1 Nang magkagayo'y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad, 2 Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises. 3 Lahat nga ng mga bagay na sa inyo'y kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa't huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka't kanilang sinasabi, at hindi ginagawa. 4 Oo, sila'y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao; datapuwa't ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri. 5 Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao: sapagka't nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit, 6 At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga, 7 At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang sila'y tawagin ng mga tao, Rabi. 8 Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong guro, at kayong lahat ay magkakapatid. 9 At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit. 10 Ni huwag kayong patawag na mga panginoon; sapagka't iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid baga'y ang Cristo. 11 Datapuwa't ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo. 12 At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas. 13 Datapuwa't sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. 14 Sa aba ninyo, mga eskriba't mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka't sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kaya't magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa. 15 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili. 16 Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag, na inyong sinasabi, Kung ipanumpa ninoman ang templo, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo, ay nagkakautang nga siya. 17 Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang ginto, o ang templong bumabanal sa ginto? 18 At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya. 19 Kayong mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang handog, o ang dambana na bumabanal sa handog? 20 Kaya't ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito. 21 At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at yaong tumatahan sa loob nito. 22 Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios, at yaong nakaluklok doon. 23 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba. 24 Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo! 25 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! sapagka't inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa't sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan. 26 Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas. 27 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. 28 Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa't sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan. 29 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, 30 At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi'y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta. 31 Kaya't kayo'y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo'y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta. 32 Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang. 33 Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? 34 Kaya't, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila'y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila'y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila'y inyong paguusigin sa bayan-bayan: 35 Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana. 36 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito. 37 Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo! 38 Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak. 39 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.
1 Then spoke Jesus to the multitude, and to his disciples,2 Saying, The scribes and the Pharisees sit in Moses' seat:3 All therefore whatsoever they bid you observe, that observe and do; but do not according to their works: for they say, and do not.4 For they bind heavy burdens and grievous to be borne, and lay them on men's shoulders; but they themselves will not move them with one of their fingers.5 But all their works they do to be seen of men: they make broad their phylacteries, and enlarge the borders of their garments,6 And love the uppermost places at feasts, and the chief seats in the synagogues,7 And greetings in the markets, and to be called of men, Rabbi, Rabbi.8 But you be not called Rabbi: for one is your Teacher, even Christ; and all you are brothers.9 And call no man your father upon the earth: for one is your Father, who is in heaven.10 Neither be you called masters: for one is your Teacher, even Christ.11 But he that is greatest among you shall be your servant.12 And whosoever shall exalt himself shall be abased; and he that shall humble himself shall be exalted.13 But woe unto you, scribes and Pharisees, hypocrites! for you shut up the kingdom of heaven against men: for you neither go in yourselves, neither allow you them that are entering to go in.14 Woe unto you, scribes and Pharisees, hypocrites! for you devour widows' houses, and for a pretense make long prayer: therefore you shall receive the greater condemnation.15 Woe unto you, scribes and Pharisees, hypocrites! for you travel on sea and land to make one proselyte, and when he is made, you make him twofold more the child of hell than yourselves.16 Woe unto you, you blind guides, who say, Whosoever shall swear by the temple, it is nothing; but whosoever shall swear by the gold of the temple, he is bound!17 You fools and blind: for which is greater, the gold, or the temple that sanctifies the gold?18 And, Whosoever shall swear by the altar, it is nothing; but whosoever swears by the gift that is upon it, he is bound.19 You fools and blind: for which is greater, the gift, or the altar that sanctifies the gift?20 Whoever therefore shall swear by the altar, swears by it, and by all things thereon.21 And whoever shall swear by the temple, swears by it, and by him who dwells therein.22 And he that shall swear by heaven, swears by the throne of God, and by him who sits thereon.23 Woe unto you, scribes and Pharisees, hypocrites! for you pay tithe of mint and anise and cummin, and have omitted the weightier matters of the law, justice, mercy, and faith: these ought you to have done, and not to leave the other undone.24 You blind guides, who strain out a gnat, and swallow a camel.25 Woe unto you, scribes and Pharisees, hypocrites! for you make clean the outside of the cup and of the platter, but within they are full of extortion and excess.26 You blind Pharisee, cleanse first that which is within the cup and platter, that the outside of them may be clean also.27 Woe unto you, scribes and Pharisees, hypocrites! for you are like unto whitewashed sepulchers, which indeed appear beautiful outwardly but are within full of dead men's bones, and of all uncleanness.28 Even so you also outwardly appear righteous unto men, but within you are full of hypocrisy and iniquity.29 Woe unto you, scribes and Pharisees, hypocrites! because you build the tombs of the prophets, and adorn the sepulchers of the righteous,30 And say, If we had been in the days of our fathers, we would not have been partakers with them in the blood of the prophets.31 Therefore you are witnesses unto yourselves, that you are the children of them who killed the prophets.32 Fill you up then the measure of your fathers.33 You serpents, you generation of vipers, how can you escape the judgment of hell?34 Therefore, behold, I send unto you prophets, and wise men, and scribes: and some of them you shall kill and crucify; and some of them shall you scourge in your synagogues, and persecute them from city to city:35 That upon you may come all the righteous blood shed upon the earth, from the blood of righteous Abel unto the blood of Zachariah son of Barachiah, whom you slew between the temple and the altar.36 Verily I say unto you, All these things shall come upon this generation.37 O Jerusalem, Jerusalem, you that kill the prophets, and stone them which are sent unto you, how often would I have gathered your children together, even as a hen gathers her chickens under her wings, and you would not!38 Behold, your house is left unto you desolate.39 For I say unto you, you shall not see me again, till you shall say, Blessed is he who comes in the name of the Lord.