Publicidade

Lucas 7

1 Nang matapos na niya ang lahat ng kaniyang mga pananalita sa mga pakinig ng bayan, ay pumasok siya sa Capernaum. 2 At ang alipin ng isang senturion, na minamahal nito, ay may sakit at malapit nang mamatay. 3 At nang marinig niya ang tungkol kay Jesus, ay pinaparoon niya sa kaniya ang matatanda sa mga Judio, na ipamanhik sa kaniya, na pumaroon at iligtas ang kaniyang alipin. 4 At nang magsidating sila kay Jesus, ay ipinamanhik nilang mapilit sa kaniya, na sinasabi, Karapatdapat siya na gawin mo sa kaniya ito; 5 Sapagka't iniibig niya ang ating bansa, at ipinagtayo niya tayo ng ating sinagoga. 6 At si Jesus ay sumama sa kanila. At nang siya'y di na lubhang malayo sa bahay, ay nagsugo sa kaniya ang senturion ng mga kaibigan, na nagsisipagsabi sa kaniya, Panginoon, huwag ka nang maligalig, sapagka't di ako karapatdapat na ikaw ay pumasok sa silong ng aking bubungan: 7 Dahil dito'y hindi ko inakalang ako'y karapatdapat man lamang pumariyan sa iyo: datapuwa't sabihin mo ang salita, at gagaling ang aking alipin. 8 Sapagka't ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, Yumaon ka, at siya'y yumayaon; at sa isa, Halika, at siya'y lumalapit; at sa aking alipin, Gawin mo ito, at kaniyang ginagawa. 9 At nang marinig ni Jesus ang mga bagay na ito, ay nagtaka siya sa kaniya, at lumingon at sinabi sa karamihang nagsisisunod sa kaniya, Sinasabi ko sa inyo, Hindi ako nakasumpong ng ganitong kalaking pananampalataya, hindi, kahit sa Israel man. 10 At pagbalik sa bahay ng mga sinugo, ay kanilang naratnang magaling na ang alipin. 11 At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon, na siya'y naparoon sa bayan na tinatawag na Nain; at kasama niya ang kaniyang mga alagad, at ang lubhang maraming tao. 12 At nang siya nga'y malapit na sa pintuan ng bayan, narito, inilalabas ang isang patay, bugtong na anak na lalake ng kaniyang ina, at siya'y bao: at kasama niya ang maraming tao na taga bayan. 13 At pagkakita sa kaniya ng Panginoon, siya'y kinahabagan niya, at sinabi sa kaniya, Huwag kang tumangis. 14 At siya'y lumapit at hinipo ang kabaong: at ang nangagdadala ay tumigil. At sinabi niya, Binata, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka. 15 At naupo ang patay, at nagpasimulang magsalita. At siya'y ibinigay niya sa kaniyang ina. 16 At sinidlan ng takot ang lahat: at niluluwalhati nila ang Dios, na sinasabi, Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang propeta: at, dinalaw ng Dios ang kaniyang bayan. 17 At kumalat ang balitang ito tungkol sa kaniya sa buong Judea, at sa buong palibotlibot ng lupain. 18 At ibinalita kay Juan ng kaniyang mga alagad ang lahat ng mga bagay na ito. 19 At sa pagpapalapit ni Juan sa kaniya ng dalawa sa kaniyang mga alagad, ay sinugo sila sa Panginoon, na nagpapasabi, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba? 20 At pagdating sa kaniya ng mga tao, ay kanilang sinabi, Pinaparito kami sa iyo ni Juan Bautista, na ipinasasabi, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba? 21 Nang oras na yaon ay nagpagaling siya ng maraming may sakit at mga pagkasalot at masasamang espiritu; at kaniyang pinagkaloobang mangakakita ang maraming bulag. 22 At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo, at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangakita at nangarinig; ang mga bulag ay nangakakakita, ang mga pilay ay nagsisilakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, ang mga patay ay ibinabangon, sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita. 23 At mapalad ang sinomang hindi makasumpong ng anomang katitisuran sa akin. 24 At nang mangakaalis na ang mga sugo ni Juan, ay nagpasimula siyang magsalita tungkol kay Juan sa mga karamihan, Ano ang linabas ninyo upang mamasdan sa ilang? isang tambong inuuga ng hangin? 25 Datapuwa't ano ang linabas ninyo upang makita? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselang? Narito, ang nagsisipanamit ng maririlag, at nangabubuhay sa pagmamaselang ay nasa mga palasio ng mga hari. 26 Datapuwa't ano ang linabas ninyo upang makita? isa bagang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at higit pa sa isang propeta. 27 Ito yaong tungkol sa kaniya'y nasusulat, Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo. 28 Sinasabi ko sa inyo, Sa mga ipinanganak ng mga babae ay walang dakila kay sa kay Juan: gayon ma'y ang lalong maliit sa kaharian ng Dios ay lalong dakila kay sa kaniya. 29 At pagkarinig ng buong bayan, at ng mga maniningil ng buwis ay pinatotohanan ang Dios, na nagsipagbautismo ng bautismo ni Juan. 30 Datapuwa't pinawalang halaga ng mga Fariseo at ng mga tagapagtanggol ng kautusan sa kanilang sarili ang payo ng Dios, at hindi napabautismo sa kaniya. 31 Sa ano ko itutulad ang mga tao ng lahing ito, at ano ang kanilang katulad? 32 Tulad sila sa mga batang nangakaupo sa pamilihan, at nagsisigawan sa isa't isa; na sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisayaw; nanambitan kami at hindi kayo nagsitangis. 33 Sapagka't naparito si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak at inyong sinasabi, Siya'y may isang demonio. 34 Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom; at inyong sinasabi, Narito ang isang matakaw na tao, at isang magiinum ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! 35 At ang karunungan ay pinatotohanan ng lahat ng kaniyang mga anak. 36 At ipinamanhik sa kaniya ng isa sa mga Fariseo na kumaing kasalo niya. At siya'y pumasok sa bahay ng Fariseo at naupo sa dulang. 37 At narito, ang isang babaing makasalanan na nasa bayan; at nang maalaman niyang siya'y nasa dulang ng pagkain sa bahay ng Fariseo ay nagdala siya ng isang sisidlang alabastro na puno ng unguento, 38 At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis, ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa, at ang mga ito'y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo, at hinahagkan ang kaniyang mga paa, at pinapahiran ng unguento. 39 Nang makita nga ito ng Fariseo na sa kaniya'y naganyaya, ay nagsalita sa kaniyang sarili, na sinasabi, Ang taong ito, kung siya'y isang propeta ay nakikilala niya kung sino at kung ano ang babaing ito na sa kaniya'y humihipo, na siya'y makasalanan. 40 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Simon, ako'y may isang bagay na sasabihin sa iyo. At sinabi niya, Guro, sabihin mo. 41 Isang may pautang ay may dalawang may utang sa kaniya: at ang isa'y may utang na limang daang denario, at ang isa'y limangpu. 42 Nang sila'y walang maibayad, ay kapuwa pinatawad niya. Alin nga sa kanila ang lalong iibig sa kaniya? 43 Sumagot si Simon at sinabi, Inaakala ko na yaong pinatawad niya ng lalong malaki. At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang pagkahatol mo. 44 At paglingon sa babae, ay sinabi niya kay Simon, Nakikita mo baga ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay, hindi mo ako binigyan ng tubig na ukol sa aking mga paa: datapuwa't dinilig niya ang aking mga ng kaniyang mga luha, at kinuskos ng kaniyang buhok. 45 Hindi mo ako binigyan ng halik: datapuwa't siya, buhat nang ako'y pumasok ay hindi humihinto ng paghalik sa aking mga paa. 46 Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo: datapuwa't pinahiran niya ng unguento ang aking mga paa. 47 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig. 48 At sinabi niya sa babae, Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan. 49 At ang mga kasalo niyang nangakaupo sa dulang ng pagkain ay nagpasimulang nangagsabi sa kanilang sarili, Sino ito, na nagpapatawad pati ng mga kasalanan? 50 At sinabi niya sa babae, Iniligtas ka ng iyong pananampalataya; yumaon kang payapa.

1 Now when he had ended all his sayings in the audience of the people, he entered into Capernaum.2 And a certain centurion's servant, who was dear to him, was sick, and ready to die.3 And when he heard of Jesus, he sent unto him the elders of the Jews, beseeching him that he would come and heal his servant.4 And when they came to Jesus, they besought him earnestly, saying, That he was worthy for whom he should do this:5 For he loves our nation, and he has built us a synagogue.6 Then Jesus went with them. And when he was now not far from the house, the centurion sent friends to him, saying unto him, Lord, trouble not yourself: for I am not worthy that you should enter under my roof:7 Therefore neither thought I myself worthy to come unto you: but say a word, and my servant shall be healed.8 For I also am a man set under authority, having under me soldiers, and I say unto one, Go, and he goes; and to another, Come, and he comes; and to my servant, Do this, and he does it.9 When Jesus heard these things, he marveled at him, and turned about, and said unto the people that followed him, I say unto you, I have not found such great faith, no, not in Israel.10 And they that were sent, returning to the house, found the servant whole that had been sick.11 And it came to pass the next day that he went into a city called Nain; and many of his disciples went with him, and many people.12 Now when he came near to the gate of the city, behold, there was a dead man carried out, the only son of his mother, and she was a widow: and many people of the city were with her.13 And when the Lord saw her, he had compassion on her, and said unto her, Weep not.14 And he came and touched the coffin: and they that bore him stood still. And he said, Young man, I say unto you, Arise.15 And he that was dead sat up, and began to speak. And he delivered him to his mother.16 And there came a fear on all: and they glorified God, saying, A great prophet is risen up among us; and, God has visited his people.17 And this report of him went forth throughout all Judea, and throughout all the region round about.18 And the disciples of John showed him all these things.19 And John calling unto him two of his disciples sent them to Jesus, saying, Are you he that should come? or look we for another?20 When the men were come unto him, they said, John the Baptist has sent us unto you, saying, Are you he that should come? or look we for another?21 And in that same hour he cured many of their infirmities and plagues, and of evil spirits; and unto many that were blind he gave sight.22 Then Jesus answering said unto them, Go your way, and tell John what things you have seen and heard; how that the blind see, the lame walk, the lepers are cleansed, the deaf hear, the dead are raised, to the poor the gospel is preached.23 And blessed is he, whosoever shall not be offended in me.24 And when the messengers of John were departed, he began to speak unto the people concerning John, What went you out into the wilderness to see? A reed shaken with the wind?25 But what went you out to see? A man clothed in soft clothing? Behold, they who are gorgeously appareled, and live in luxury, are in kings' courts.26 But what went you out to see? A prophet? Yea, I say unto you, and much more than a prophet.27 This is he, of whom it is written, Behold, I send my messenger before your face, who shall prepare your way before you.28 For I say unto you, Among those that are born of women there is not a greater prophet than John the Baptist: but he that is least in the kingdom of God is greater than he.29 And all the people that heard him, and the tax collectors, justified God, being baptized with the baptism of John.30 But the Pharisees and lawyers rejected the counsel of God against themselves, being not baptized of him.31 And the Lord said, To what then shall I liken the men of this generation? and to what are they like?32 They are like unto children sitting in the marketplace, and calling one to another, and saying, We have piped unto you, and you have not danced; we have mourned to you, and you have not wept.33 For John the Baptist came neither eating bread nor drinking wine; and you say, He has a demon.34 The Son of man has come eating and drinking; and you say, Behold a gluttonous man, and a winebibber, a friend of tax collectors and sinners!35 But wisdom is justified by all her children.36 And one of the Pharisees asked him that he would eat with him. And he went into the Pharisee's house, and sat down to eat.37 And, behold, a woman in the city, who was a sinner, when she knew that Jesus sat to eat in the Pharisee's house, brought an alabaster flask of ointment,38 And stood at his feet behind him weeping, and began to wash his feet with tears, and did wipe them with the hairs of her head, and kissed his feet, and anointed them with the ointment.39 Now when the Pharisee who had bidden him saw it, he spoke within himself, saying, This man, if he were a prophet, would have known who and what manner of woman this is that touches him: for she is a sinner.40 And Jesus answering said unto him, Simon, I have something to say unto you. And he said, Teacher, say on.41 There was a certain creditor who had two debtors: the one owed five hundred pence, and the other fifty.42 And when they had nothing to pay, he frankly forgave them both. Tell me therefore, which of them will love him most?43 Simon answered and said, I suppose that he, to whom he forgave most. And he said unto him, You have rightly judged.44 And he turned to the woman, and said unto Simon, See this woman? I entered into your house, you gave me no water for my feet: but she has washed my feet with tears, and wiped them with the hairs of her head.45 You gave me no kiss: but this woman since the time I came in has not ceased to kiss my feet.46 My head with oil you did not anoint: but this woman has anointed my feet with ointment.47 Therefore I say unto you, Her sins, which are many, are forgiven; for she loved much: but to whom little is forgiven, the same loves little.48 And he said unto her, Your sins are forgiven.49 And they that sat to eat with him began to say within themselves, Who is this that forgives sins also?50 And he said to the woman, Your faith has saved you; go in peace.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-