Publicidade

Salmos 94

1 Oh Panginoon, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka. 2 Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila. 3 Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama? 4 Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan: lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki. 5 Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon, at dinadalamhati ang iyong mana. 6 Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa, at pinapatay ang ulila. 7 At kanilang sinasabi, ang Panginoo'y hindi makakakita, ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito. 8 Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan: at ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas? 9 Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig? Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita? 10 Siyang nagpaparusa sa mga bansa, hindi ba siya sasaway, sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman? 11 Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao, na sila'y pawang walang kabuluhan. 12 Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan. 13 Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan, hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama. 14 Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan, ni pababayaan man niya ang kaniyang mana. 15 Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran: at susundan ng lahat na matuwid sa puso. 16 Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? 17 Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan. 18 Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon. 19 Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa. 20 Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan? 21 Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid, at pinarusahan nila ang walang salang dugo. 22 Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog; at ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan. 23 At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan, at ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan; ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.

1 O LORD God, to whom vengeance belongs; O God, to whom vengeance belongs, show yourself.2 Lift up yourself, you judge of the earth: render a reward to the proud.3 LORD, how long shall the wicked, how long shall the wicked triumph?4 How long shall they utter and speak hard things? and all the workers of iniquity boast themselves?5 They break in pieces your people, O LORD, and afflict your heritage.6 They slay the widow and the stranger, and murder the fatherless.7 Yet they say, The LORD shall not see, neither shall the God of Jacob regard it.8 Understand, you senseless among the people: and you fools, when will you be wise?9 He that planted the ear, shall he not hear? he that formed the eye, shall he not see?10 He that chastises the nations, shall he not correct? he that teaches man knowledge, shall he not know?11 The LORD knows the thoughts of man, that they are vanity.12 Blessed is the man whom you chasten, O LORD, and teach him out of your law;13 That you may give him rest from the days of adversity, until the pit is dug for the wicked.14 For the LORD will not cast off his people, neither will he forsake his inheritance.15 But judgment shall return unto righteousness: and all the upright in heart shall follow it.16 Who will rise up for me against the evildoers? or who will stand up for me against the workers of iniquity?17 Unless the LORD had been my help, my soul had almost dwelt in silence.18 When I said, My foot slips; your mercy, O LORD, held me up.19 In the multitude of my thoughts within me your comforts delight my soul.20 Shall the throne of iniquity have fellowship with you, which frames mischief by a law?21 They gather themselves together against the soul of the righteous, and condemn the innocent blood.22 But the LORD is my defense; and my God is the rock of my refuge.23 And he shall bring upon them their own iniquity, and shall cut them off in their own wickedness; yea, the LORD our God shall cut them off.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-