1 At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, 2 Nalalaman ninyo na pagkaraan ng dalawang araw ay darating ang paskua, at ibibigay ang Anak ng tao upang ipako sa krus. 3 Nang magkagayo'y ang mga pangulong saserdote, at ang mga matanda sa bayan ay nangagkatipon sa looban ng dakilang saserdote, na tinatawag na Caifas; 4 At sila'y nangagsanggunian upang hulihin si Jesus sa pamamagitan ng daya, at siya'y patayin. 5 Datapuwa't sinabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo sa bayan. 6 Nang nasa Betania nga si Jesus sa bahay ni Simon na ketongin, 7 Ay lumapit sa kaniya ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro ng unguento na lubhang mahalaga, at ibinuhos sa kaniyang ulo, samantalang siya'y nakaupo sa pagkain. 8 Datapuwa't nang makita ito ng mga alagad, ay nangagalit sila, na nangagsasabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito? 9 Sapagka't ito'y maipagbibili sa malaking halaga, at maibibigay sa mga dukha. 10 Datapuwa't nang mahalata ito ni Jesus ay sinabi sa kanila, Bakit ninyo binabagabag ang babae? sapagka't gumawa siya sa akin ng mabuting gawa. 11 Sapagka't laging nangasa inyo ang mga dukha; datapuwa't ako'y hindi laging nasa inyo. 12 Sapagka't sa pagbubuhos niya nitong unguento sa aking katawan, ay ginawa niya ito upang ihanda ako sa paglilibing. 13 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Saan man ipangaral ang evangeliong ito sa buong sanglibutan, ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya. 14 Nang magkagayo'y isa sa labingdalawa, na tinatawag na Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, 15 At sinabi, Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siya'y ibibigay ko sa inyo? At siya'y tinimbangan nila ng tatlongpung putol na pilak. 16 At buhat nang panahong yao'y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya. 17 Nang unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua? 18 At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi ng Guro, malapit na ang aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad. 19 At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua. 20 Nang dumating nga ang gabi, ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad; 21 At samantalang sila'y nagsisikain, ay sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo. 22 At sila'y lubhang nangamanglaw, at nagpasimula ang bawa't isa na magsabi sa kaniya, Ako baga, Panginoon? 23 At siya'y sumagot at sinabi, Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin. 24 Ang Anak ng tao ay papanaw, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak. 25 At si Judas, na sa kaniya'y nagkanulo, ay sumagot at nagsabi, Ako baga, Rabi? Sinabi niya sa kaniya, Ikaw ang nagsabi. 26 At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan. 27 At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; 28 Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. 29 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo sa kaharian ng aking Ama. 30 At pagkaawit nila ng isang himno, ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo. 31 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan. 32 Datapuwa't pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea. 33 Datapuwa't sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Kung ang lahat ay mangagdaramdam sa iyo, ako kailan ma'y hindi magdaramdam. 34 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na sa gabing ito, bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo. 35 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Kahima't ako'y mamatay na kasama mo, ay hindi kita ikakaila. Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad. 36 Nang magkagayo'y dumating si Jesus na kasama sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin. 37 At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo. 38 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin. 39 At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo. 40 At lumapit siya sa mga alagad, at sila'y kaniyang naratnang nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Ano, hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras? 41 Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman. 42 Muli siyang umalis na bilang ikalawa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung di mangyayaring makalampas ito, kundi ko inumin, mangyari nawa ang iyong kalooban. 43 At siya'y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog, sapagka't nangabibigatan ang kanilang mga mata. 44 At muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo, na sinabing muli ang gayon ding mga salita. 45 Nang magkagayo'y lumapit siya sa mga alagad, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: narito, malapit na ang oras, at ang Anak ng tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan. 46 Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin. 47 At samantalang nagsasalita pa siya, narito, dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas, mula sa mga pangulong saserdote at sa matatanda sa bayan. 48 Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga: hulihin ninyo siya. 49 At pagdaka'y lumapit siya kay Jesus, at nagsabi, Magalak, Rabi; at siya'y hinagkan. 50 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Gawin mo ang dahil ng pagparito mo. Nang magkagayon ay nagsilapit sila at kanilang sinunggaban si Jesus, at siya'y kanilang dinakip. 51 At narito, ang isa sa mga kasama ni Jesus ay iniunat ang kaniyang kamay at binunot ang kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang tainga. 52 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan: sapagka't ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay. 53 O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel? 54 Kung gayo'y paano bagang mangatutupad ang mga kasulatan, na ganyan ang nauukol na mangyari? 55 Sa oras na yaon ay sinabi ni Jesus sa mga karamihan, Kayo baga'y nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako? Araw-araw ay nauupo ako sa templo na nagtuturo, at hindi ninyo ako dinakip. 56 Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas. 57 At si Jesus ay dinala ng nagsihuli sa kaniya sa dakilang saserdoteng si Caifas, na doo'y nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda. 58 Datapuwa't si Pedro'y sumunod sa kaniya sa malayo, hanggang sa looban ng dakilang saserdote, at siya'y pumasok, at nakiumpok sa mga punong kawal, upang makita niya ang wakas. 59 Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoong kabulaanan laban kay Jesus, upang siya'y kanilang maipapatay; 60 At yao'y hindi nila nangasumpungan, bagaman maraming nagsiharap na mga saksing bulaan. Nguni't pagkatapos ay nagsidating ang dalawa, 61 At nangagsabi, Sinabi ng taong ito, Maigigiba ko ang templo ng Dios, at muling itatayo ko sa tatlong araw. 62 At nagtindig ang dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Wala kang isinasagot na anoman? Ano itong sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo? 63 Datapuwa't hindi umimik si Jesus. At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya, Kita'y pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, ang Anak ng Dios. 64 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit. 65 Nang magkagayo'y hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, na sinasabi, Nagsalita siya ng kapusungan: ano pa ang kailangan natin ng mga saksi? narito, ngayo'y narinig ninyo ang kapusungan: 66 Ano ang akala ninyo? Nagsisagot sila at kanilang sinabi, Karapatdapat siya sa kamatayan. 67 Nang magkagayo'y niluraan nila ang kaniyang mukha at siya'y kanilang pinagsusuntok: at tinatampal siya ng mga iba, 68 Na nangagsasabi, Hulaan mo sa amin, ikaw Cristo: sino ang sa iyo'y bumubugbog? 69 Nakaupo nga si Pedro sa labas ng looban: at lumapit sa kaniya ang isang alilang babae, na nagsasabi, Ikaw man ay kasama ng taga Galileang si Jesus. 70 Datapuwa't siya'y kumaila sa harap nilang lahat, na sinasabi, Hindi ko nalalaman ang sinasabi mo. 71 At paglabas niya sa portiko ay nakita siya ng ibang alila, at sinabi sa nangaroon, Ang taong ito ay kasama rin ni Jesus na taga Nazaret. 72 At muling kumailang may sumpa, Hindi ko nakikilala ang tao. 73 At pagkaraan ng sandali ay nagsilapit ang nangakatayo roon at kanilang sinabi kay Pedro, Sa katotohanang ikaw man ay isa rin sa kanila; sapagka't ipinakikilala ka ng iyong pananalita. 74 Nang magkagayo'y nagpasimula siyang manungayaw at manumpa, Hindi ko nakikilala ang tao. At pagdaka'y tumilaok ang manok. 75 At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus, Bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo. At siya'y lumabas at nanangis na mainam.
1 And it came to pass, when Jesus had finished all these sayings, he said unto his disciples,2 You know that after two days is the feast of the passover, and the Son of man is betrayed to be crucified.3 Then assembled together the chief priests, and the scribes, and the elders of the people, unto the palace of the high priest, who was called Caiaphas,4 And consulted that they might take Jesus by subtlety, and kill him.5 But they said, Not on the feast day, lest there be an uproar among the people.6 Now when Jesus was in Bethany, in the house of Simon the leper,7 There came unto him a woman having an alabaster flask of very precious ointment, and poured it on his head, as he sat to eat.8 But when his disciples saw it, they had indignation, saying, To what purpose is this waste?9 For this ointment might have been sold for much, and given to the poor.10 When Jesus knew it, he said unto them, Why trouble you the woman? for she has worked a good work unto me.11 For you have the poor always with you; but me you have not always.12 For in that she has poured this ointment on my body, she did it for my burial.13 Verily I say unto you, Wherever this gospel shall be preached in the whole world, there shall also this, which this woman has done, be told for a memorial of her.14 Then one of the twelve, called Judas Iscariot, went unto the chief priests,15 And said unto them, What will you give me, and I will deliver him unto you? And they covenanted with him for thirty pieces of silver.16 And from that time he sought opportunity to betray him.17 Now the first day of the feast of unleavened bread the disciples came to Jesus, saying unto him, Where will you that we prepare for you to eat the passover?18 And he said, Go into the city to such a man, and say unto him, The Teacher says, My time is at hand; I will keep the passover at your house with my disciples.19 And the disciples did as Jesus had appointed them; and they made ready the passover.20 Now when the evening was come, he sat down with the twelve.21 And as they did eat, he said, Verily I say unto you, that one of you shall betray me.22 And they were exceedingly sorrowful, and began every one of them to say unto him, Lord, is it I?23 And he answered and said, He that dips his hand with me in the dish, the same shall betray me.24 The Son of man goes as it is written of him: but woe unto that man by whom the Son of man is betrayed! It would have been good for that man if he had not been born.25 Then Judas, who betrayed him, answered and said, Teacher, is it I? He said unto him, You have said.26 And as they were eating, Jesus took bread, and blessed it, and broke it, and gave it to the disciples, and said, Take, eat; this is my body.27 And he took the cup, and gave thanks, and gave it to them, saying, Drink you all of it;28 For this is my blood of the new covenant, which is shed for many for the remission of sins.29 But I say unto you, I will not drink again of this fruit of the vine, until that day when I drink it new with you in my Father's kingdom.30 And when they had sung a hymn, they went out into the mount of Olives.31 Then said Jesus unto them, All you shall be offended because of me this night: for it is written, I will smite the shepherd, and the sheep of the flock shall be scattered abroad.32 But after I am risen again, I will go before you into Galilee.33 Peter answered and said unto him, Though all men shall be offended because of you, yet will I never be offended.34 Jesus said unto him, Verily I say unto you, That this night, before the cock crows, you shall deny me three times.35 Peter said unto him, Though I should die with you, yet will I not deny you. Likewise also said all the disciples.36 Then came Jesus with them unto a place called Gethsemane, and said unto the disciples, Sit you here, while I go and pray yonder.37 And he took with him Peter and the two sons of Zebedee, and began to be sorrowful and very distressed.38 Then said he unto them, My soul is exceedingly sorrowful, even unto death: tarry you here, and watch with me.39 And he went a little farther, and fell on his face, and prayed, saying, O my Father, if it be possible, let this cup pass from me: nevertheless not as I will, but as you will.40 And he came unto the disciples, and found them asleep, and said unto Peter, What, could you not watch with me one hour?41 Watch and pray, that you enter not into temptation: the spirit indeed is willing, but the flesh is weak.42 He went away again the second time, and prayed, saying, O my Father, if this cup may not pass away from me, except I drink it, your will be done.43 And he came and found them asleep again: for their eyes were heavy.44 And he left them, and went away again, and prayed the third time, saying the same words.45 Then came he to his disciples, and said unto them, Sleep on now, and take your rest: behold, the hour is at hand, and the Son of man is betrayed into the hands of sinners.46 Rise, let us be going: behold, he is at hand that does betray me.47 And while he yet spoke, lo, Judas, one of the twelve, came, and with him a great multitude with swords and clubs, from the chief priests and elders of the people.48 Now he that betrayed him gave them a sign, saying, Whomsoever I shall kiss, that same is he: hold him fast.49 And immediately he came to Jesus, and said, Hail, Teacher; and kissed him.50 And Jesus said unto him, Friend, why are you come? Then came they, and laid hands on Jesus, and took him.51 And, behold, one of them who was with Jesus stretched out his hand, and drew his sword, and struck a servant of the high priest, and cut off his ear.52 Then said Jesus unto him, Put up again your sword into its place: for all they that take the sword shall perish with the sword.53 Think you that I cannot now pray to my Father, and he shall presently give me more than twelve legions of angels?54 But how then shall the scriptures be fulfilled, that thus it must be?55 In that same hour said Jesus to the multitudes, Are you come out as against a thief with swords and clubs to take me? I sat daily with you teaching in the temple, and you laid no hold on me.56 But all this was done, that the scriptures of the prophets might be fulfilled. Then all the disciples forsook him, and fled.57 And they that had laid hold on Jesus led him away to Caiaphas the high priest, where the scribes and the elders were assembled.58 But Peter followed him afar off unto the high priest's palace, and went in, and sat with the servants, to see the end.59 Now the chief priests, and elders, and all the council, sought false witness against Jesus, to put him to death;60 But found none: yea, though many false witnesses came, yet found they none. At the last came two false witnesses,61 And said, This fellow said, I am able to destroy the temple of God, and to build it in three days.62 And the high priest arose, and said unto him, Answer you nothing? what is it which these witness against you?63 But Jesus held his peace. And the high priest answered and said unto him, I adjure you by the living God, that you tell us whether you be the Christ, the Son of God.64 Jesus said unto him, You have said so: nevertheless I say unto you, Hereafter shall you see the Son of man sitting on the right hand of power, and coming in the clouds of heaven.65 Then the high priest tore his clothes, saying, He has spoken blasphemy; what further need have we of witnesses? behold, now you have heard his blasphemy.66 What think you? They answered and said, He is guilty of death.67 Then did they spit in his face, and buffeted him; and others struck him with the palms of their hands,68 Saying, Prophesy unto us, you Christ, Who is he that struck you?69 Now Peter sat outside in the courtyard: and a maidservant came unto him, saying, You also were with Jesus of Galilee.70 But he denied it before them all, saying, I know not what you say.71 And when he was gone out into the porch, another maidservant saw him, and said unto them that were there, This fellow was also with Jesus of Nazareth.72 And again he denied it with an oath, I do not know the man.73 And after awhile came unto him they that stood by, and said to Peter, Surely you also are one of them; for your speech betrays you.74 Then began he to curse and to swear, saying, I know not the man. And immediately the cock crowed.75 And Peter remembered the words of Jesus, who said unto him, Before the cock crows, you shall deny me three times. And he went out, and wept bitterly.