her name was Elizabeth.6 And they were both righteous before God, walking in all the commandments and ordinances of the Lord blameless.7 And they had no child, because Elizabeth was barren, and they both were now well advanced in years.8 And it came to pass, that while he executed the priest's office before God in the order of his course,9 According to the custom of the priest's office, his lot was to burn incense when he went into the temple of the Lord.10 And the whole multitude of the people were praying outside at the time of incense.11 And there appeared unto him an angel of the Lord standing on the right side of the altar of incense.12 And when Zachariah saw him, he was troubled, and fear fell upon him.13 But the angel said unto him, Fear not, Zachariah: for your prayer is heard; and your wife Elizabeth shall bear you a son, and you shall call his name John.14 And you shall have joy and gladness; and many shall rejoice at his birth.15 For he shall be great in the sight of the Lord, and shall drink neither wine nor strong drink; and he shall be filled with the Holy Spirit, even from his mother's womb.16 And many of the children of Israel shall he turn to the Lord their God.17 And he shall go before him in the spirit and power of Elijah, to turn the hearts of the fathers to the children, and the disobedient to the wisdom of the just; to make ready a people prepared for the Lord.18 And Zachariah said unto the angel, How shall I know this? for I am an old man, and my wife well advanced in years.19 And the angel answering said unto him, I am Gabriel, that stands in the presence of God; and am sent to speak unto you, and to show you these glad tidings.20 And, behold, you shall be dumb, and not able to speak, until the day that these things shall be performed, because you believe not my words, which shall be fulfilled in their time.21 And the people waited for Zachariah, and marveled that he tarried so long in the temple.22 And when he came out, he could not speak unto them: and they perceived that he had seen a vision in the temple: for he beckoned unto them, and remained speechless.23 And it came to pass, that, as soon as the days of his service were accomplished, he departed to his own house.24 And after those days his wife Elizabeth conceived, and hid herself five months, saying,25 Thus has the Lord dealt with me in the days in which he looked on me, to take away my reproach among men.26 And in the sixth month the angel Gabriel was sent from God unto a city of Galilee, named Nazareth,27 To a virgin espoused to a man whose name was Joseph, of the house of David; and the virgin's name was Mary.28 And the angel came in unto her, and said, Hail, you that are highly favored, the Lord is with you: blessed are you among women.29 And when she saw him, she was troubled at his saying, and considered in her mind what manner of greeting this should be.30 And the angel said unto her, Fear not, Mary: for you have found favor with God.31 And, behold, you shall conceive in your womb, and bring forth a son, and shall call his name JESUS.32 He shall be great, and shall be called the Son of the Highest: and the Lord God shall give unto him the throne of his father David:33 And he shall reign over the house of Jacob forever; and of his kingdom there shall be no end.34 Then said Mary unto the angel, How shall this be, seeing I know not a man?35 And the angel answered and said unto her, The Holy Spirit shall come upon you, and the power of the Highest shall overshadow you: therefore also that holy thing which shall be born of you shall be called the Son of God.36 And, behold, your cousin Elizabeth, she has also conceived a son in her old age: and this is the sixth month with her, who was called barren.37 For with God nothing shall be impossible.38 And Mary said, Behold the handmaid of the Lord; be it unto me according to your word. And the angel departed from her.39 And Mary arose in those days, and went into the hill country with haste, into a city of Judah;40 And entered into the house of Zachariah, and greeted Elizabeth.41 And it came to pass, that, when Elizabeth heard the greeting of Mary, the babe leaped in her womb; and Elizabeth was filled with the Holy Spirit:42 And she spoke out with a loud voice, and said, Blessed are you among women, and blessed is the fruit of your womb.43 And why is this granted me, that the mother of my Lord should come to me?44 For, lo, as soon as the voice of your greeting sounded in my ears, the babe leaped in my womb for joy.45 And blessed is she that believed: for there shall be a performance of those things which were told her from the Lord.46 And Mary said, My soul does magnify the Lord,47 And my spirit has rejoiced in God my Savior.48 For he has regarded the low estate of his handmaiden: for, behold, from henceforth all generations shall call me blessed.49 For he that is mighty has done to me great things; and holy is his name.50 And his mercy is on them that fear him from generation to generation.51 He has showed strength with his arm; he has scattered the proud in the imagination of their hearts.52 He has put down the mighty from their seats, and exalted them of low degree.53 He has filled the hungry with good things; and the rich he has sent empty away.54 He has helped his servant Israel, in remembrance of his mercy;55 As he spoke to our fathers, to Abraham, and to his descendants forever.56 And Mary abode with her about three months, and returned to her own house.57 Now Elizabeth's full time came that she should be delivered; and she brought forth a son.58 And her neighbors and her cousins heard how the Lord had showed great mercy upon her; and they rejoiced with her.59 And it came to pass, that on the eighth day they came to circumcise the child; and they called him Zachariah, after the name of his father.60 And his mother answered and said, Not so; but he shall be called John.61 And they said unto her, There is none of your kindred that is called by this name.62 And they made signs to his father, what he would have him called.63 And he asked for a writing tablet, and wrote, saying, His name is John. And they marveled all.64 And his mouth was opened immediately, and his tongue loosed, and he spoke, and praised God.65 And fear came on all that dwelt round about them: and all these sayings were spread abroad throughout all the hill country of Judea.66 And all they that heard them laid them up in their hearts, saying, What manner of child shall this be! And the hand of the Lord was with him.67 And his father Zachariah was filled with the Holy Spirit, and prophesied, saying,68 Blessed be the Lord God of Israel; for he has visited and redeemed his people,69 And has raised up a horn of salvation for us in the house of his servant David;70 As he spoke by the mouth of his holy prophets, who have been since the world began:71 That we should be saved from our enemies, and from the hand of all that hate us;72 To perform the mercy promised to our fathers, and to remember his holy covenant;73 The oath which he swore to our father Abraham,74 That he would grant unto us, that we being delivered out of the hand of our enemies might serve him without fear,75 In holiness and righteousness before him, all the days of our life.76 And you, child, shall be called the prophet of the Highest: for you shall go before the face of the Lord to prepare his ways;77 To give knowledge of salvation unto his people by the remission of their sins,78 Through the tender mercy of our God; by which the dawn from on high has visited us,79 To give light to them that sit in darkness and in the shadow of death, to guide our feet into the way of peace.80 And the child grew, and became strong in spirit, and was in the deserts till the day of his showing unto Israel.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-