Publicidade

Ezequiel 1

1 Nangyari nga nang ikatatlong pung taon, sa ikaapat na buwan, nang ikalimang araw ng buwan, samantalang ako'y kasama ng mga bihag sa pangpang ng ilog Chebar, na ang langit ay nabuksan, at ako'y nakakita ng mga pangitain mula sa Dios. 2 Nang ikalimang araw ng buwan, na siyang ikalimang taon ng pagkabihag ng haring Joacim, 3 Ang salita ng Panginoon ay dumating na maliwanag kay Ezekiel na saserdote, na anak ni Buzi, sa lupain ng mga Caldeo sa pangpang ng ilog Chebar: at ang kamay ng Panginoon, ay sumasa kaniya. 4 At ako'y tumingin, at, narito, isang unos na hangin ay lumabas na mula sa hilagaan, na isang malaking ulap, na may isang apoy na naglilikom sa sarili, at isang ningning sa palibot, at mula sa gitna niyao'y may parang metal na nagbabaga, mula sa gitna ng apoy. 5 At mula sa gitna niyao'y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay. At ito ang kanilang anyo, Sila'y nakawangis ng isang tao; 6 At bawa't isa ay may apat na mukha, at bawa't isa sa kanila ay may apat na pakpak. 7 At ang kanilang mga paa ay mga matuwid na paa; at ang talampakan ng kanilang mga paa ay parang talampakan ng paa ng isang guya; at sila'y nagsisikinang na parang kulay ng tansong binuli. 8 At sila'y may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak sa kanilang apat na tagiliran; at silang apat ay may kanilang mga mukha, at may kanilang mga pakpak na ganito: 9 Ang kanilang mga pakpak ay nagkakadaitan; sila'y hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon; yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy. 10 Tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, sila'y may mukhang tao; at silang apat ay may mukha ng leon sa kanang tagiliran; at silang apat ay may mukha ng baka sa kaliwang tagiliran; silang apat ay may mukha rin ng aguila. 11 At ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga pakpak ay magkahiwalay sa itaas: dalawang pakpak ng bawa't isa ay nagkakadaitan at ang dalawa ay nagsisitakip ng kanilang mga katawan. 12 At yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy; kung saan naparoroon ang espiritu, doon sila nangaparoroon; sila'y hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon. 13 Tungkol sa anyo ng mga nilalang na may buhay, ang kanilang katulad ay parang mga bagang nagniningas; parang mga sulo: ang apoy ay tumataas at bumababa sa gitna ng mga nilalang na may buhay at ang apoy ay maningas, at mula sa apoy ay may lumabas na kidlat. 14 At ang mga nilalang na may buhay ay nagsitakbo at nagsibalik na parang kislap ng kidlat. 15 Samantala ngang minamasdan ko ang mga nilalang na may buhay, narito, ang isang gulong sa lupa sa siping ng mga nilalang na may buhay, sa bawa't isa ng apat na mukha ng mga yaon. 16 Ang anyo ng mga gulong at ng kanilang pagkayari ay parang kulay ng berilo: at ang apat na yaon ay may isang anyo: at ang kanilang anyo at ang kanilang pagkayari ay parang isang gulong sa loob ng isang gulong. 17 Pagka yumaon, nagsisiyaon sa kanilang apat na dako: hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon. 18 Tungkol sa kanilang mga Rueda ay matataas at kakilakilabot; at itong apat ay may kanilang mga Ilanta na puno ng mga mata sa palibot. 19 At pagka ang mga nilalang na may buhay ay nagsisiyaon, ang mga gulong ay nagsisiyaon sa siping nila; at pagka ang mga nilalang na may buhay ay nangatataas mula sa lupa, ang mga gulong ay nangatataas. 20 Kung saan naparoroon ang espiritu ay nangaparoroon sila; doon pinaparoonan ng espiritu; at ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila; sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong. 21 Pagka ang mga yaon ay nagsisiyaon, ang mga ito'y nagsisiyaon; at pagka ang mga yaon ay nagsisitayo, ang mga ito ay nagsisitayo; at pagka ang mga yaon ay nangatataas mula sa lupa, ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila; sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong. 22 At sa ibabaw ng ulo ng nilalang na may buhay, may kawangis ng langit, na parang kulay ng kakilakilabot na bubog, na nakaunat sa itaas ng kanilang mga ulo. 23 At sa ilalim ng langit ay nakaunat ang kanilang mga pakpak, na ang isa ay sa gawi ng isa: bawa't isa'y may dalawa na tumatakip ng kaniyang katawan sa dakong ito, at bawa't isa'y may dalawa na tumatakip sa dakong yaon. 24 At nang sila'y magsiyaon, aking narinig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak na parang hugong ng maraming tubig, parang tinig ng Makapangyarihan sa lahat, na hugong ng kagulo na gaya ng kaingay ng isang hukbo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak. 25 At may tinig na nagmula sa itaas ng langit na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak. 26 At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon. 27 At ako'y nakakita ng parang metal na nagbabaga, na parang anyo ng apoy sa loob niyaon, na nakikita mula sa kaniyang mga balakang na paitaas; at mula sa kaniyang mga balakang na paibaba ay nakakita ako ng parang anyo ng apoy, at may ningning sa palibot niyaon. 28 Kung paano ang anyo ng bahaghari na nasa alapaap sa kaarawan ng ulan, gayon ang anyo ng kinang sa palibot. Ito ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon. At nang aking makita, ako'y nasubasob, at aking narinig ang tinig ng isang nagsasalita.

1 Now it came to pass in the thirtieth year, in the fourth month, in the fifth day of the month, as I was among the captives by the river of Chebar, that the heavens were opened, and I saw visions of God.2 On the fifth day of the month, which was the fifth year of king Jehoiachin’s captivity,3 The word of the LORD came expressly unto Ezekiel the priest, the son of Buzi, in the land of the Chaldeans by the river Chebar; and the hand of the LORD was there upon him.4 And I looked, and, behold, a whirlwind came out of the north, a great cloud, and a fire engulfing itself, and a brightness was about it, and out of its midst as the color of amber, out of the midst of the fire.5 Also out of its midst came the likeness of four living creatures. And this was their appearance; they had the likeness of a man.6 And each one had four faces, and each one had four wings.7 And their feet were straight feet; and the sole of their feet was like the sole of a calf’s foot: and they sparkled like the color of burnished bronze.8 And they had the hands of a man under their wings on their four sides; and the four had their faces and their wings.9 Their wings were joined one to another; they turned not when they went; they went each one straight forward.10 As for the likeness of their faces, the four had the face of a man, and the face of a lion, on the right side: and the four had the face of an ox on the left side; the four also had the face of an eagle.11 Thus were their faces: and their wings were stretched upward; two wings of each one were joined one to another, and two covered their bodies.12 And they went each one straight forward: wherever the spirit was to go, they went; and they turned not when they went.13 As for the likeness of the living creatures, their appearance was like burning coals of fire, like the appearance of torches: they went back and forth among the living creatures; and the fire was bright, and out of the fire went forth lightning.14 And the living creatures ran back and forth like the appearance of a flash of lightning.15 Now as I beheld the living creatures, behold, a wheel upon the earth beside the living creatures, with its four faces.16 The appearance of the wheels and their workings was like the color of beryl: and the four had the same likeness: and their appearance and their workings was, as it were, a wheel in the middle of a wheel.17 When they went, they went in any of four directions: and they turned not when they went.18 As for their rims, they were so high that they were awesome; and their rims were full of eyes, round about the four of them.19 And when the living creatures went, the wheels went beside them: and when the living creatures were lifted up from the earth, the wheels were lifted up.20 Wherever the spirit was to go, they went, there was their spirit to go; and the wheels were lifted up with them: for the spirit of the living creatures was in the wheels.21 When those went, these went; and when those stood, these stood; and when those were lifted up from the earth, the wheels were lifted up along with them: for the spirit of the living creatures was in the wheels.22 And the likeness of the firmament above the heads of the living creature was as the color of awesome crystal, stretched forth over their heads above.23 And under the firmament were their wings spread out straight, the one toward the other: each one had two, which covered on this side, and each one had two, which covered on that side, their bodies.24 And when they went, I heard the noise of their wings, like the noise of great waters, as the voice of the Almighty, the voice of tumult, as the noise of an army: when they stood, they let down their wings.25 And there was a voice from the firmament that was over their heads, when they stood, and had let down their wings.26 And above the firmament that was over their heads was the likeness of a throne, as the appearance of a sapphire stone: and upon the likeness of the throne was the likeness as the appearance of a man above upon it.27 And I saw as the color of amber, as the appearance of fire round about within it, from the appearance of his waist even upward, and from the appearance of his waist even downward, I saw as it were the appearance of fire, and it had brightness round about.28 As the appearance of the bow that is in the cloud in the day of rain, so was the appearance of the brightness round about. This was the appearance of the likeness of the glory of the LORD. And when I saw it, I fell upon my face, and I heard a voice of one that spoke.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-