1 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 2 Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa mga anak ni Ammon, at manghula ka laban sa kanila: 3 At sabihin mo sa mga anak ni Ammon, Inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't iyong sinabi, Aha, laban sa aking santuario, nang malapastangan; at laban sa lupain ng Israel, nang masira; at laban sa sangbahayan ni Juda, nang sila'y pumasok sa pagkabihag: 4 Kaya't narito, aking ibibigay ka sa mga anak ng silanganan na pinakaari, at kanilang itatayo ang kanilang mga kampamento sa iyo, at magsisigawa ng kanilang mga tahanan sa iyo; kanilang kakanin ang iyong bunga ng kahoy, at kanilang iinumin ang iyong gatas. 5 At aking gagawin ang Raba na pinaka silungan ng mga kamello, at ang mga anak ni Ammon na pinakapahingahang dako ng mga kawan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 6 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't pumakpak ka ng iyong mga kamay, at tumadyak ka ng mga paa, at nagalak ka ng buong paghamak ng iyong kalooban laban sa lupain ng Israel; 7 Kaya't narito, aking iniunat ang aking kamay sa iyo, at ibibigay kita na pinakasamsam sa mga bansa; at ihihiwalay kita sa mga bayan, at ipalilipol kita sa mga lupain: aking ibubuwal ka; at iyong malalaman na ako ang Panginoon. 8 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang Moab at ang Seir ay nagsasabi, Narito, ang sangbahayan ni Juda ay gaya ng lahat na bansa; 9 Kaya't, narito, aking bubuksan ang tagiliran ng Moab mula sa mga bayan, mula sa kaniyang mga bayan na nangasa kaniyang mga hangganan, na kaluwalhatian ng lupain, ang Beth-jesimoth, ang Baal-meon, at ang Chiriathaim. 10 Hanggang sa mga anak ng silanganan, upang magsiparoon laban sa mga anak ni Ammon; at aking ibibigay sa kanila na pinakaari, upang ang mga anak ni Ammon ay huwag ng mangaalaala sa gitna ng mga bansa: 11 At ako'y maglalapat ng kahatulan sa Moab: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 12 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang Edom ay gumawa ng laban sa sangbahayan ni Juda sa panghihiganti, at nagalit na mainam, at nanghiganti sa kanila; 13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking iuunat ang aking kamay laban sa Edom, at aking ihihiwalay ang tao at hayop doon; at aking gagawing sira mula sa Teman; hanggang sa Dedan nga ay mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak. 14 At aking isasagawa ang aking panghihiganti sa Edom, sa pamamagitan ng kamay ng aking bayang Israel; at kanilang gagawin sa Edom ang ayon sa aking galit, at ayon sa aking kapusukan; at kanilang malalaman ang aking panghihiganti, sabi ng Panginoong Dios. 15 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang mga Filisteo ay gumawa ng panghihiganti, at nanghiganti na may kapootan ng loob upang magpahamak ng pakikipagkaalit na magpakailan man; 16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking iuunat ang aking kamay sa mga Filisteo, at aking ihihiwalay ang mga Ceretheo, at ipapahamak ko ang labi sa baybayin ng dagat. 17 At ako'y gagawa ng malaking panghihiganti sa kanila na may malupit na mga pagsaway; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking isinagawa ang aking panghihiganti sa kanila.
1 The word of the LORD came again unto me, saying,2 Son of man, set your face against the Ammonites, and prophesy against them;3 And say unto the Ammonites, Hear the word of the Lord GOD; Thus says the Lord GOD; Because you said, Aha, against my sanctuary, when it was profaned; and against the land of Israel, when it was desolate; and against the house of Judah, when they went into captivity;4 Behold, therefore I will deliver you to the men of the east for a possession, and they shall set their encampments in you, and make their dwellings in you: they shall eat your fruit, and they shall drink your milk.5 And I will make Rabbah a pasture for camels, and the Ammonites a resting place for flocks: and you shall know that I am the LORD.6 For thus says the Lord GOD; Because you have clapped your hands, and stamped with the feet, and rejoiced in heart with all your disdain against the land of Israel;7 Behold, therefore I will stretch out my hand upon you, and will deliver you for a plunder to the nations; and I will cut you off from the people, and I will cause you to perish out of the countries: I will destroy you; and you shall know that I am the LORD.8 Thus says the Lord GOD; Because Moab and Seir do say, Behold, the house of Judah is like unto all the nations;9 Therefore, behold, I will open the side of Moab from the cities, from its cities which are on its frontiers, the glory of the country, Beth-jeshimoth, Baal-meon, and Kiriathaim,10 Unto the men of the east together with the Ammonites, and will give them as a possession, that the Ammonites may not be remembered among the nations.11 And I will execute judgments upon Moab; and they shall know that I am the LORD.12 Thus says the Lord GOD; Because Edom has dealt against the house of Judah by taking vengeance, and has greatly offended, and revenged itself upon them;13 Therefore thus says the Lord GOD; I will also stretch out my hand against Edom, and will cut off man and beast from it; and I will make it desolate from Teman; and they of Dedan shall fall by the sword.14 And I will lay my vengeance upon Edom by the hand of my people Israel: and they shall do in Edom according to my anger and according to my fury; and they shall know my vengeance, says the Lord GOD.15 Thus says the Lord GOD; Because the Philistines have dealt by revenge, and have taken vengeance with a spiteful heart, to destroy for the old hatred;16 Therefore thus says the Lord GOD; Behold, I will stretch out my hand upon the Philistines, and I will cut off the Cherethites, and destroy the remnant of the seacoast.17 And I will execute great vengeance upon them with furious rebukes; and they shall know that I am the LORD, when I shall lay my vengeance upon them.