1 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong kalasag, at ang iyong ganting pala na lubhang dakila. 2 At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer? 3 At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko. 4 At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo. 5 At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging ganiyan ang iyong binhi. 6 At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya. 7 At sinabi sa kaniya, Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo. 8 At sinabi niya, Oh Panginoong Dios, paanong pagkakilala ko na aking mamanahin? 9 At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati. 10 At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; datapuwa't hindi hinati ang mga ibon. 11 At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram. 12 At nang lulubog na ang araw, ay nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya. 13 At sinabi ng Dios kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon. 14 At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan: at pagkatapos ay aalis silang may malaking pag-aari. 15 Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa iyong mga magulang; at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan. 16 At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito: sapagka't hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga Amorrheo. 17 At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop. 18 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates. 19 Ang mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo, 20 At ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim, 21 At ang mga Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gergeseo, at ang mga Jebuseo.
1 After these things the word of the LORD came unto Abram in a vision, saying, Fear not, Abram: I am your shield, and your exceeding great reward.2 And Abram said, Lord GOD, what will you give me, seeing I go childless, and the heir of my house is this Eliezer of Damascus?3 And Abram said, Behold, to me you have given no descendants: and, lo, one born in my house is my heir.4 And, behold, the word of the LORD came unto him, saying, This shall not be your heir; but he that shall come forth out of your own body shall be your heir.5 And he brought him forth outside, and said, Look now toward heaven, and count the stars, if you be able to number them: and he said unto him, So shall your descendants be.6 And he believed in the LORD; and he counted it to him for righteousness.7 And he said unto him, I am the LORD that brought you out of Ur of the Chaldees, to give you this land to inherit it.8 And he said, Lord GOD, how shall I know that I shall inherit it?9 And he said unto him, Take me a heifer three years old, and a female goat three years old, and a ram three years old, and a turtle dove, and a young pigeon.10 And he took unto him all these, and divided them in the midst, and laid each piece one against another: but the birds divided he not.11 And when the birds of prey came down upon the carcasses, Abram drove them away.12 And when the sun was going down, a deep sleep fell upon Abram; and, lo, a horror of great darkness fell upon him.13 And he said unto Abram, Know of a surety that your descendants shall be sojourners in a land that is not theirs, and shall serve them; and they shall afflict them four hundred years;14 And also that nation, whom they shall serve, will I judge: and afterward shall they come out with great possessions.15 And you shall go to your fathers in peace; you shall be buried in a good old age.16 But in the fourth generation they shall come here again: for the iniquity of the Amorites is not yet complete.17 And it came to pass, that, when the sun went down, and it was dark, behold a smoking furnace, and a burning lamp that passed between those pieces.18 In the same day the LORD made a covenant with Abram, saying, Unto your descendants have I given this land, from the river of Egypt unto the great river, the river Euphrates:19 The Kenites, and the Kenizzites, and the Kadmonites,20 And the Hittites, and the Perizzites, and the Rephaim,21 And the Amorites, and the Canaanites, and the Girgashites, and the Jebusites.