Publicidade

Gênesis 42

1 Nabalitaan nga ni Jacob na may trigo sa Egipto, at sinabi ni Jacob sa kaniyang mga anak, Bakit kayo nangagtitinginan? 2 At kaniyang sinabi, Narito, aking narinig na may trigo sa Egipto: bumaba kayo roon, at bumili kayo roon ng sa ganang atin, upang tayo'y mabuhay at huwag mamatay. 3 At ang sangpung kapatid ni Jose ay bumaba, na bumili ng trigo sa Egipto. 4 Datapuwa't si Benjamin na kapatid ni Jose, ay hindi sinugo ni Jacob na kasama ng kaniyang mga kapatid; sapagka't aniya'y, Baka sakaling may mangyari sa kaniyang anomang kapahamakan. 5 At ang mga anak ni Israel ay nagsiparoong bumili, na kasalamuha ng nagsisiparoon: sapagka't nagkakagutom sa lupain ng Canaan. 6 At si Jose ang tagapamahala sa lupain; siya ang nagbibili ng trigo sa lahat ng mga tao sa lupain: at nagsidating ang mga kapatid ni Jose at nangagpatirapa sa kaniya, na ang kanilang mga mukha ay pasubasob. 7 At nakita ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at kaniyang nangakilala, datapuwa't siya'y nagkunwaring iba sa kanila, at sila'y kinausap niya ng magilas; at sinabi sa kanila, Saan kayo nagsipanggaling? At sinabi nila, Sa lupain ng Canaan, upang bumili ng pagkain. 8 At nakilala ni Jose ang kaniyang mga kapatid, datapuwa't hindi nila siya nakilala. 9 At naalaala ni Jose ang mga panaginip na kaniyang napanaginip, tungkol sa kanila, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y mga tiktik; upang tingnan ninyo ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito. 10 At kanilang sinabi sa kaniya, Hindi panginoon ko, kundi ang iyong mga lingkod ay nagsiparito upang bumili ng pagkain. 11 Kaming lahat ay anak ng isa lamang lalake; kami ay mga taong tapat, ang iyong mga lingkod ay hindi mga tiktik. 12 At kaniyang sinabi sa kanila, Hindi, kungdi upang tingnan ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito. 13 At kanilang sinabi, Kaming iyong mga lingkod ay labing dalawang magkakapatid, na mga anak ng isa lamang lalake sa lupain ng Canaan; at, narito, ang bunso ay nasa aming ama ngayon, at ang isa'y wala na. 14 At sinabi sa kanila ni Jose, Iyan ang sinasalita ko sa inyo, na aking sinasabi, Kayo'y mga tiktik; 15 Dito ko kayo susubukin: alangalang sa buhay ni Faraon ay hindi kayo aalis dito, malibang pumarito ang inyong kapatid na bunso. 16 Suguin ninyo ang isa sa inyo, na dalhin dito ang inyong kapatid, at kayo'y mangabibilanggo; upang masubok ang inyong mga salita, kung may katotohanan sa inyo: o kung hindi alangalang sa buhay ni Faraon, ay tunay na mga tiktik kayo. 17 At kaniyang inilagay silang lahat na magkakasama sa bilangguan na tatlong araw. 18 At sinabi ni Jose sa kanila sa ikatlong araw, Gawin ninyo ito at mangabuhay kayo; sapagka't natatakot ako sa Dios: 19 Kung kayo'y mga taong tapat, ay matira ang isa sa inyong magkakapatid na bilanggo sa bahay na pinagbilangguan sa inyo; datapuwa't kayo'y yumaon, magdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay: 20 At dalhin ninyo sa akin ang inyong kapatid na bunso; sa ganito'y matototohanan ang inyong mga salita, at hindi kayo mangamamatay. At kanilang ginawang gayon. 21 At sila'y nagsabisabihan, Katotohanang tayo'y salarin tungkol sa ating kapatid, sapagka't nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa, nang namamanhik sa atin, at hindi natin siya dininig; kaya't dumarating sa atin ang kahapisang ito. 22 At si Ruben ay sumagot sa kanila, na nagsasabi, Di ba nagsalita ako sa inyo, na aking sinasabi, Huwag kayong magkasala laban sa bata; at ayaw kayong makinig? kaya naman, narito, ang kaniyang dugo ay nagsasakdal. 23 At hindi nila nalalaman na sila'y pinakikinggan ni Jose; sapagka't may tagapagpaliwanag sa kanila. 24 At siya'y humiwalay sa kanila, at umiyak; at siya'y bumalik sa kanila, at sila'y kinausap at kinuha sa kanila si Simeon, at siya'y tinalian sa harap ng kanilang mga mata. 25 Nang magkagayo'y ipinagutos ni Jose na punuin ang kanilang mga bayong ng trigo, at ibalik ang salapi ng bawa't isa sa kanikaniyang bayong, at sila'y bigyan ng mababaon sa daan: at ginawa sa kanilang gayon. 26 At kanilang pinasanan ng trigo ang kanilang mga asno, at sila'y yumaon mula roon. 27 At pagbubukas ng isa ng kaniyang bayong upang bigyan ng pagkain ang kaniyang asno sa tuluyan, ay nakita niya ang kaniyang salapi; at, narito, nasa labi ng kaniyang bayong. 28 At sinabi niya sa kaniyang mga kapatid, Ang salapi ko ay nasauli; at, narito, nasa aking bayong: at kumutob ang kanilang puso; at nangagtinginan na nanganginginig, na nagsasabihan, Ano itong ginawa ng Dios sa atin? 29 At sila'y dumating kay Jacob na kanilang ama sa lupain ng Canaan, at isinaysay nila sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila; na sinasabi: 30 Ang lalaking panginoon sa lupaing yaon ay kinausap kami na magilas, at inari kaming mga tiktik sa lupain. 31 At aming sinabi sa kaniya, Kami ay mga taong tapat; hindi kami mga tiktik: 32 Kami ay labing dalawang magkakapatid, na mga anak ng aming ama; ang isa'y wala na, at ang bunso ay nasa aming ama ngayon sa lupain ng Canaan. 33 At sinabi sa amin ng lalaking yaon, ng panginoon sa lupain, Dito ko makikilala na kayo'y mga taong tapat: magiwan kayo sa akin ng isa sa inyong magkakapatid, at magsipagdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay, at kayo'y yumaon. 34 At dalhin ninyo rito sa akin ang inyong kapatid na bunso: kung gayo'y makikilala ko, na kayo'y hindi mga tiktik, kundi kayo'y mga taong tapat: sa ganito'y isasauli ko sa inyo ang inyong kapatid at kayo'y mangangalakal sa lupain. 35 At nangyari na pagaalis ng laman ng kanilang mga bayong, na, narito, sa bayong ng bawa't isa ay nakalagay ang balot ng kanikaniyang salapi: at nang makita nila at ng kanilang ama ang kanilang mga balot ng salapi, ay nangatakot. 36 At sinabi sa kanila ng kanilang amang si Jacob, Inalis na ninyo sa akin ang aking mga anak: si Jose ay wala, at si Simeon ay wala, at aalisin pa ninyo si Benjamin: lahat ng bagay na ito ay laban sa akin. 37 At nagsalita, si Ruben sa kaniyang ama, na sinasabi, Ipapatay mo ang aking dalawang anak kung siya'y hindi ko dalhin sa iyo; ibigay mo sa aking kamay, at siya'y aking ibabalik sa iyo. 38 At kaniyang sinabi, Hindi yayaon ang aking anak na kasama ninyo; sapagka't ang kaniyang kapatid ay patay na, at siya lamang ang natitira; kung mangyari sa kaniya ang anomang kapahamakan sa daan na inyong paroroonan, ay pabababain nga ninyo ang aking mga uban sa Sheol na may kapanglawan.

1 Now when Jacob saw that there was grain in Egypt, Jacob said unto his sons, Why do you look one upon another?2 And he said, Behold, I have heard that there is grain in Egypt: get you down there, and buy for us from there; that we may live, and not die.3 And Joseph's ten brothers went down to buy grain in Egypt.4 But Benjamin, Joseph's brother, Jacob sent not with his brothers; for he said, Lest perhaps mischief befall him.5 And the sons of Israel came to buy grain among those that came: for the famine was in the land of Canaan.6 And Joseph was the governor over the land, and he it was that sold to all the people of the land: and Joseph's brothers came, and bowed down themselves before him with their faces to the earth.7 And Joseph saw his brothers, and he knew them, but made himself unknown unto them, and spoke roughly unto them; and he said unto them, from where do you come? And they said, From the land of Canaan to buy food.8 And Joseph knew his brothers, but they knew not him.9 And Joseph remembered the dreams which he dreamed of them, and said unto them, You are spies; to see the nakedness of the land you are come.10 And they said unto him, Nay, my lord, but to buy food are your servants come.11 We are all one man's sons; we are honest men, your servants are no spies.12 And he said unto them, Nay, but to see the nakedness of the land you are come.13 And they said, Your servants are twelve brothers, the sons of one man in the land of Canaan; and, behold, the youngest is this day with our father, and one is not.14 And Joseph said unto them, It is as I spoke unto you, saying, You are spies:15 Hereby you shall be proved: By the life of Pharaoh you shall not go forth from here, except your youngest brother come here.16 Send one of you, and let him fetch your brother, and you shall be kept in prison, that your words may be proved, whether there be any truth in you: or else by the life of Pharaoh surely you are spies.17 And he put them all together into custody three days.18 And Joseph said unto them the third day, This do, and live; for I fear God:19 If you be true men, let one of your brothers be bound in the house of your prison: go, carry grain for the famine of your houses:20 But bring your youngest brother unto me; so shall your words be verified, and you shall not die. And they did so.21 And they said one to another, We are verily guilty concerning our brother, in that we saw the anguish of his soul, when he besought us, and we would not hear; therefore is this distress come upon us.22 And Reuben answered them, saying, Spoke I not unto you, saying, Do not sin against the child; and you would not hear? therefore, behold, also his blood is required.23 And they knew not that Joseph understood them; for he spoke unto them by an interpreter.24 And he turned himself about from them, and wept; and returned to them again, and spoke with them, and took from them Simeon, and bound him before their eyes.25 Then Joseph commanded to fill their sacks with grain, and to restore every man's money into his sack, and to give them provision for the way: and thus did he unto them.26 And they loaded their donkeys with the grain, and departed there.27 And as one of them opened his sack to give his donkey provender in the inn, he saw his money; for, behold, it was in his sack's mouth.28 And he said unto his brothers, My money is restored; and, lo, it is even in my sack: and their hearts failed them, and they were afraid, saying one to another, What is this that God has done unto us?29 And they came unto Jacob their father unto the land of Canaan, and told him all that befell them; saying,30 The man, who is the lord of the land, spoke roughly to us, and took us for spies of the country.31 And we said unto him, We are honest men; we are no spies:32 We are twelve brothers, sons of our father; one is not, and the youngest is this day with our father in the land of Canaan.33 And the man, the lord of the country, said unto us, Hereby shall I know that you are honest men; leave one of your brothers here with me, and take food for the famine of your households, and be gone:34 And bring your youngest brother unto me: then shall I know that you are no spies, but that you are honest men: so will I deliver you your brother, and you shall trade in the land.35 And it came to pass as they emptied their sacks, that, behold, every man's bundle of money was in his sack: and when both they and their father saw the bundles of money, they were afraid.36 And Jacob their father said unto them, Me have you bereaved of my children: Joseph is not, and Simeon is not, and you will take Benjamin away: all these things are against me.37 And Reuben spoke unto his father, saying, Slay my two sons, if I bring him not to you: deliver him into my hand, and I will bring him to you again.38 And he said, My son shall not go down with you; for his brother is dead, and he is left alone: if mischief befall him by the way in which you go, then shall you bring down my gray hairs with sorrow to the grave.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-