Publicidade

Lucas 24

1 Datapuwa't nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda. 2 At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan. 3 At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus. 4 At nangyari, na samantalang sila'y nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit: 5 At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay? 6 Wala siya rito, datapuwa't nagbangon: alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya'y nasa Galilea pa, 7 Na sinasabi, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, at ipako sa krus, at magbangong muli sa ikatlong araw. 8 At naalaala nila ang kaniyang mga salita, 9 At nagsibalik mula sa libingan, at ibinalita ang lahat ng mga bagay na ito sa labingisa, at sa lahat ng mga iba pa. 10 Sila nga'y si Maria Magdalena, si Juana, at si Mariang ina ni Santiago: at iba pang mga babaing kasama nila ang nangagbalita ng mga bagay na ito sa mga apostol. 11 At ang mga salitang ito'y inakala nilang walang kabuluhan; at hindi nila pinaniwalaan. 12 Datapuwa't nagtindig si Pedro, at tumakbo sa libingan; at nang siya'y tumungo pagtingin niya sa loob, ay nakita niya ang mga kayong lino na nangasa isang tabi; at umuwi siya sa kaniyang bahay na nanggigilalas sa nangyaring yaon. 13 At narito, dalawa sa kanila ay naparoroon nang araw ding yaon sa isang nayong ngala'y Emaus, na may anim na pung estadio ang layo sa Jerusalem. 14 At kanilang pinaguusapan ang lahat ng mga bagay na nangyari. 15 At nangyari, na samantalang sila'y naguusap at nagtatanongan, na si Jesus din ay lumapit, at nakisabay sa kanila. 16 Datapuwa't sa mga mata nila'y may nakatatakip upang siya'y huwag nilang makilala. 17 At sinabi niya sa kanila, Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad? At sila'y nagsitigil, na nangalulumbay ang mga mukha. 18 At isa sa kanila, na nagngangalang Cleopas, sa pagsagot ay sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y nakikipamayan lamang sa Jerusalem, at hindi nakaalam ng mga bagay na doo'y nangyari nang mga araw na ito? 19 At sinabi niya sa kanila, Anong mga bagay? At sinabi nila sa kaniya, Ang mga bagay tungkol kay Jesus na Nazareno, na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Dios at ng buong bayan: 20 At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan, at siya'y ipako sa krus. 21 Datapuwa't hinihintay naming siya ang tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito. 22 Bukod sa rito iba sa mga babaing kasamahan namin na nagsiparoong maaga sa libingan, ay nakapagtaka sa amin; 23 At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay, ay nangagbalik sila, na nangagsabing sila nama'y nakakita ng isang pangitain ng mga anghel, na nangagsabing siya'y buhay. 24 At nagsiparoon sa libingan ang ilang kasama namin, at nasumpungan nila alinsunod sa sinabi ng mga babae: datapuwa't siya'y hindi nila nakita. 25 At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta! 26 Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? 27 At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan. 28 At sila'y malapit na sa nayong kanilang paroroonan: at naganyo siyang wari may paroroonang lalo pang malayo. 29 At siya'y kanilang pinigil, na sinasabi, tumuloy ka sa amin, sapagka't gumagabi na, at kumikiling na ang araw. At pumasok siya upang tumuloy sa kanila. 30 At nangyari, nang siya'y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito'y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila. 31 At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya'y nakilala nila; at siya'y nawala sa kanilang mga paningin. 32 At sila-sila'y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo'y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan? 33 At sila'y nagsitindig sa oras ding yaon, at nangagbalik sa Jerusalem, at naratnang nangagkakatipon ang labingisa, at ang kanilang mga kasama. 34 Na nangagsasabi, Tunay na nagbangong muli ang Panginoon, at napakita kay Simon, 35 At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan, at kung paanong siya'y nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay. 36 At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo. 37 Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. 38 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? 39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. 40 At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. 41 At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? 42 At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. 43 At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila. 44 At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit. 45 Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan; 46 At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw; 47 At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem. 48 Kayo'y mga saksi ng mga bagay na ito. 49 At narito, ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa't magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo'y masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas. 50 At kaniyang dinala sila sa labas hanggang sa tapat ng Betania: at itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at sila'y binasbasan. 51 At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit. 52 At siya'y sinamba nila, at nagsibalik sila sa Jerusalem na may malaking galak: 53 At palaging sila'y nasa templo, na nangagpupuri sa Dios.

1 Now upon the first day of the week, very early in the morning, they came unto the sepulcher, bringing the spices which they had prepared, and certain others came with them.2 And they found the stone rolled away from the sepulcher.3 And they entered in, and found not the body of the Lord Jesus.4 And it came to pass, as they were much perplexed about this, behold, two men stood by them in shining garments:5 And as they were afraid, and bowed down their faces to the ground, they said unto them, Why seek you the living among the dead?6 He is not here, but is risen: remember how he spoke unto you when he was yet in Galilee,7 Saying, The Son of man must be delivered into the hands of sinful men, and be crucified, and the third day rise again.8 And they remembered his words,9 And returned from the sepulcher, and told all these things unto the eleven, and to all the rest.10 It was Mary Magdalene, and Joanna, and Mary the mother of James, and other women that were with them, who told these things unto the apostles.11 And their words seemed to them as idle tales, and they believed them not.12 Then arose Peter, and ran unto the sepulcher; and stooping down, he beheld the linen clothes laid by themselves, and departed, wondering in himself at that which had come to pass.13 And, behold, two of them went that same day to a village called Emmaus, which was from Jerusalem about threescore furlongs.14 And they talked together of all these things which had happened.15 And it came to pass, that, while they discussed together and reasoned, Jesus himself drew near, and went with them.16 But their eyes were held that they should not know him.17 And he said unto them, What manner of words are these that you have one to another, as you walk, and are sad?18 And the one of them, whose name was Cleopas, answering said unto him, Are you a stranger in Jerusalem, and have not known the things which have come to pass there in these days?19 And he said unto them, What things? And they said unto him, Concerning Jesus of Nazareth, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people:20 And how the chief priests and our rulers delivered him to be condemned to death, and have crucified him.21 But we hoped that it was he who should have redeemed Israel: and besides all this, today is the third day since these things were done.22 Yea, and certain women also of our company made us astonished, who were early at the sepulcher;23 And when they found not his body, they came, saying, that they had also seen a vision of angels, who said that he was alive.24 And certain of them who were with us went to the sepulcher, and found it even so as the women had said: but him they saw not.25 Then he said unto them, O foolish ones, and slow of heart to believe all that the prophets have spoken:26 Ought not Christ to have suffered these things, and to enter into his glory?27 And beginning at Moses and all the prophets, he expounded unto them in all the scriptures the things concerning himself.28 And they drew near unto the village, where they were going: and he made as though he would have gone further.29 But they constrained him, saying, Abide with us: for it is toward evening, and the day is far spent. And he went in to tarry with them.30 And it came to pass, as he sat to eat with them, he took bread, and blessed it, and broke it, and gave to them.31 And their eyes were opened, and they knew him; and he vanished out of their sight.32 And they said one to another, Did not our hearts burn within us, while he talked with us by the way, and while he opened to us the scriptures?33 And they rose up the same hour, and returned to Jerusalem, and found the eleven gathered together, and them that were with them,34 Saying, The Lord is risen indeed, and has appeared to Simon.35 And they told what things were done in the way, and how he was known to them in the breaking of bread.36 And as they thus spoke, Jesus himself stood in the midst of them, and said unto them, Peace be unto you.37 But they were terrified and frightened, and supposed that they had seen a spirit.38 And he said unto them, Why are you troubled? and why do thoughts arise in your hearts?39 Behold my hands and my feet, that it is I myself: handle me, and see; for a spirit has not flesh and bones, as you see me have.40 And when he had thus spoken, he showed them his hands and his feet.41 And while they yet believed not for joy, and wondered, he said unto them, Have you here any food?42 And they gave him a piece of a broiled fish, and a honeycomb.43 And he took it, and did eat before them.44 And he said unto them, These are the words which I spoke unto you, while I was yet with you, that all things must be fulfilled, which were written in the law of Moses, and in the prophets, and in the psalms, concerning me.45 Then opened he their understanding, that they might understand the scriptures,46 And said unto them, Thus it is written, and thus it was fit for Christ to suffer, and to rise from the dead the third day:47 And that repentance and remission of sins should be preached in his name among all nations, beginning at Jerusalem.48 And you are witnesses of these things.49 And, behold, I send the promise of my Father upon you: but tarry you in the city of Jerusalem, until you are endued with power from on high.50 And he led them out as far as to Bethany, and he lifted up his hands, and blessed them.51 And it came to pass, while he blessed them, he was parted from them, and carried up into heaven.52 And they worshiped him, and returned to Jerusalem with great joy:53 And were continually in the temple, praising and blessing God. Amen.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-