1 Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios, buong lupa. 2 Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan: paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya. 3 Inyong sabihin sa Dios, napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo. 4 Buong lupa ay sasamba sa iyo, at aawit sa iyo; sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah) 5 Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios; siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao. 6 Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat: sila'y nagsidaan ng paa sa ilog: doo'y nangagalak kami sa kaniya. 7 Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man: papansinin ng kaniyang mga mata ang mga bansa: huwag mangagpakabunyi ang mga manghihimagsik. (Selah) 8 Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan, at iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan: 9 Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay, at hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa. 10 Sapagka't ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami: Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak. 11 Iyong isinuot kami sa silo; ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang. 12 Iyong pinasakay ang mga tao sa aming mga ulo; kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig; nguni't dinala mo kami sa saganang dako. 13 Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin, aking babayaran sa iyo ang mga panata ko, 14 Na sinambit ng aking mga labi, at sinalita ng aking bibig, nang ako'y nasa kadalamhatian. 15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin, na may haing mga tupa; ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah) 16 Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios, at ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa. 17 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig, at siya'y ibinunyi ng aking dila. 18 Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon: 19 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios; kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin. 20 Purihin ang Dios, na hindi iniwaksi ang aking dalangin, ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.
1 To the Chief Musician. A Song or Psalm. Make a joyful noise unto God, all you lands:2 Sing forth the honor of his name: make his praise glorious.3 Say unto God, How awesome are you in your works! through the greatness of your power shall your enemies submit themselves unto you.4 All the earth shall worship you, and shall sing unto you; they shall sing to your name. Selah.5 Come and see the works of God: he is awesome in his doing toward the children of men.6 He turned the sea into dry land: they went through the flood on foot: there did we rejoice in him.7 He rules by his power forever; his eyes behold the nations: let not the rebellious exalt themselves. Selah.8 O bless our God, you people, and make the voice of his praise to be heard:9 Who holds our soul in life, and allows not our feet to be moved.10 For you, O God, have proved us: you have tried us, as silver is tried.11 You brought us into the net; you laid affliction upon our backs.12 You have caused men to ride over our heads; we went through fire and through water: but you brought us out into a wealthy place.13 I will go into your house with burnt offerings: I will pay you my vows,14 Which my lips have uttered, and my mouth has spoken, when I was in trouble.15 I will offer unto you burnt sacrifices of fatlings, with the incense of rams; I will offer bullocks with goats. Selah.16 Come and hear, all you that fear God, and I will declare what he has done for my soul.17 I cried unto him with my mouth, and he was extolled with my tongue.18 If I regard iniquity in my heart, the Lord will not hear me:19 But verily God has heard me; he has attended to the voice of my prayer.20 Blessed be God, who has not turned away my prayer, nor his mercy from me.