1 At napakita ang Panginoon sa kaniya sa mga punong encina ni Mamre, habang siya'y nakaupo sa pintuan ng tolda, ng kainitan ng araw. 2 At itiningin ang kaniyang mga mata at nagmalas, at, narito't tatlong lalake ay nakatayo sa tabi niya: at pagkakita niya sa kanila, ay tinakbo niya upang sila'y salubungin mula sa pintuan ng tolda, at yumukod siya sa lupa. 3 At nagsabi, Panginoon ko, kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mong lagpasan ang iyong lingkod. 4 Itulot mong dalhan kayo rito ng kaunting tubig, at maghugas kayo ng inyong mga paa, at mangagpahinga kayo sa lilim ng kahoy. 5 At magdadala ako ng isang subong tinapay at inyong palakasin ang inyong puso; at pagkatapos ay magsisipagtuloy kayo: yamang kayo'y naparito sa inyong lingkod, At nagsipagsabi, Mangyari ang ayon sa iyong sinabi. 6 At si Abraham ay nagmadaling napasa tolda ni Sara, at sinabi, Maghanda ka agad ng tatlong takal ng mainam na harina, iyong tapayin at gawin mong mga munting tinapay. 7 At tumakbo si Abraham sa bakahan at nagdala ng isang bata at mabuting guya, at ibinigay sa alipin; at siya'y nagmadali, upang lutuin. 8 At siya'y kumuha ng mantekilla, at ng gatas, at ng guyang niluto niya, at inihain sa harapan nila; at siya'y tumayo sa siping nila sa lilim ng punong kahoy; at sila'y nagsikain. 9 At sinabi nila sa kaniya, Saan naroon si Sara na iyong asawa? At sinabi niya Narito, nasa tolda. 10 At sinabi niya, Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong panahon ng taong darating; at narito't si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake. At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda, na nasa likod niya. 11 Si Abraham at si Sara nga'y matatanda na, at lipas na sa panahon; at tinigilan na si Sara ng kaugalian ng mga babae. 12 At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili, na sinasabi, Pagkatapos na ako'y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan, at matanda na rin pati ng panginoon ko? 13 At sinabi ng Panginoon kay Abraham, Bakit tumawa si Sara, na sinasabi, Tunay kayang ako'y manganganak, na matanda na ako? 14 May anomang bagay kayang napakahirap sa Panginoon? Sa tadhanang panahon ay babalik ako sa iyo, sa taong darating, at si Sara ay magkakaanak ng isang lalake. 15 Nang magkagayo'y nagkaila si Sara, na sinasabi, Hindi ako tumawa, sapagka't siya'y natakot. Nguni't sinabi niya, Hindi gayon; kundi ikaw ay tumawa. 16 At nangagtindig doon ang mga lalake, at nangagsitingin sa dakong Sodoma; at sinamahan sila ni Abraham, upang ihatid sila sa daan. 17 At sinabi ng Panginoon, Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin; 18 Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa? 19 Sapagka't siya'y aking kinilala, upang siya'y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon, kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya. 20 At sinabi ng Panginoon, Sapagka't ang sigaw ng Sodoma at Gomorra ay malakas, at sapagka't ang kasalanan nila ay napakalubha; 21 Ay bababa ako ngayon at titingnan ko kung ginawa nga ang ayon sa sigaw na dumarating hanggang sa akin; at kung hindi ay aking malalaman. 22 At ang mga lalake ay nagsilayo roon at nagsitungo sa Sodoma datapuwa't si Abraham ay nakatayo pa sa harapan ng Panginoon. 23 At lumapit si Abraham, at nagsabi, Ang mga banal ba ay iyong lilipuling kasama ng mga masama? 24 Kung sakaling may limang pung banal sa loob ng bayan: lilipulin mo ba, at di mo patatawarin ang dakong yaon, alangalang sa limang pung banal na nasa loob niyaon? 25 Malayo nawa sa iyo ang paggawa ng ganito, na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama, anopa't ang banal ay mapara sa masama; malayo nawa ito sa iyo: di ba gagawa ng matuwid ang Hukom ng buong lupa? 26 At sinabi ng Panginoon, Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limang pung banal sa loob ng bayan, patatawarin ko ang buong dakong yaon, alangalang sa kanila. 27 At sumagot si Abraham, at nagsabi, Narito, ngayo'y nangahas akong magsalita sa Panginoon, akong alabok at abo lamang: 28 Kung sakaling magkukulang ng lima sa limang pung banal: lilipulin mo ba, dahil sa limang kulang, ang buong bayan? At sinabi niya, Hindi ko lilipulin kung makasumpong ako roon ng apat na pu't lima. 29 At siya'y muling nagsalita pa sa kaniya, at nagsabi, Marahil ay may masusumpungang apat na pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin, alangalang sa apat na pu. 30 At sinabi niya, Oh huwag magalit ang Panginoon, at ako'y magsasalita: kung sakaling may masusumpungan doong tatlong pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin kung makakasumpong ako roon ng tatlong pu. 31 At kaniyang sinabi, Narito ngayon, ako'y nangahas na magsalita sa Panginoon: kung sakaling may masusumpungan doong dalawang pu. At sinabi niya, Hindi ko lilipulin, alangalang sa dalawang pu. 32 At sinabi niya, Oh huwag magalit ang Panginoon at magsasalita na lamang akong minsan: kung sakaling may masusumpungan doong sangpu: at sinabi niya, Hindi ko lilipulin, alangalang sa sangpu. 33 At ang Panginoon ay nagpatuloy, pagkatapos na makipagusap kay Abraham: at si Abraham ay nagbalik sa kaniyang dako.
1 And the LORD appeared unto him by the oaks of Mamre: and he sat in the tent door in the heat of the day;2 And he lifted up his eyes and looked, and, lo, three men stood by him: and when he saw them, he ran to meet them from the tent door, and bowed himself toward the ground,3 And said, My Lord, if now I have found favor in your sight, pass not away, I pray you, from your servant:4 Let a little water, I pray you, be fetched, and wash your feet, and rest yourselves under the tree:5 And I will fetch a morsel of bread, and comfort your hearts; after that you shall pass on: for therefore are you come to your servant. And they said, So do, as you have said.6 And Abraham hastened into the tent unto Sarah, and said, Make ready quickly three measures of fine meal, knead it, and make cakes upon the hearth.7 And Abraham ran unto the herd, and fetched a calf tender and good, and gave it unto a young man; and he hastened to dress it.8 And he took butter, and milk, and the calf which he had dressed, and set it before them; and he stood by them under the tree, and they did eat.9 And they said unto him, Where is Sarah your wife? And he said, Behold, in the tent.10 And he said, I will certainly return unto you according to the time of life; and, lo, Sarah yourwife shall have a son. And Sarah heard it in the tent door, which was behind him.11 Now Abraham and Sarah were old and well stricken in age; and it ceased to be with Sarah after the manner of women.12 Therefore Sarah laughed within herself, saying, After I have grown old shall I have pleasure, my lord being old also?13 And the LORD said unto Abraham, Why did Sarah laugh, saying, Shall I of a certainty bear a child, who am old?14 Is anything too hard for the LORD? At the time appointed I will return unto you, according to the time of life, and Sarah shall have a son.15 Then Sarah denied, saying, I laughed not; for she was afraid. And he said, Nay; but you did laugh.16 And the men rose up from there, and looked toward Sodom: and Abraham went with them to bring them on the way.17 And the LORD said, Shall I hide from Abraham that thing which I do;18 Seeing that Abraham shall surely become a great and mighty nation, and all the nations of the earth shall be blessed in him?19 For I know him, that he will command his children and his household after him, and they shall keep the way of the LORD, to do righteousness and justice; that the LORD may bring upon Abraham that which he has spoken of him.20 And the LORD said, Because the cry of Sodom and Gomorrah is great, and because their sin is very grave;21 I will go down now, and see whether they have done altogether according to the outcry, which has come unto me; and if not, I will know.22 And the men turned their faces from there, and went toward Sodom: but Abraham stood yet before the LORD.23 And Abraham drew near, and said, will you also destroy the righteous with the wicked?24 Suppose there be fifty righteous within the city: will you also destroy and not spare the place for the fifty righteous that are there?25 That be far from you to do after this manner, to slay the righteous with the wicked: and that the righteous should be as the wicked, that be far from you: Shall not the Judge of all the earth do right?26 And the LORD said, If I find in Sodom fifty righteous within the city, then I will spare all the place for their sakes.27 And Abraham answered and said, Behold now, I have taken upon me to speak unto the Lord, who am but dust and ashes:28 Suppose there shall lack five of the fifty righteous: will you destroy all the city for lack of five? And he said, If I find there forty and five, I will not destroy it.29 And he spoke unto him yet again, and said, Suppose there shall be forty found there. And he said, I will not do it for forty's sake.30 And he said unto him, Oh let not the Lord be angry, and I will speak: Suppose there shall thirty be found there. And he said, I will not do it, if I find thirty there.31 And he said, Behold now, I have taken upon me to speak unto the Lord: Suppose there shall be twenty found there. And he said, I will not destroy it for twenty's sake.32 And he said, Oh let not the Lord be angry, and I will speak yet but this once: Suppose ten shall be found there. And he said, I will not destroy it for ten's sake.33 And the LORD went his way, as soon as he had left speaking with Abraham: and Abraham returned unto his place.