1 At ibinalik niya ako sa pintuan ng bahay; at, narito, ang tubig ay lumalabas sa ilalim ng pasukan sa bahay sa dakong silanganan (sapagka't ang harapan ng bahay ay sa dakong silanganan); at ang tubig ay umaagos sa ilalim, mula sa dakong kanan ng bahay, sa timugan ng dambana. 2 Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa daan ng pintuang-daang hilagaan, at pinatnubayan niya ako sa palibot ng daan sa labas, sa lalong labas ng pintuang-daan, sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at, narito, doo'y lumalabas ang tubig sa dakong kanan. 3 Nang ang lalake ay lumabas sa dakong silanganan na may pising panukat sa kaniyang kamay, siya'y sumukat ng isang libong siko, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang bukongbukong. 4 Muling sumukat siya ng isang libo, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang mga tuhod. Muli siyang sumukat ng isang libo, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang sa mga balakang. 5 Pagkatapos ay sumukat siya ng isang libo; at isang ilog na hindi ko naraanan; sapagka't ang tubig ay sumasampa, tubig upang languyan, ilog na hindi mararaanan. 6 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakita mo baga ito? Nang magkagayo'y dinala niya ako, at pinabalik niya ako sa pangpang ng ilog. 7 Nang ako nga'y makabalik, narito, sa pangpang ng ilog, ay may totoong maraming puno ng kahoy sa magkabilang dako. 8 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang tubig na ito ay lumalabas sa dakong silanganang lupain, at bababa sa Araba; at huhugos sa dagat; sa dagat ay huhugos ang tubig na pinalabas; at ang tubig ay mapagagaling. 9 At mangyayari, na bawa't likhang may buhay na dumadami, saan mang dako umaagos ang tubig, ay mabubuhay; at magkakaroon ng totoong napakaraming isda; sapagka't ang tubig na ito ay dumarating diyan at ang tubig ng dagat ay mapagagaling, at bawa't may buhay ay mabubuhay saan man dumating ang ilog. 10 At mangyayari, na ang mga mangingisda ay magsisitayo sa tabi niyaon: mula sa En-gedi hanggang sa En-eglaim ay magiging dako na ladlaran ng mga lambat; ang mga isda ng mga yaon ay magiging ayon sa pagkakaisda ng mga yaon, gaya ng isda sa malaking dagat, na totoong marami. 11 Nguni't ang kaniyang mga dakong maburak, at ang mga lumbak niyaon, ay hindi mapapagaling; magiging asinan nga. 12 At sa pangpang ng ilog sa tabi niyaon, sa dakong ito at sa dakong yaon, tutubo ang sarisaring punong kahoy na pinakapagkain, na ang dahon ay hindi matutuyo, ni magkukulang man ang bunga niyaon: magbubunga ng bago buwan-buwan, sapagka't ang tubig niyaon ay lumalabas sa santuario; at ang bunga niyaon ay magiging pagkain at ang dahon niyaon ay pangpagaling. 13 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ito ang magiging hangganan, na inyong pagbabahagihan ng lupain na pinakamana ayon sa labing dalawang lipi ng Israel: ang Jose ay magkakaroon ng dalawang bahagi. 14 At inyong mamanahin, ng isa na gaya ng iba; sapagka't aking isinumpa na ibigay ito sa inyong mga magulang: at ang lupaing ito ay mahuhulog sa inyo na pinakamana. 15 At ito ang magiging hangganan ng lupain: Sa dakong hilagaan, mula sa malaking dagat, sa daang Hethlon, hanggang sa pasukan sa Sedad; 16 Hamath, Berotha, Sibrahim, na nasa pagitan ng hangganan ng Damasco at ng hangganan ng Hamath; Haser-hatticon na nasa tabi ng hangganan ng Hauran. 17 At ang hangganang mula sa dagat ay magiging ang Hazar-enon sa hangganan ng Damasco, at nasa hilagaan na dakong hilagaan ang hangganan ng Hamath. Ito ang dakong hilagaan. 18 At ang dakong silanganan, ang pagitan ng Hauran at ng Damasco at ng Galaad, at ang lupain ng Israel, ay siyang magiging Jordan; mula sa hilagaang hangganan hanggang sa silanganang dagat ay inyong susukatin. Ito ang dakong silanganan. 19 At ang timugang dako na gawing timugan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribot-cades, sa batis ng Egipto, hanggang sa malaking dagat. Ito ang timugang dako na gawing timugan. 20 At ang dakong kalunuran ay magiging ang malaking dagat, mula sa hangganang timugan hanggang sa tapat ng pasukan sa Hamath. Ito ang dakong kalunuran. 21 Gayon ninyo hahatiin ang lupaing ito sa inyo ayon sa mga lipi ng Israel. 22 At mangyayari na inyong hahatiin sa sapalaran na pinakamana sa inyo at sa mga taga ibang lupa na makikipamayan sa gitna ninyo, na magkakaanak sa gitna ninyo; at sila'y magiging sa inyo'y gaya ng ipinanganak sa gitna ng mga anak ni Israel; sila'y magkakaroon ng mana na kasama ninyo sa gitna ng mga lipi ng Israel. 23 At mangyayari, na kung saang lipi nakipamayan ang taga ibang lupa, doon ninyo bibigyan siya ng mana, sabi ng Panginoong Dios.
1 Afterward he brought me again unto the door of the house; and, behold, waters issued out from under the threshold of the house eastward: for the front of the house faced toward the east, and the waters came down from under the right side of the house, at the south side of the altar.2 Then he brought me out by way of the north gate, and led me around the way outside to the outer gate by the way that faces eastward; and, behold, there ran out waters on the right side.3 And when the man that had the line in his hand went forth eastward, he measured a thousand cubits, and he brought me through the waters; the waters were up to the ankles.4 Again he measured a thousand, and brought me through the waters; the waters were to the knees. Again he measured a thousand, and brought me through; the waters were to the waist.5 Afterward he measured a thousand; and it was a river that I could not pass over: for the waters were risen, waters to swim in, a river that could not be passed over.6 And he said unto me, Son of man, have you seen this? Then he brought me, and caused me to return to the bank of the river.7 Now when I had returned, behold, at the bank of the river were very many trees on the one side and on the other.8 Then he said unto me, These waters issue out toward the east country, and go down into the desert, and go into the sea: which being brought forth into the sea, the waters of the sea shall be healed.9 And it shall come to pass, that everything that lives, which moves, wherever the rivers shall come, shall live: and there shall be a very great multitude of fish, because these waters shall come there: for they shall be healed; and everything shall live where the river comes.10 And it shall come to pass, that the fishermen shall stand upon it from En-gedi even unto En-eglaim; there shall be a place to spread forth nets; their fish shall be the same kinds as the fish of the great sea, exceedingly many.11 But its swamps and its marshes shall not be healed; they shall be given over to salt.12 And by the river upon its bank, on this side and on that side, shall grow all trees for food, whose leaf shall not fade, neither shall its fruit be consumed: it shall bring forth new fruit according to its months, because the waters flowed out of the sanctuary: and its fruit shall be for food, and its leaf for medicine.13 Thus says the Lord GOD; This shall be the borders, by which you shall inherit the land according to the twelve tribes of Israel: Joseph shall have two portions.14 And you shall inherit it, one as well as another: concerning which I lifted up my hand to give it unto your fathers: and this land shall fall unto you for inheritance.15 And this shall be the border of the land toward the north side, from the great sea, the road to Hethlon, as men go to Zedad;16 Hamath, Berothah, Sibraim, which is between the border of Damascus and the border of Hamath; Hazar-hatticon, which is on the border of Hauran.17 And the border from the sea shall be to Hazar-enan, the border of Damascus, and the north northward, and the border of Hamath. And this is the north side.18 And the east side you shall measure from Hauran, and from Damascus, and from Gilead, and from the land of Israel by the Jordan, from the border unto the east sea. And this is the east side.19 And the south side southward, from Tamar even to the waters of strife in Kadesh, the river to the great sea. And this is the south side southward.20 The west side also shall be the great sea from the border, till one comes opposite Hamath. This is the west side.21 So shall you divide this land unto you according to the tribes of Israel.22 And it shall come to pass, that you shall divide it by lot for an inheritance unto you, and to the strangers that sojourn among you, who shall bare children among you: and they shall be unto you as if born in the country among the children of Israel; they shall have inheritance with you among the tribes of Israel.23 And it shall come to pass, that in whatever tribe the stranger sojourns, there shall you give him his inheritance, says the Lord GOD.