Publicidade

Salmos 76

1 Sa Juda ay kilala ang Dios: ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel. 2 Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo, at ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion. 3 Doo'y binali niya ang mga pana ng busog; at kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah) 4 Maluwalhati ka at marilag, mula sa mga bundok na hulihan. 5 Ang mga puso na matapang ay nasamsaman, sila'y nangatulog ng kanilang pagtulog; at wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay. 6 Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob, ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog. 7 Ikaw, ikaw ay katatakutan: at sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit? 8 Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit; ang lupa ay natakot, at tumahimik, 9 Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol, upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah) 10 Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao: ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo. 11 Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios: magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, yaong lahat na nangasa buong palibot niya. 12 Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo: siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa.

1 To the Chief Musician on neginoth. A Psalm or Song of Asaph. In Judah is God known: his name is great in Israel.2 In Salem also is his tabernacle, and his dwelling place in Zion.3 There broke he the arrows of the bow, the shield, and the sword, and the battle. Selah.4 You are more glorious and excellent than the mountains of prey.5 The stouthearted are plundered, they have slept their sleep: and none of the men of might can lift their hands.6 At your rebuke, O God of Jacob, both the chariot and horse are cast into a dead sleep.7 You, even you, are to be feared: and who may stand in your sight when once you are angry?8 You did cause judgment to be heard from heaven; the earth feared, and was still,9 When God arose to judgment, to save all the meek of the earth. Selah.10 Surely the wrath of man shall praise you: the remainder of wrath shall you restrain.11 Vow, and pay unto the LORD your God: let all that be round about him bring presents unto him that ought to be feared.12 He shall cut off the spirit of princes: he is fearful to the kings of the earth.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-