1 At nangyari, sa katapusan ng dalawang taong ganap, na si Faraon ay nanaginip: at, narito, na siya'y nakatayo sa tabi ng ilog. 2 At, narito may nagsiahon sa ilog na pitong bakang magagandang anyo at matatabang laman; at nanginain sa talahiban. 3 At, narito, na ibang pitong baka, na nagsiahon sa ilog na nasa likuran nila, mga pangit na anyo, at payat; at nagsihinto roon sa tabi ng mga unang baka, sa tabi ng ilog. 4 At ang pitong bakang magagandang anyo at matataba, ay nilamon ng mga bakang pangit ang anyo at payat. Sa gayo'y nagising si Faraon. 5 At siya'y natulog at nanaginip na bilang ikalawa; at, narito may sumupling na pitong uhay na mabibintog at mabubuti, na may isa lamang tangkay. 6 At, narito, may pitong uhay na payat at tinutuyo ng hanging silanganan, na nagsitubong kasunod ng mga yaon. 7 At nilamon ng mga uhay na payat ang pitong uhay na mabibintog at malulusog. At nagising si Faraon, at, narito, isang panaginip. 8 At nangyari, sa kinaumagahan, na ang kaniyang diwa ay nagulumihanan at siya'y nagsugo at kaniyang ipinatawag ang lahat ng mago sa Egipto, at ang lahat ng pantas doon: at isinaysay ni Faraon sa kanila ang kaniyang panaginip: datapuwa't walang makapagpaliwanag kay Faraon. 9 Nang magkagayo'y nagsalita ang puno ng mga katiwala kay Faraon, na sinasabi, Naaalaala ko sa araw na ito ang aking mga sala: 10 Nguni't si Faraon laban sa kaniyang mga alila, at ibinilanggo ako sa bahay ng kapitan ng bantay, ako at ang puno ng mga magtitinapay. 11 At nanaginip kami ng panaginip sa isang gabi, ako at siya: kami ay kapuwa nanaginip ayon sa kapaliwanagan ng panaginip ng isa't isa sa amin. 12 At nandoong kasama namin ang isang binata, isang Hebreo, na alipin ng kapitan ng bantay; at siya naming pinagsaysayan, at kaniyang ipinaliwanag sa amin ang aming panaginip; ipinaliwanag niya ayon sa panaginip ng bawat isa sa amin. 13 At nangyari, na kung paano ang kaniyang pagkapaliwanag sa amin, ay nagkagayon; ako'y pinabalik sa aking katungkulan, at ipinabitin ang isa. 14 Nang magkagayo'y nagsugo si Faraon at ipinatawag si Jose, at siya'y inilabas na madalian sa bilangguan: siya'y nagahit at nagbihis ng suot, at naparoon kay Faraon. 15 At sinabi ni Faraon kay Jose, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at walang makapagpaliwanag: at nabalitaan kita, na pagkarinig mo ng isang panaginip ay naipaliwanag mo. 16 At sumagot si Jose kay Faraon, na sinasabi, Wala sa akin; Dios ang magbibigay ng sagot sa kapayapaan kay Faraon. 17 At sinalita ni Faraon kay Jose, Sa aking panaginip ay narito, nakatayo ako sa tabi ng ilog: 18 At, narito, may nagsiahon sa ilog na pitong bakang matatabang laman at magagandang anyo, at nanginain sa talahiban: 19 At, narito, may ibang pitong baka na nagsiahon sa likuran nila, mga payat, at napakapangit ang anyo, at payat na kailan ma'y hindi ako nakakita sa buong lupain ng Egipto ng ibang kawangis ng mga yaon sa kapangitan. 20 At kinain ng mga bakang payat at pangit, ang pitong nauunang bakang matataba: 21 At nang kanilang makain, ay hindi man lamang maalaman na sila'y kanilang nakain; kundi ang kanilang anyo ay pangit ding gaya ng una. Sa gayo'y nagising ako. 22 At nakakita ako sa aking panaginip, at, narito, pitong uhay ay tumataas sa isang tangkay, mapipintog at mabubuti. 23 At, narito, may pitong uhay na lanta, mga pipi at tinutuyo ng hanging silanganan na nagsitaas na kasunod ng mga yaon: 24 At nilamon ng mga uhay na lanta ang pitong uhay na mabubuti: at aking isinaysay sa mga mago: datapuwa't walang makapagpahayag niyaon sa akin. 25 At sinabi ni Jose kay Faraon, Ang panaginip ni Faraon ay iisa; ang gagawin ng Dios ay ipinahayag kay Faraon: 26 Ang pitong bakang mabubuti ay pitong taon; at ang pitong uhay na mabubuti ay pitong taon; ang panaginip ay iisa. 27 At ang pitong bakang payat at mga pangit, na nagsiahong kasunod ng mga yaon ay pitong taon, at gayon din ang pitong uhay na tuyo, na pinapaspas ng hanging silanganan; kapuwa magiging pitong taong kagutom. 28 Iyan ang bagay na sinalita ko kay Faraon: ang gagawin ng Dios, ipinaalam kay Faraon. 29 Narito, dumarating ang pitong taong may malaking kasaganaan sa buong lupain ng Egipto; 30 At may dadating, pagkatapos ng mga iyan, na pitong taong kagutom; at malilimutan iyang buong kasaganaan sa lupain ng Egipto; at pupuksain ng kagutom ang lupain; 31 At ang kasaganaan ay hindi malalaman sa lupain, dahil sa kagutom na sumusunod; sapagka't magiging napakahigpit. 32 At kaya't pinagibayo ang panaginip kay Faraon na makalawa, ay sapagka't bagay na itinatag ng Dios, at papangyayarihing madali ng Dios. 33 Ngayon nga'y humanap si Faraon ng isang taong matalino at pantas, at ilagay sa lupain ng Egipto. 34 Gawing ganito ni Faraon, at maglagay ng mga tagapamahala sa lupain, na paglimahing bahagi ang lupain ng Egipto sa loob ng pitong taon ng kasaganaan. 35 At kanilang tipunin ang lahat ng pagkain nitong mabubuting taon na dumarating, at magkamalig ng trigo sa kapangyarihan ng kamay ni Faraon, na pinakapagkain sa mga bayan at ingatan. 36 At ang pagkain ay kamaligin na itaan sa lupain sa pitong taong kagutom na mangyayari sa lupain ng Egipto; upang huwag mapuksa ang lupain sa kagutom. 37 At ang bagay ay minabuti ng mga mata ni Faraon, at ng mga mata ng kaniyang mga lingkod. 38 At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga lingkod, Makakasumpong kaya tayo ng isang gaya nito, na taong kinakasihan ng espiritu ng Dios? 39 At sinabi ni Faraon kay Jose, Yamang ipinabatid sa iyo ng Dios: ang lahat ng ito, ay walang matalino o pantas na gaya mo: 40 Ikaw ay magpupuno sa aking bahay, at ayon sa iyong salita ay pamamahalaan mo ang aking buong bayan: sa luklukang hari lamang magiging mataas ako sa iyo. 41 At sinabi ni Faraon kay Jose, Tingnan mo, ikaw ay inilagay ko sa buong lupain ng Egipto. 42 At inalis ni Faraon sa kamay niya ang kaniyang tandang singsing at inilagay sa kamay ni Jose, at siya'y sinuutan ng magandang lino at nilagyan siya ng isang kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg; 43 At siya'y pinasakay niya sa ikalawang karro na tinatangkilik ni Faraon at isinisigaw sa unahan niya. Lumuhod kayo: at inihalal siya na puno sa buong lupain ng Egipto. 44 At sinabi ni Faraon kay Jose, Ako'y si Faraon, at kung wala ka ay hindi magtataas ang sinomang tao ng kaniyang kamay o ng kaniyang paa sa buong lupain ng Egipto. 45 At pinanganlan ni Faraon si Jose na Zaphnath-paanea, at ibinigay na asawa sa kaniya si Asenath, na anak ni Potiphera, na saserdote sa On. At lumabas si Jose, sa lupain ng Egipto. 46 At si Jose ay may tatlong pung taon nang tumayo sa harap ni Faraon na hari sa Egipto. At si Jose ay umalis sa harap ni Faraon, at nilibot ang buong lupain ng Egipto. 47 At sa pitong taong sagana ay nagdulot ang lupa ng sagana. 48 At tinipon ni Jose ang lahat na pagkain sa pitong taon na tinamo sa lupain ng Egipto: at inimbak ang nangasabing pagkain sa mga bayan; na ang pagkain sa bukid na nasa palibot ng bawa't bayan ay inimbak sa bawa't kinauukulan ding bayan. 49 At si Jose ay nagkamalig ng trigo na parang buhangin sa dagat, na napakarami hanggang sa hindi nabilang; sapagka't walang bilang. 50 At bago dumating ang taong kagutom ay ipinanganak kay Jose ang dalawang lalake, na ipinanganak sa kaniya ni Asenath na anak ni Potiphera, na saserdote sa On. 51 At tinawag ni Jose ang pangalan ng panganay na Manases, sapagka't aniya'y, Ipinalimot ng Dios sa akin ang lahat ng aking kapagalan at ang buong bahay ng aking ama. 52 At ang ipinangalan sa ikalawa ay Ephraim: Sapagka't ako'y pinalago ng Dios sa lupain ng aking kadalamhatian. 53 At ang pitong taon ng kasaganaan na nagkaroon sa lupain ng Egipto ay natapos. 54 At ang pitong taon ng kagutom ay nagpasimulang dumating, ayon sa sinabi ni Jose: at nagkagutom sa lahat ng lupain; datapuwa't sa buong lupain ng Egipto ay may tinapay. 55 At nang ang buong lupain ng Egipto ay magutom, ay dumaing ng tinapay ang bayan kay Faraon: at sinabi ni Faraon sa lahat ng mga Egipcio, Pumaroon kayo kay Jose; ang kaniyang sabihin sa inyo ay inyong gawin. 56 At ang kagutom ay nasa ibabaw ng buong lupa: at binuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at nagbili sa mga Egipcio; at lumala ang kagutom sa lupain ng Egipto. 57 At lahat ng mga taga ibang lupain ay nagsiparoon kay Jose upang magsibili ng trigo; sapagka't lumala ang kagutom sa buong lupa.
1 And it came to pass at the end of two full years, that Pharaoh dreamed: and, behold, he stood by the river.2 And, behold, there came up out of the river seven well favored cows and fat; and they fed in a meadow.3 And, behold, seven other cows came up after them out of the river, ill favored and thin; and stood by the other cows upon the bank of the river.4 And the ill favored and thin cows did eat up the seven well favored and fat cows. So Pharaoh awoke.5 And he slept and dreamed the second time: and, behold, seven ears of grain came up upon one stalk, full and good.6 And, behold, seven thin ears and dried by the east wind sprung up after them.7 And the seven thin ears devoured the seven healthy and full ears. And Pharaoh awoke, and, behold, it was a dream.8 And it came to pass in the morning that his spirit was troubled; and he sent and called for all the magicians of Egypt, and all the wise men thereof: and Pharaoh told them his dreams; but there was none that could interpret them unto Pharaoh.9 Then spoke the chief butler unto Pharaoh, saying, I do remember my faults this day:10 Pharaoh was angry with his servants, and put me in custody in the captain of the guard's house, both me and the chief baker:11 And we dreamed a dream in one night, I and he; we dreamed each man according to the interpretation of his dream.12 And there was there with us a young man, a Hebrew, servant to the captain of the guard; and we told him, and he interpreted to us our dreams; to each man according to his dream he did interpret.13 And it came to pass, as he interpreted to us, so it was; me he restored unto my office, and him he hanged.14 Then Pharaoh sent and called Joseph, and they brought him hastily out of the dungeon: and he shaved himself, and changed his clothes, and came in unto Pharaoh.15 And Pharaoh said unto Joseph, I have dreamed a dream, and there is none that can interpret it: and I have heard say of you, that you can understand a dream to interpret it.16 And Joseph answered Pharaoh, saying, It is not in me: God shall give Pharaoh an answer of peace.17 And Pharaoh said unto Joseph, In my dream, behold, I stood upon the bank of the river:18 And, behold, there came up out of the river seven cows, fat and well favored; and they fed in a meadow:19 And, behold, seven other cows came up after them, poor and very ill favored and thin, such as I never saw in all the land of Egypt for badness:20 And the thin and the ill favored cows did eat up the first seven fat cows:21 And when they had eaten them up, it could not be known that they had eaten them; but they were still ill favored, as at the beginning. So I awoke.22 And I saw in my dream, and, behold, seven ears came up on one stalk, full and good:23 And, behold, seven ears, withered, thin, and dried by the east wind, sprung up after them:24 And the thin ears devoured the seven good ears: and I told this unto the magicians; but there was none that could declare it to me.25 And Joseph said unto Pharaoh, The dream of Pharaoh is one: God has showed Pharaoh what he is about to do.26 The seven good cows are seven years; and the seven good ears are seven years: the dream is one.27 And the seven thin and ill favored cows that came up after them are seven years; and the seven empty ears dried by the east wind shall be seven years of famine.28 This is the thing which I have spoken unto Pharaoh: What God is about to do he shows unto Pharaoh.29 Behold, there comes seven years of great plenty throughout all the land of Egypt:30 And there shall arise after them seven years of famine; and all the plenty shall be forgotten in the land of Egypt; and the famine shall consume the land;31 And the plenty shall not be known in the land by reason of that famine following; for it shall be very grievous.32 And for that the dream was doubled unto Pharaoh twice; it is because the thing is established by God, and God will shortly bring it to pass.33 Now therefore let Pharaoh seek out a man discreet and wise, and set him over the land of Egypt.34 Let Pharaoh do this, and let him appoint officers over the land, and take up the fifth part of the land of Egypt in the seven plenteous years.35 And let them gather all the food of those good years that come, and lay up grain under the hand of Pharaoh, and let them keep food in the cities.36 And that food shall be for store to the land against the seven years of famine, which shall be in the land of Egypt; that the land perish not through the famine.37 And the thing was good in the eyes of Pharaoh, and in the eyes of all his servants.38 And Pharaoh said unto his servants, Can we find such a one as this is, a man in whom the Spirit of God is?39 And Pharaoh said unto Joseph, Since God has showed you all this, there is none so discreet and wise as you are:40 You shall be over my house, and according unto your word shall all my people be ruled: only in the throne will I be greater than you.41 And Pharaoh said unto Joseph, See, I have set you over all the land of Egypt.42 And Pharaoh took off his ring from his hand, and put it upon Joseph's hand, and arrayed him in clothing of fine linen, and put a gold chain about his neck;43 And he made him to ride in the second chariot which he had; and they cried before him, Bow the knee: and he made him ruler over all the land of Egypt.44 And Pharaoh said unto Joseph, I am Pharaoh, and without you shall no man lift up his hand or foot in all the land of Egypt.45 And Pharaoh called Joseph's name Zaphenathpaneah; and he gave him to wife Asenath the daughter of Potiphera priest of On. And Joseph went out over all the land of Egypt.46 And Joseph was thirty years old when he stood before Pharaoh king of Egypt. And Joseph went out from the presence of Pharaoh, and went throughout all the land of Egypt.47 And in the seven plenteous years the earth brought forth by handfuls.48 And he gathered up all the food of the seven years, which were in the land of Egypt, and laid up the food in the cities: the food of the field, which was round about every city, laid he up in the same.49 And Joseph gathered grain as the sand of the sea, very much, until he quit numbering; for it was without number.50 And unto Joseph were born two sons before the years of famine came, which Asenath the daughter of Potiphera priest of On bore unto him.51 And Joseph called the name of the firstborn Manasseh: For God, said he, has made me forget all my toil, and all my father's house.52 And the name of the second called he Ephraim: For God has caused me to be fruitful in the land of my affliction.53 And the seven years of plenty, that was in the land of Egypt, were ended.54 And the seven years of famine began to come, according as Joseph had said: and the famine was in all lands; but in all the land of Egypt there was bread.55 And when all the land of Egypt was famished, the people cried to Pharaoh for bread: and Pharaoh said unto all the Egyptians, Go unto Joseph; what he says to you, do.56 And the famine was over all the face of the earth: And Joseph opened all the storehouses, and sold unto the Egyptians; and the famine was severe in the land of Egypt.57 And all countries came into Egypt to Joseph to buy grain; because that the famine was so severe in all lands.