1 Aking nakita ang Panginoon na nakatayo sa tabi ng dambana: at kaniyang sinabi, Hampasin mo ang mga kapitel, upang ang mga tungtungan ay mauga; at mangagkaputolputol sa ulo nilang lahat; at aking papatayin ng tabak ang huli sa kanila: walang makatatakas sinoman sa kanila, at walang makatatanang sinoman sa kanila. 2 Bagaman sila'y humukay hanggang sa Sheol, mula roo'y kukunin sila ng aking kamay; at bagaman sila'y sumampa hanggang sa langit, mula roo'y ibababa ko sila. 3 At bagaman sila'y magsipagtago sa taluktok ng Carmelo, aking hahanapin at kukunin sila mula roon; at bagaman sila'y magsikubli sa aking paningin sa gitna ng dagat, mula roo'y uutusan ko ang ahas, at tutukain niyaon sila. 4 At bagaman sila'y magsipasok sa pagkabihag sa harap ng kanilang mga kaaway, mula roon ay aking uutusan ang tabak, at papatayin niyaon sila: at aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti. 5 Sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay siyang humihipo ng lupain at natutunaw, at lahat na nagsisitahan doon ay magsisitangis; at babangong samasama na gaya ng Ilog, at lulubog uli, na gaya ng Ilog ng Egipto; 6 Siya na gumawa ng kaniyang mga silid sa langit, at kumatha ng kaniyang balantok sa lupa; siya na tumatawag ng tubig sa dagat at ibinubugso sa ibabaw ng lupa; Panginoon ang kaniyang pangalan. 7 Di baga kayo'y parang mga anak ng mga taga Etiopia sa akin, Oh mga anak ni Israel? sabi ng Panginoon. Hindi ko baga pinasampa ang Israel mula sa lupain ng Egipto, at ang mga Filisteo, ay mula sa Caphtor, at ang mga taga Siria ay sa Chir? 8 Narito, ang mga mata ng Panginoong Dios ay nasa makasalanang kaharian, at aking ipapahamak mula sa ibabaw ng lupa; liban na hindi ko lubos na ipapahamak ang sangbahayan ni Jacob, sabi ng Panginoon. 9 Sapagka't, narito, ako'y maguutos, at aking sasalain ang sangbahayan ni Israel sa gitna ng lahat na bansa, gaya ng trigo na nabithay sa isang bithay, gayon ma'y hindi malalaglag sa lupa ang pinakamaliit na butil. 10 Lahat na makasalanan sa aking bayan ay mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, na nangagsasabi, Ang kasamaan ay hindi aabot sa atin o mauuna man sa atin. 11 Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buwal, at tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon, at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una; 12 Upang kanilang ariin ang nalabi sa Edom, at ang lahat na bansa na mga tinatawag sa aking pangalan, sabi ng Panginoon na gumagawa nito, 13 Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aabutan ng mangaararo ang mangaani, at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw. 14 At akin uling ibabalik ang nangabihag sa aking bayang Israel, at kanilang itatayo ang mga wasak na bayan, at tatahanan nila; at sila'y mangaguubasan, at magsisiinom ng alak niyaon; magsisigawa rin sila ng mga halamanan, at magsisikain ng bunga ng mga yaon. 15 At aking itatatag sila sa kanilang lupain; at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain, na aking ibinigay sa kanila, sabi ng Panginoon mong Dios.
1 I saw the Lord standing upon the altar: and he said, Strike the lintel of the door, that the posts may shake: and break them on the heads of all of them; and I will slay the last of them with the sword: he that flees of them shall not flee away, and he that escapes of them shall not be delivered.2 Though they dig into sheol, there shall my hand take them; though they climb up to heaven, there will I bring them down:3 And though they hide themselves on the top of Carmel, I will search and take them from there; and though they are hidden from my sight in the bottom of the sea, there will I command the serpent, and it shall bite them:4 And though they go into captivity before their enemies, there will I command the sword, and it shall slay them: and I will set my eyes upon them for harm, and not for good.5 And the Lord GOD of hosts is he that touches the land, and it shall melt, and all that dwell in it shall mourn: and it shall rise up wholly like the river; and shall be drowned, as by the river of Egypt.6 It is he that builds his chambers in the heavens, and has founded his vault upon the earth; he that calls for the waters of the sea, and pours them out upon the face of the earth: The LORD is his name.7 Are you not as children of the Ethiopians unto me, O children of Israel? says the LORD. Have not I brought up Israel out of the land of Egypt? and the Philistines from Caphtor, and the Syrians from Kir?8 Behold, the eyes of the Lord GOD are upon the sinful kingdom, and I will destroy it from off the face of the earth; except that I will not utterly destroy the house of Jacob, says the LORD.9 For, lo, I will command, and I will sift the house of Israel among all nations, like grain is sifted in a sieve, yet shall not the least grain fall upon the earth.10 All the sinners of my people shall die by the sword, who say, The calamity shall not overtake nor meet us.11 In that day will I raise up the tabernacle of David that is fallen, and close up its breaches; and I will raise up its ruins, and I will rebuild it as in the days of old:12 That they may possess the remnant of Edom, and of all the nations, who are called by my name, says the LORD that does this.13 Behold, the days come, says the LORD, that the plowman shall overtake the reaper, and the treader of grapes him that sows seed; and the mountains shall drop sweet wine, and all the hills shall flow with it.14 And I will bring again the captivity of my people of Israel, and they shall rebuild the waste cities, and inhabit them; and they shall plant vineyards, and drink their wine; they shall also make gardens, and eat the fruit of them.15 And I will plant them upon their land, and they shall no more be pulled up out of their land which I have given them, says the LORD your God.