Publicidade

Obadias 1

1 Ang pangitain ni Obadias. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa Edom, Kami ay nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka. 2 Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak. 3 Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa? 4 Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon. 5 Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas? 6 Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago! 7 Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: walang paguunawa sa kaniya. 8 Di ko baga lilipulin sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau? 9 At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan. 10 Dahil sa karahasan na ginawa sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man. 11 Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila. 12 Huwag ka ngang magmasid sa araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis. 13 Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan. 14 At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan. 15 Sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo. 16 Sapagka't kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay. 17 Nguni't sa bundok ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pag-aari. 18 At ang sangbahayan ni Jacob ay magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon. 19 At silang sa Timugan, ay mangagaari ng bundok ng Esau, at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad. 20 At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan. 21 At ang mga tagapagligtas ay magsisisampa sa bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at ang kaharian ay magiging sa Panginoon.

1 The vision of Obadiah. Thus says the Lord GOD concerning Edom; We have heard a message from the LORD, and an ambassador is sent among the nations, Arise you, and let us rise up against her in battle.2 Behold, I have made you small among the nations: you are greatly despised.3 The pride of your heart has deceived you, you that dwell in the clefts of the rock, whose habitation is high; that says in his heart, Who shall bring me down to the ground?4 Though you exalt yourself as the eagle, and though you set your nest among the stars, from there will I bring you down, says the LORD.5 If thieves came to you, if robbers by night, (how are you cut off!) would they not have stolen till they had enough? if the grape gatherers came to you, would they not leave some grapes?6 How are the things of Esau searched out! how are his treasures sought out!7 All the men in your confederacy have forced you even to the border: the men that were at peace with you have deceived you, and prevailed against you; they that eat your bread have laid a trap under you: there is no understanding of it.8 Shall I not in that day, says the LORD, even destroy the wise men out of Edom, and understanding out of the mountains of Esau?9 And your mighty men, O Teman, shall be dismayed, to the end that every one of the mountains of Esau may be cut off by slaughter.10 For your violence against your brother Jacob shame shall cover you, and you shall be cut off forever.11 In the day that you stood on the other side, in the day that the strangers carried away captive his forces, and foreigners entered into his gates, and cast lots upon Jerusalem, even you were as one of them.12 But you should not have looked down on the day of your brother in the day that he became a stranger; neither should you have rejoiced over the children of Judah in the day of their destruction; neither should you have spoken proudly in the day of distress.13 You should not have entered into the gate of my people in the day of their calamity; yea, you should not have looked down on their affliction in the day of their calamity, nor have laid hands on their substance in the day of their calamity;14 Neither should you have stood at the crossroads, to cut off those of his that did escape; neither should you have delivered up those of his that did remain in the day of distress.15 For the day of the LORD is near upon all the nations: as you have done, it shall be done unto you: your reward shall return upon your own head.16 For as you have drunk upon my holy mountain, so shall all the nations drink continually, yea, they shall drink, and they shall swallow down, and they shall be as though they had never been.17 But upon mount Zion shall be deliverance, and there shall be holiness; and the house of Jacob shall possess their possessions.18 And the house of Jacob shall be a fire, and the house of Joseph a flame, and the house of Esau for stubble, and they shall kindle them, and devour them; and there shall not be any remaining of the house of Esau; for the LORD has spoken it.19 And they of the south shall possess the mountains of Esau; and they of the lowlands the Philistines: and they shall possess the fields of Ephraim, and the fields of Samaria: and Benjamin shall possess Gilead.20 And the captives of this host of the children of Israel shall possess the land of the Canaanites, even unto Zarephath; and the captives of Jerusalem, who are in Sepharad, shall possess the cities of the south.21 And saviors shall come up on mount Zion to judge the mountains of Esau; and the kingdom shall be the LORD'S.

Veja também

Publicidade
Obadias
Ver todos os capítulos de Obadias
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-