Publicidade

Provérbios 7

1 Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos. 2 Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata. 3 Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso. 4 Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa: 5 Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita. 6 Sapagka't sa dungawan ng aking bahay tumitingin ako sa aking solihia; 7 At ako'y tumingin sa mga musmos, ako'y nagmasid sa mga may kabataan, sa may kabataang walang bait, 8 Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok, at siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay; 9 Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw, sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman. 10 At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso. 11 Siya'y madaldal at matigas ang ulo; ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay: 12 Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya, at nagaabang sa bawa't sulok, 13 Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya, at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya: 14 Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin; sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata. 15 Kaya't lumabas ako upang salubungin ka, hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita. 16 Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda, na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto. 17 At aking pinabanguhan ang aking higaan ng mira, mga oleo, at sinamomo. 18 Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan; magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan. 19 Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay, siya'y naglakbay sa malayo: 20 Siya'y nagdala ng supot ng salapi; siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan. 21 Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita, hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi. 22 Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya, gaya ng toro na naparoroon sa patayan, O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang; 23 Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay; gaya ng ibong nagmamadali sa bitag, at hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay. 24 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at makinig kayo ng mga salita ng aking bibig. 25 Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad, huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas. 26 Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat: Oo, lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo. 27 Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan.

1 My son, keep my words, and lay up my commandments with you.2 Keep my commandments, and live; and my law as the apple of your eye.3 Bind them upon your fingers, write them upon the table of your heart.4 Say unto wisdom, you are my sister; and call understanding your kinswoman:5 That they may keep you from the immoral woman, from the seductress who flatters with her words.6 For at the window of my house I looked through my casement,7 And beheld among the simple ones, I discerned among the youths, a young man void of understanding,8 Passing through the street near her corner; and he went the way to her house,9 In the twilight, in the evening, in the black and dark night:10 And, behold, there met him a woman with the attire of a harlot, and subtle of heart.11 (She is loud and stubborn; her feet abide not in her house:12 Now is she outside, now in the streets, and lies in wait at every corner.)13 So she caught him, and kissed him, and with an impudent face said unto him,14 I have peace offerings with me; this day have I paid my vows.15 Therefore came I forth to meet you, diligently to seek your face, and I have found you.16 I have decked my bed with coverings of tapestry, with colored spreads, with fine linen of Egypt.17 I have perfumed my bed with myrrh, aloes, and cinnamon.18 Come, let us take our fill of love until the morning: let us delight ourselves with love.19 For my husband is not at home, he has gone on a long journey:20 He has taken a bag of money with him, and will come home at the day appointed.21 With her enticing speech she caused him to yield, with the flattering of her lips she seduced him.22 He goes after her immediately, as an ox goes to the slaughter, or as a fool to the correction of the stocks;23 Till an arrow strikes through his liver; as a bird hastens to the snare, and knows not that it is for his life.24 Hearken unto me now therefore, O you children, and attend to the words of my mouth.25 Let not your heart turn aside to her ways, go not astray in her paths.26 For she has cast down many wounded: yea, many strong men have been slain by her.27 Her house is the way to sheol, going down to the chambers of death.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-