Publicidade

Ezequiel 21

1 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 2 Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa dakong Jerusalem, at magbadya ka ng iyong salita sa dako ng mga santuario, at manghula ka laban sa lupain ng Israel; 3 At sabihin mo sa lupain ng Israel, Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, ako'y laban sa iyo, at aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban, at ihihiwalay ko sa iyo ang matuwid at ang masama. 4 Yaman nga na aking ihihiwalay sa iyo ang matuwid at ang masama, kaya't aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban na laban sa lahat na tao na mula sa timugan hanggang sa hilagaan: 5 At malalaman ng lahat na tao na akong Panginoon ay bumunot ng aking tabak sa kaloban; hindi na isusuksok pa. 6 Magbuntong-hininga ka nga, ikaw na anak ng tao; na may pagkasira ng iyong mga balakang at may kapanglawang magbubuntong-hininga ka sa harap ng kanilang mga mata. 7 At mangyayari, pagka kanilang sinasabi sa iyo, Bakit ka nagbubuntong-hininga? na iyong sasabihin, Dahil sa mga balita, sapagka't dumarating; at ang bawa't puso ay manglulumo, at ang lahat na kamay ay manghihina, at ang bawa't espiritu ay manglulupaypay, at ang lahat na tuhod ay manglalambot na parang tubig: narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios. 8 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 9 Anak ng tao, manghula ka, at sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Sabihin mo, Isang tabak, isang tabak ay nahasa, at kuminang din naman; 10 Nahasa upang manglipol; kuminang upang maging parang kidlat: gagawa nga baga tayo ng mga kasayahan? ang tungkod ng aking anak ay humahamak sa bawa't punong kahoy. 11 At pinakikinang, upang hawakan: ang tabak, ito'y nahasa, oo, pinakinang, upang ibigay sa kamay ng manglilipol. 12 Humiyaw ka at manambitan ka, anak ng tao; sapagka't nauumang sa aking bayan, nauumang sa lahat ng mga prinsipe sa Israel: sila'y nangabigay sa tabak na kasama ng aking bayan; tampalin mo nga ang iyong hita. 13 Sapagka't may paglilitis; at paano kung pati ng tungkod na humahamak ay mawala? sabi ng Panginoong Dios. 14 Ikaw nga, anak ng tao, manghula ka, at ipakpak mo kapuwa ang iyong mga kamay; at ang tabak ay malupi sa ikatlo, ang tabak ng nasugatan sa ikamamatay: siyang tabak ng dakilang nasugatan sa ikamamatay na pumasok sa kanilang mga silid. 15 Aking iniumang ang kumikinang na tabak laban sa lahat nilang pintuang-bayan, upang ang kanilang puso ay manglumo, at ang kanilang mga pagkatisod ay dumami: ah! ang pagkayari ay parang kidlat, na inihasa upang ipangpatay. 16 Humayo ka sa isang dako, lumagay ka sa kanan, o lumagay ka sa kaliwa, saan man mapaharap ang iyong mukha. 17 Akin din namang ipapakpak kapuwa ang aking mga kamay, at aking lulubusin ang aking kapusukan: ako ang Panginoon, ang nagsalita. 18 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi, 19 Gayon din, ikaw na anak ng tao, magtakda ka sa iyo ng dalawang daan, na mapanggagalingan ng tabak ng hari sa Babilonia; silang dalawa ay kapuwa lalabas sa isang lupain: at landasan mo ng dako, landasan mo sa bukana ng daang patungo sa bayan. 20 Ikaw ay magtatakda ng daan para sa tabak na paroon sa Raba ng mga anak ni Ammon, at sa Juda sa Jerusalem na nakukutaan. 21 Sapagka't ang hari sa Babilonia ay tumayo sa pinagkakahiwalayan ng daan, sa bukana ng dalawang daan, upang magbadya ng panghuhula: kaniyang iniwasiwas ang mga pana na paroo't parito, siya'y sumangguni sa mga diosdiosan, siya'y nagsiyasat sa atay. 22 Nasa kanang kamay niya ang panghuhula sa Jerusalem, upang mag-umang ng mga pangsaksak, upang bukahin ang bibig sa pagpatay, upang itaas ang tinig sa paghiyaw, upang mag-umang ng mga pangsaksak laban sa mga pintuang-bayan, upang maglagay ng mga bunton upang magtayo ng mga katibayan. 23 At sa kanila ay magiging parang panghuhulang walang kabuluhan sa kanilang paningin, na nanumpa sa kanila; nguni't ipinaa-alaala niya sa kanilang kasamaan, upang sila'y mangahuli. 24 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't inyong ipinaalaala ang inyong kasamaan, palibhasa'y ang inyong mga pagsalangsang ay nalitaw, na anopa't sa lahat ninyong gawa ay nagsilitaw ang inyong mga kasalanan; sapagka't dumating ang pagkaalaala sa inyo, kayo'y huhulihin ng kamay. 25 At ikaw, Oh masama na nasugatan ng ikamamatay, na prinsipe sa Israel, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas; 26 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ilapag mo ang tiara, at alisin mo ang putong; ito'y hindi na mangyayari pa uli; itaas mo ang mababa at ibaba mo ang mataas. 27 Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik: ito rin nama'y hindi na mangyayari uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya; at aking ibibigay sa kaniya. 28 At ikaw, anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga anak ni Ammon, at tungkol sa kanilang kapulaan; at sabihin mo, Isang tabak, isang tabak ay binunot, na ukol sa pagpatay ay kuminang upang papanglipulin, upang maging parang kidlat; 29 Samantalang sila'y nangakakakita sa iyo ng walang kabuluhan, samantalang sila'y nanganghuhula sa iyo ng mga kabulaanan, upang ipasan ka sa mga leeg ng masama na sinugatan ng ikamamatay, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas. 30 Isuksok mo iyan sa kaniyang kaloban. Sa dakong pinaglalangan sa iyo, sa lupain ng kapanganakan mo, hahatulan kita. 31 At aking ibubuhos ang aking galit sa iyo; aking hihipan ka sa pamamagitan ng apoy ng aking poot: at aking ibibigay ka sa kamay ng mga tampalasang tao na bihasang pumatay. 32 Ikaw ay magiging pinakapanggatong sa apoy; ang iyong dugo ay mabububo sa gitna ng lupain; ikaw ay hindi na maaalaala: sapagka't akong Panginoon ang nagsalita.

1 And the word of the LORD came unto me, saying,2 Son of man, set your face toward Jerusalem, and proclaim your word toward the holy places, and prophesy against the land of Israel,3 And say to the land of Israel, Thus says the LORD; Behold, I am against you, and will draw forth my sword out of its sheath, and will cut off from you the righteous and the wicked.4 Seeing then that I will cut off from you the righteous and the wicked, therefore shall my sword go forth out of its sheath against all flesh from the south to the north:5 That all flesh may know that I the LORD have drawn forth my sword out of its sheath: it shall not return any more.6 Sigh therefore, you son of man, with breaking heart; and with bitterness sigh before their eyes.7 And it shall be, when they say unto you, Why sigh you? that you shall answer, For the tidings; because it comes: and every heart shall melt, and all hands shall be feeble, and every spirit shall faint, and all knees shall be weak as water: behold, it comes, and shall be brought to pass, says the Lord GOD.8 Again the word of the LORD came unto me, saying,9 Son of man, prophesy, and say, Thus says the LORD; Say, A sword, a sword is sharpened, and also polished:10 It is sharpened to make a great slaughter; it is polished that it may flash like lightning: should we then make mirth? it despised the rod of my son, like every tree.11 And he has given it to be polished, that it may be used: this sword is sharpened, and it is polished, to give it into the hand of the slayer.12 Cry and wail, son of man: for it shall be upon my people, it shall be upon all the princes of Israel: terrors by reason of the sword shall be upon my people: strike therefore upon your thigh.13 Because it is a trial, and what if the sword despise even the rod? it shall be no more, says the Lord GOD.14 You therefore, son of man, prophesy, and strike your hands together, and let the sword strike twice, even the third time, the sword of the slain: it is the sword of the great men that are slain, which enters into their private chambers.15 I have set the point of the sword against all their gates, that their heart may faint, and their ruins be multiplied: ah! it is made bright, it is polished for the slaughter.16 Go you one way or the other, either on the right hand, or on the left, wherever your face is set.17 I will also strike my hands together, and I will cause my fury to rest: I the LORD have said it.18 The word of the LORD came unto me again, saying,19 Also, you son of man, mark you two ways, that the sword of the king of Babylon may come: both of the two shall come forth out of one land: and choose you a place, choose it at the head of the way to the city.20 Mark the way, that the sword may come to Rabbath of the Ammonites, and to Judah in Jerusalem the fortified.21 For the king of Babylon stood at the parting of the way, at the head of the two ways, to use divination: he shook his arrows, he consulted with images, he looked at the liver.22 At his right hand was the divination for Jerusalem, to appoint captains, to open the mouth in the slaughter, to lift up the voice with shouting, to set battering rams against the gates, to cast up a siege mound, and to build a wall.23 And it shall be unto them as a false divination in their sight, to them that have sworn oaths: but he will call to remembrance the iniquity, that they may be taken.24 Therefore thus says the Lord GOD; Because you have made your iniquity to be remembered, in that your transgressions are uncovered, so that in all your doings your sins do appear; because, I say, that you are come to remembrance, you shall be taken with the hand.25 And you, profane wicked prince of Israel, whose day is come, when iniquity shall have an end,26 Thus says the Lord GOD; Remove the turban, and take off the crown: this shall not remain the same: exalt him that is low, and abase him that is high.27 I will overturn, overturn, overturn, it: and it shall be no more, until he comes whose right it is; and I will give it to him.28 And you, son of man, prophesy and say, Thus says the Lord GOD concerning the Ammonites, and concerning their reproach; even say, The sword, the sword is drawn: for the slaughter it is polished, to consume because of the flashing:29 While they see false visions for you, while they divine a lie unto you, to bring you upon the necks of them that are slain, of the wicked, whose day has come, when their iniquity shall have an end.30 Shall I cause it to return into its sheath? I will judge you in the place where you were created, in the land of your nativity.31 And I will pour out my indignation upon you, I will blow against you in the fire of my wrath, and deliver you into the hand of brutal men, skilful to destroy.32 You shall be for fuel to the fire; your blood shall be in the midst of the land; you shall be no more remembered: for I the LORD have spoken it.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-