Publicidade

Ezequiel 23

1 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin na nagsasabi: 2 Anak ng tao, may dalawang babae, na mga anak na babae ng isang ina: 3 At sila'y nagpatutot sa Egipto; sila'y nagpatutot sa kanilang kadalagahan: doo'y nangahigpit ang kanilang mga dibdib, at doo'y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga. 4 At ang mga pangalan nila ay Ohola ang matanda, at Oholiba ang kapatid niya: at sila'y naging akin at nanganak ng mga lalake at babae. At tungkol sa kanilang mga pangalan, Samaria ay Ohola, at Jerusalem ay Oholiba. 5 At si Ohola ay nagpatutot nang siya'y akin; at siya'y suminta sa mga mangingibig sa kaniya, sa mga taga Asiria na kaniyang mga kalapit bayan. 6 Na nananamit ng kulay asul, ang mga tagapamahala at ang mga pinuno, silang lahat na binatang makisig, mga mangangabayo na nangakasakay sa mga kabayo. 7 At ipinagkaloob niya sa kanila ang kaniyang pakikiapid, sa mga pinaka piling lalake sa Asiria sa kanilang lahat; at sa sino man na inibig niya, sa lahat nilang diosdiosan, ay nadumhan siya. 8 Ni hindi man niya iniwan ang kaniyang mga pagpapatutot mula sa mga kaarawan ng Egipto, sapagka't sa kaniyang kadalagahan, sila'y sumisiping sa kaniya, at nangahipo nila ang mga suso ng kaniyang pagkadalaga; at kanilang ibinuhos ang kanilang pagpapatutot sa kaniya. 9 Kaya't ibinigay ko siya sa kamay ng mga mangingibig sa kaniya, sa kamay ng mga taga Asiria, na siya niyang mga inibig. 10 Ang mga ito ang nangaglitaw ng kaniyang kahubaran; kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at babae; at siya'y pinatay nila ng tabak: at siya'y naging kakutyaan sa mga babae; sapagka't sila'y naglapat ng mga kahatulan sa kaniya. 11 At nakita ito ng kaniyang kapatid na si Oholiba, gayon ma'y siya'y higit na napahamak sa kaniyang pagibig kay sa kaniya, at sa kaniyang mga pagpapatutot na higit kay sa mga pagpapatutot ng kaniyang kapatid. 12 Siya'y umibig sa mga taga Asiria, sa mga tagapamahala at mga pinuno, sa kaniyang mga kalapit bayan, na nararamtan ng mga pinakamahusay, sa mga nangangabayo na nakasakay sa mga kabayo, silang lahat ay mga binatang makisig. 13 At aking nakita na siya'y nadumhan; na sila kapuwa ay nagisang daan. 14 At kaniyang pinalago ang kaniyang mga pagpapatutot; sapagka't siya'y nakakita ng mga lalaking nakalarawan sa mga panig, na mga larawan ng mga Caldeo na nakalarawan ng bermillon, 15 Na nangabibigkisan sa kanilang mga balakang, na mga may lumilipad na turbante sa kanilang mga ulo, silang lahat ay parang mga prinsipe ayon sa wangis ng mga taga Babilonia sa Caldea, na lupain na kanilang kinapanganakan. 16 At pagkakita niya sa kanila ay inibig niya agad sila, at nagsugo ng mga sugo sa kanila sa Caldea. 17 At sinipingan siya ng mga taga Babilonia sa higaan ng pagibig, at kanilang dinumhan siya ng kanilang pagpapatutot, at siya'y nahawa sa kanila, at ang kaniyang kalooban ay tinabangan sa kanila. 18 Sa gayo'y inilitaw niya ang kaniyang mga pagpapatutot, at inilitaw niya ang kaniyang kahubaran: nang magkagayo'y tinabangan ang aking kalooban sa kaniya, na gaya ng pagkatabang ng aking kalooban sa kaniyang kapatid. 19 Gayon ma'y kaniyang pinarami ang kaniyang mga pakikiapid, na inalaala ang mga kaarawan ng kaniyang kadalagahan, na kaniyang ipinagpatutot sa lupain ng Egipto, 20 At siya'y umibig sa mga nagsisiagulo sa kaniya, na ang laman ay parang laman ng mga asno, at ang lumalabas sa kanila ay parang lumalabas sa mga kabayo. 21 Ganito mo inalaala ang kahalayan ng iyong kadalagahan, sa pagkahipo ng iyong mga suso ng mga taga Egipto dahil sa mga suso ng iyong kadalagahan. 22 Kaya, Oh Oholiba, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Narito, aking ibabangon ang mga mangingibig sa iyo laban sa iyo, na siyang pinagsawaan ng iyong kalooban, at aking dadalhin sila laban sa iyo sa lahat ng dako: 23 Ang mga taga Babilonia at lahat ng Caldeo, ang Pekod, at ang Soa, at ang Coa, at lahat ng taga Asiria na kasama nila; na mga binatang makisig, mga tagapamahala at mga pinuno silang lahat, mga prinsipe, at mga lalaking bantog, silang lahat ay nagsisisakay sa mga kabayo. 24 At sila'y magsisiparitong laban sa iyo na ma'y mga almas, mga karo, at mga kariton, at may kapulungan ng mga tao; sila'y magsisilagay laban sa iyo sa palibot na may longki, at kalasag at turbante; at aking ipauubaya ang kahatulan sa kanila, at sila'y magsisihatol sa iyo ayon sa kanilang mga kahatulan. 25 At aking ilalagak ang aking paninibugho laban sa iyo, at sila'y magsisigawa sa iyo sa kapusukan; kanilang pipingusin ang iyong ilong at ang iyong mga tainga; at ang nalabi sa iyo ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak: kanilang kukunin ang iyong mga anak na lalake at babae; at ang nalabi sa iyo ay susupukin sa apoy, 26 Kanila rin namang huhubaran ka ng iyong mga suot, at dadalhin ang iyong mga magandang hiyas. 27 Ganito ko patitigilin sa iyo ang iyong kahalayan, at ang iyong pagpapatutot na dinala mula sa lupain ng Egipto: na anopa't hindi mo ididilat ang iyong mga mata sa kanila, o aalalahanin mo pa man ang Egipto kailan man. 28 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ibibigay kita sa kamay ng mga ipinagtatanim mo, sa kamay ng mga pinagsawaan ng iyong kalooban; 29 At hahatulan ka nila na may pagtatanim, at aalisin ang lahat ng iyong kayamanan, at iiwan kang hubad at hubo: at ang sala mong pagpapatutot ay malilitaw, ang iyong kahalayan at gayon din ang iyong mga pagpapatutot. 30 Ang mga bagay na ito ay gagawin sa iyo, sapagka't ikaw ay nagpatutot sa mga bansa, at sapagka't ikaw ay nadumhan sa kanilang mga diosdiosan. 31 Ikaw ay lumakad sa lakad ng iyong kapatid; kaya't ibibigay ko ang kaniyang saro sa iyong kamay. 32 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw ay iinom sa saro ng iyong kapatid, na malalim at malaki: ikaw ay tatawanan na pinakatuya at pinaka kadustaan; maraming laman. 33 Ikaw ay lubhang malalasing at mamamanglaw, sa pamamagitan ng sarong katigilan at kapahamakan, sa pamamagitan ng saro ng iyong kapatid na Samaria. 34 Iyo ngang iinumin at tutunggain, at iyong hahaluin ang labo niyaon, at sasaktan ang iyong dibdib; sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong Dios. 35 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ako'y iyong nilimot, at tinalikdan mo ako, taglayin mo nga rin ang iyong kahalayan at ang iyong mga pakikiapid. 36 Sinabi ng Panginoon sa akin bukod dito: Anak ng tao: hahatulan mo baga si Ohola at si Oholiba? ipakilala mo sa kanila ang kanilang mga kasuklamsuklam. 37 Sapagka't sila'y nagkasala ng pangangalunya, at dugo ay nasa kanilang mga kamay; at sa kanilang mga diosdiosan ay nagsisamba; at kanila namang pinaraan sa apoy upang masupok ang kanilang mga anak, na kanilang ipinanganak sa akin. 38 Bukod dito'y ginawa nila ito sa akin: kanilang nilapastangan ang aking santuario sa araw ding yaon, at nilapastangan ang aking mga sabbath. 39 Sapagka't nang kanilang patayin ang kanilang mga anak para sa kanilang mga diosdiosan, nagsiparoon nga sila nang araw ding yaon sa aking santuario upang lapastanganin; at, narito, ganito ang kanilang ginawa sa gitna ng aking bahay. 40 At bukod dito ay inyong ipinasundo ang mga taong nangagmumula sa malayo, na siyang mga ipinasundo sa sugo, at, narito, sila'y nagsisidating; na siyang dahil ng iyong ipinaligo, at ipinagkulay mo ng iyong mga mata, at pinaggayakan mo ng mga gayak; 41 At naupo ka sa isang mainam na higaan, na may dulang na nakahanda sa harap niyaon, na siya mong pinaglapagan ng aking kamangyan at aking langis. 42 At ang tinig ng pulutong na tiwasay ay nasa kaniya: at nadala na kasama ng mga lalake sa mga karaniwan ang mga manglalasing na mula sa ilang; at sila'y nangaglagay ng mga pulsera sa mga kamay nila, at mga magandang putong sa kanilang mga ulo. 43 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kaniya na tumanda sa mga pangangalunya, Ngayon mangakikiapid pa sila sa kaniya, at siya sa kanila. 44 At sinipingan nila siya, na parang sumiping sa isang patutot: gayon nila sinipingan si Ohola at si Oholiba, na malibog na mga babae. 45 At mga matuwid na tao ang hahatol sa kanila ng kahatulan sa mangangalunya, at ng kahatulan sa mga babae na nagbubo ng dugo; sapagka't sila'y mangangalunya, at dugo ang nasa kanilang mga kamay. 46 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ako'y magsasampa ng isang kapulungan laban sa kanila, at ibibigay ko sila upang ligaliging paroo't parito at samsaman. 47 At babatuhin sila ng kapulungan, ng mga bato, at tatagain sila ng kanilang mga tabak; papatayin nila ang kanilang mga anak na lalake at babae, at susunugin ng apoy ang kanilang mga bahay. 48 Ganito ko patitigilin ang kahalayan sa lupain, upang ang lahat na babae ay maturuan na huwag magsigawa ng ayon sa inyong mga kahalayan. 49 At gagantihin nila ang inyong kahalayan sa inyo, at inyong dadanasin ang mga kasalanan tungkol sa inyong mga diosdiosan, at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios.

1 The word of the LORD came again unto me, saying,2 Son of man, there were two women, the daughters of one mother:3 And they committed harlotries in Egypt; they committed harlotries in their youth: there were their breasts pressed, and there they handled the breasts of their virginity.4 And the names of them were Oholah the elder, and Oholibah her sister: and they were mine, and they bore sons and daughters. Thus were their names; Samaria is Oholah, and Jerusalem Oholibah.5 And Oholah played the harlot when she was mine; and she doted on her lovers, on the Assyrians her neighbors,6 Who were clothed with blue, captains and rulers, all of them desirable young men, horsemen riding upon horses.7 Thus she committed her harlotries with them, with all them that were the chosen men of Assyria, and with all on whom she doted: with all their idols she defiled herself.8 Neither left she her harlotries brought from Egypt: for in her youth they lay with her, and they handled the breasts of her virginity, and poured their harlotry upon her.9 Therefore I have delivered her into the hand of her lovers, into the hand of the Assyrians, upon whom she doted.10 These uncovered her nakedness: they took her sons and her daughters, and slew her with the sword: and she became a byword among women; for they had executed judgment upon her.11 And when her sister Oholibah saw this, she was more corrupt in her lust than she, and in her harlotries more than her sister in her harlotries.12 She doted upon the Assyrians her neighbors, captains and rulers clothed most gorgeously, horsemen riding upon horses, all of them desirable young men.13 Then I saw that she was defiled, that they took both the same way,14 And that she increased her harlotries: for when she saw men portrayed upon the wall, the images of the Chaldeans portrayed in vermilion,15 Girded with belts upon their waists, exceeding in flowing turbans upon their heads, all of them princes to look to, after the manner of the Babylonians of Chaldea, the land of their nativity:16 And as soon as she saw them with her eyes, she doted upon them, and sent messengers unto them into Chaldea.17 And the Babylonians came to her into the bed of love, and they defiled her with their harlotry, and she was polluted with them, and her mind was alienated from them.18 So she uncovered her harlotries, and uncovered her nakedness: then my mind was alienated from her, like my mind was alienated from her sister.19 Yet she multiplied her harlotries, in calling to remembrance the days of her youth, in which she had played the harlot in the land of Egypt.20 For she doted upon her paramours, whose flesh is as the flesh of donkeys, and whose issue is like the issue of horses.21 Thus you called to remembrance the lewdness of your youth, in handling of your breasts by the Egyptians for the sake of the bosom of your youth.22 Therefore, O Oholibah, thus says the Lord GOD; Behold, I will raise up your lovers against you, from whom your mind is alienated, and I will bring them against you on every side;23 The Babylonians, and all the Chaldeans, Pekod, and Shoa, and Koa, and all the Assyrians with them: all of them desirable young men, captains and rulers, great lords and renowned, all of them riding upon horses.24 And they shall come against you with chariots, wagons, and wheels, and with an assembly of people, who shall set against you buckler and shield and helmet round about: and I commit set judgment unto them, and they shall judge you according to their judgments.25 And I will set my jealousy against you, and they shall deal furiously with you: they shall take away your nose and your ears; and your remnant shall fall by the sword: they shall take your sons and your daughters; and your survivors shall be devoured by the fire.26 They shall also strip you out of your clothes, and take away your fine jewels.27 Thus will I make your lewdness to cease from you, and your harlotry brought from the land of Egypt: so that you shall not lift up your eyes unto them, nor remember Egypt anymore.28 For thus says the Lord GOD; Behold, I will deliver you into the hand of them whom you hate, into the hand of them from whom your mind is alienated:29 And they shall deal with you hatefully, and shall take away all the fruit of your labor, and shall leave you naked and bare: and the nakedness of your harlotries shall be uncovered, both your lewdness and your harlotries.30 I will do these things unto you, because you have played the harlot after the nations, and because you are polluted with their idols.31 You have walked in the way of your sister; therefore will I give her cup into your hand.32 Thus says the Lord GOD; You shall drink of your sister’s cup deep and large: you shall be laughed to scorn and had in derision; it contains much.33 You shall be filled with drunkenness and sorrow, with the cup of horror and desolation, with the cup of your sister Samaria.34 You shall even drink it and drain it out, and you shall break its sherds, and tear your own breasts: for I have spoken it, says the Lord GOD.35 Therefore thus says the Lord GOD; Because you have forgotten me, and cast me behind your back, therefore bear you also your lewdness and your harlotries.36 The LORD said moreover unto me; Son of man, will you judge Oholah and Oholibah? yea, declare unto them their abominations;37 That they have committed adultery, and blood is in their hands, and with their idols have they committed adultery, and have also caused their sons, whom they bore unto me, to pass for them through the fire, to devour them.38 Moreover this they have done unto me: they have defiled my sanctuary in the same day, and have profaned my sabbaths.39 For when they had slain their children for their idols, then they came the same day into my sanctuary to profane it; and, lo, thus have they done in the midst of my house.40 And furthermore, that you have sent for men to come from afar, unto whom a messenger was sent; and, lo, they came: for whom you did wash yourself, painted your eyes, and decked yourself with ornaments,41 And sat upon a stately bed, and a table prepared before it, upon which you have set my incense and my oil.42 And a voice of a multitude being at ease was with her: and with the men of the common sort were brought Sabeans from the wilderness, who put bracelets upon their wrists, and beautiful crowns upon their heads.43 Then said I unto her that had grown old in adulteries, Will they now commit harlotries with her, and she with them?44 Yet they went in unto her, as they go in unto a woman that plays the harlot: so went they in unto Oholah and unto Oholibah, the lewd women.45 And the righteous men, they shall judge them after the manner of adulteresses, and after the manner of women that shed blood; because they are adulteresses, and blood is on their hands.46 For thus says the Lord GOD; I will bring up a company against them, and will give them to be removed and plundered.47 And the company shall stone them with stones, and dispatch them with their swords; they shall slay their sons and their daughters, and burn up their houses with fire.48 Thus will I cause lewdness to cease out of the land, that all women may be taught not to do after your lewdness.49 And they shall recompense your lewdness upon you, and you shall bear the sins of your idols: and you shall know that I am the Lord GOD.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-