Publicidade

Amós 7

1 Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, siya'y lumikha ng mga balang sa pasimula ng huling pagsibol ng suwi; at, narito, na siyang huling suwi pagkatapos ng mga gapas para sa hari. 2 At nangyari, na nang kanilang matapos makain ang pananim sa lupain, akin ngang sinabi, Oh Panginoong Dios, isinasamo ko sa iyo, na magpatawad ka: paanong tatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit. 3 Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito, Hindi mangyayari, sabi ng Panginoon. 4 Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, ang Panginoong Dios ay tumawag, upang humatol sa pamamagitan ng apoy; at sinupok ang malaking kalaliman, at susupukin sana ang lupain. 5 Nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoong Dios, itigil mo, isinasamo ko sa iyo: paanong makatatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit. 6 Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito: Ito'y hindi rin mangyayari, sabi ng Panginoong Dios. 7 Ganito siya nagpakita sa akin: at, narito, ang Panginoon ay nakatayo sa tabi ng isang kuta na ang pagkayari ay ayon sa pabatong tingga, na may pabatong tingga sa kaniyang kamay. 8 At sinabi ng Panginoon sa akin, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang pabatong tingga. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon, Narito, ako'y maglalagay ng pabatong tingga sa gitna ng aking bayang Israel; hindi na ako magdadaan pa sa kanila; 9 At ang mga mataas na dako ng Isaac ay magiging sira, at ang mga santuario ng Israel ay mangahahandusay na wasak; at ako'y babangon na may tabak laban sa sangbahayan ni Jeroboam. 10 Nang magkagayo'y nagsugo si Amasias na saserdote sa Beth-el kay Jeroboam na hari sa Israel, na nagsasabi, Si Amos ay nagbanta laban sa iyo sa gitna ng sangbahayan ni Israel: hindi mababata ng lupain ang lahat niyang mga salita. 11 Sapagka't ganito ang sabi ni Amos, Si Jeroboam ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain. 12 Sinabi rin ni Amasias kay Amos, Oh ikaw na tagakita, yumaon ka, at tumakas ka sa lupain ng Juda, at doo'y kumain ka ng tinapay, at manghula ka roon: 13 Nguni't huwag ka nang manghula pa sa Beth-el: sapagka't siyang santuario ng hari, at siyang bahay-hari. 14 Nang magkagayo'y sumagot si Amos, at nagsabi kay Amasias, Ako'y hindi propeta, o anak man ng propeta; kundi ako'y pastor, at manggagawa sa mga puno ng sikomoro: 15 At kinuha ako ng Panginoon mula sa pagsunod sa kawan, at sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, manghula ka sa aking bayang Israel. 16 Kaya't ngayo'y dinggin mo ang salita ng Panginoon, Iyong sinasabi, Huwag kang manghula laban sa Israel, at huwag mong ihulog ang iyong salita laban sa sangbahayan ni Isaac: 17 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong asawa ay magiging patutot sa bayan, at ang iyong mga anak na lalake at babae ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong lupain ay mababahagi sa pamamagitan ng pising panukat; at ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain.

1 Thus has the Lord GOD showed unto me; and, behold, he formed locusts in the beginning of the shooting up of the latter growth; and, lo, it was the latter growth after the king's mowings.2 And it came to pass, that when they had finished eating the grass of the land, then I said, O Lord GOD, forgive, I beseech you: by whom shall Jacob arise? for he is small.3 The LORD relented concerning this: It shall not be, says the LORD.4 Thus has the Lord GOD showed unto me: and, behold, the Lord GOD called for judgment by fire, and it devoured the great deep, and did eat up a part of the land.5 Then said I, O Lord GOD, cease, I beseech you: by whom shall Jacob arise? for he is small.6 The LORD relented concerning this: This also shall not be, says the Lord GOD.7 Thus he showed me: and, behold, the Lord stood upon a wall made by a plumbline, with a plumbline in his hand.8 And the LORD said unto me, Amos, what see you? And I said, A plumbline. Then said the Lord, Behold, I will set a plumbline in the midst of my people Israel: I will not again pass by them anymore:9 And the high places of Isaac shall be desolate, and the sanctuaries of Israel shall be laid waste; and I will rise against the house of Jeroboam with the sword.10 Then Amaziah the priest of Bethel sent to Jeroboam king of Israel, saying, Amos has conspired against you in the midst of the house of Israel: the land is not able to bear all his words.11 For thus Amos says, Jeroboam shall die by the sword, and Israel shall surely be led away captive out of their own land.12 Also Amaziah said unto Amos, O you seer, go, flee away into the land of Judah, and there eat bread, and prophesy there:13 But prophesy not again any more at Bethel: for it is the king's sanctuary, and it is the king's house.14 Then answered Amos, and said to Amaziah, I was no prophet, neither was I a prophet's son; but I was a herdsman, and a gatherer of sycamore fruit:15 And the LORD took me as I followed the flock, and the LORD said unto me, Go, prophesy unto my people Israel.16 Now therefore hear you the word of the LORD: you say, Prophesy not against Israel, and drop not your word against the house of Isaac.17 Therefore thus says the LORD; Your wife shall be a harlot in the city, and your sons and your daughters shall fall by the sword, and your land shall be divided by a survey line; and you shall die in a defiled land: and Israel shall surely go forth into captivity from his land.

Veja também

Publicidade
Amós
Ver todos os capítulos de Amós
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-