1 Nang magkagayo'y nagsilapit kay Jesus na mula sa Jerusalem ang mga Fariseo at ang mga eskriba, na nagsisipagsabi, 2 Bakit ang iyong mga alagad ay nagsisilabag sa sali't-saling sabi ng matatanda? sapagka't hindi sila nangaghuhugas ng kanilang mga kamay pagka nagsisikain sila ng tinapay. 3 At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayo'y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi? 4 Sapagka't sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala. 5 Datapuwa't sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios: 6 Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi. 7 Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi, 8 Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin. 9 Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao. 10 At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sa kanila'y sinabi, Pakinggan ninyo, at unawain. 11 Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao. 12 Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga alagad, at sa kaniya'y sinabi, Nalalaman mo bagang nangagdamdam ang mga Fariseo, pagkarinig nila ng pananalitang ito? 13 Datapuwa't sumagot siya at sinabi, Ang bawa't halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa kalangitan, ay bubunutin. 14 Pabayaan ninyo sila: sila'y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay. 15 At sumagot si Pedro, at sinabi sa kaniya, Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga. 16 At sinabi niya, Kayo baga nama'y wala pa ring pagiisip? 17 Hindi pa baga ninyo nalalaman, na ang anomang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daanan ng dumi? 18 Datapuwa't ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao. 19 Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong: 20 Ito ang mga bagay na nangakakahawa sa tao; datapuwa't ang kumaing hindi maghugas ng mga kamay ay hindi makakahawa sa tao. 21 At umalis doon si Jesus, at lumigpit sa mga sakop ng Tiro at Sidon. 22 At narito, ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon, at nagsisigaw, na nagsasabi, Kahabagan mo ako, Oh Panginoon, ikaw na Anak ni David; ang aking anak na babae ay pinahihirapang lubha ng isang demonio. 23 Datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anomang salita sa kaniya. At nilapitan siya ng kaniyang mga alagad at siya'y pinamanhikan, na nangagsasabi, Paalisin mo siya; sapagka't nagsisisigaw siya sa ating hulihan. 24 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel. 25 Datapuwa't lumapit siya at siya'y sinamba niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo ako. 26 At siya'y sumagot at sinabi, Hindi marapat na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon sa mga aso. 27 Datapuwa't sinabi niya, Oo, Panginoon: sapagka't ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon. 28 Nang magkagayo'y sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Oh babae, malaki ang pananampalataya mo: mangyari sa iyo ayon sa ibig mo. At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon. 29 At umalis si Jesus doon, at naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea; at umahon sa bundok, at naupo doon. 30 At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila'y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at sila'y pinagaling niya: 31 Ano pa't nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel. 32 At pinalapit ni Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain: at di ko ibig na sila'y paalising nangagaayuno, baka sila'y manganglupaypay sa daan. 33 At sa kaniya'y sinabi ng mga alagad, Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao? 34 At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda. 35 At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa; 36 At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; at siya'y nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan. 37 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno. 38 At silang nagsikain ay apat na libong lalake, bukod ang mga babae at mga bata. 39 At pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong, at napasa mga hangganan ng Magdala.
1 Then came to Jesus scribes and Pharisees, who were from Jerusalem, saying,2 Why do your disciples transgress the tradition of the elders? for they wash not their hands when they eat bread.3 But he answered and said unto them, Why do you also transgress the commandment of God by your tradition?4 For God commanded, saying, Honor your father and mother: and, He that curses father or mother, let him die the death.5 But you say, Whosoever shall say to his father or his mother, It is a gift devoted to God, whatsoever you might have received from me;6 And honors not his father or his mother, he shall be free. Thus have you made the commandment of God void by your tradition.7 You hypocrites, well did Isaiah prophesy of you, saying,8 These people draw near unto me with their mouth, and honor me with their lips; but their heart is far from me.9 But in vain they do worship me, teaching for doctrines the commandments of men.10 And he called the multitude, and said unto them, Hear, and understand:11 Not that which goes into the mouth defiles a man; but that whichcomes out of the mouth, this defiles a man.12 Then came his disciples, and said unto him, Know you that the Pharisees were offended, after they heard this saying?13 But he answered and said, Every plant, which my heavenly Father has not planted, shall be rooted up.14 Let them alone: they are blind leaders of the blind. And if the blind lead the blind, both shall fall into the ditch.15 Then answered Peter and said unto him, Declare unto us this parable.16 And Jesus said, Are you also yet without understanding?17 Do you not yet understand, that whatsoever enters in at the mouth goes into the belly, and is cast out into the drain?18 But those things which proceed out of the mouth come forth from the heart; and they defile the man.19 For out of the heart proceed evil thoughts, murders, adulteries, fornications, thefts, false witness, blasphemies:20 These are the things which defile a man: but to eat with unwashed hands defiles not a man.21 Then Jesus went from there, and departed into the regions of Tyre and Sidon.22 And, behold, a woman of Canaan came out of the same regions, and cried unto him, saying, Have mercy on me, O Lord, you son of David; my daughter is grievously vexed with a demon.23 But he answered her not a word. And his disciples came and besought him, saying, Send her away; for she cries after us.24 But he answered and said, I am not sent but unto the lost sheep of the house of Israel.25 Then came she and worshiped him, saying, Lord, help me.26 But he answered and said, It is not right to take the children's bread, and cast it to dogs.27 And she said, True, Lord: yet the dogs eat of the crumbs which fall from their masters' table.28 Then Jesus answered and said unto her, O woman, great is your faith: be it unto you even as you will. And her daughter was made whole from that very hour.29 And Jesus departed from there, and came near unto the sea of Galilee; and went up into a mountain, and sat down there.30 And great multitudes came unto him, having with them those that were lame, blind, dumb, maimed, and many others, and put them down at Jesus' feet; and he healed them:31 So that the multitude wondered, when they saw the dumb to speak, the maimed to be whole, the lame to walk, and the blind to see: and they glorified the God of Israel.32 Then Jesus called his disciples unto him, and said, I have compassion on the multitude, because they continue with me now three days, and have nothing to eat: and I will not send them away without food, lest they faint in the way.33 And his disciples said unto him, From where should we have so much bread in the wilderness, as to fill so great a multitude?34 And Jesus said unto them, How many loaves have you? And they said, Seven, and a few little fishes.35 And he commanded the multitude to sit down on the ground.36 And he took the seven loaves and the fishes, and gave thanks, and broke them, and gave to his disciples, and the disciples to the multitude.37 And they did all eat, and were filled: and they took up of the broken pieces that were left seven baskets full.38 And they that did eat were four thousand men, besides women and children.39 And he sent away the multitude, and embarked in the ship, and came into the region of Magdala.