Publicidade

Salmos 105

1 Oh magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan; ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan. 2 Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri; salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa. 3 Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon. 4 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan; hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man. 5 Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa: ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig; 6 Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod, ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang. 7 Siya ang Panginoon nating Dios: ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa. 8 Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi; 9 Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, at ang kaniyang sumpa kay Isaac; 10 At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na pinakawalang hanggang tipan: 11 Na sinasabi, sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, ang kapalaran na iyong mana; 12 Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon; 13 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan. 14 Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila; 15 Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis. At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko. 16 At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain; kaniyang binali ang buong tukod ng tinapay. 17 Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila; si Jose ay naipagbiling pinakaalipin: 18 Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pangpangaw; siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal: 19 Hanggang sa panahon na nangyari ang kaniyang salita; tinikman siya ng salita ng Panginoon. 20 Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya; sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya. 21 Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay, at pinuno sa lahat niyang pag-aari: 22 Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan, at turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan. 23 Si Israel naman ay nasok sa Egipto; at si Jacob ay nakipamayan sa lupain ng Cham. 24 At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan, at pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway. 25 Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan, upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod. 26 Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod, at si Aaron na kaniyang hirang. 27 Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda, at mga kababalaghan sa lupain ng Cham. 28 Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim; at sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita. 29 Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig, at pinatay ang kanilang mga isda. 30 Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka, sa mga silid ng kanilang mga hari. 31 Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw, at kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan. 32 Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso, at liyab ng apoy sa kanilang lupain. 33 Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos; at binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan. 34 Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating, at ang mga higad, ay yao'y walang bilang, 35 At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain, at kinain ang bunga ng kanilang lupa. 36 Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain, ang puno ng lahat nilang kalakasan. 37 At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto: at hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi. 38 Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis; sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila. 39 Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi, 40 Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit. 41 Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig; nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog. 42 Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, at si Abraham na kaniyang lingkod. 43 At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, at ang kaniyang hirang na may awitan. 44 At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari: 45 Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon.

1 O give thanks unto the LORD; call upon his name: make known his deeds among the people.2 Sing unto him, sing psalms unto him: talk of all his wondrous works.3 Glory in his holy name: let the heart of them rejoice that seek the LORD.4 Seek the LORD, and his strength: seek his face evermore.5 Remember his marvelous works that he has done; his wonders, and the judgments of his mouth;6 O you offspring of Abraham his servant, you children of Jacob his chosen.7 He is the LORD our God: his judgments are in all the earth.8 He has remembered his covenant forever, the word which he commanded to a thousand generations.9 Which covenant he made with Abraham, and his oath unto Isaac;10 And confirmed the same unto Jacob for a law, and to Israel for an everlasting covenant:11 Saying, Unto you will I give the land of Canaan, the lot of your inheritance:12 When they were but a few men in number; yea, very few, and strangers in it.13 When they went from one nation to another, from one kingdom to another people;14 He allowed no man to do them wrong: yea, he reproved kings for their sakes;15 Saying, Touch not my anointed, and do my prophets no harm.16 Moreover he called for a famine upon the land: he broke every staff of bread.17 He sent a man before them, even Joseph, who was sold for a servant:18 Whose feet they hurt with fetters: he was laid in irons:19 Until the time that his word came: the word of the LORD tested him.20 The king sent and loosed him; even the ruler of the people, and let him go free.21 He made him lord of his house, and ruler of all his substance:22 To bind his princes at his pleasure; and teach his elders wisdom.23 Israel also came into Egypt; and Jacob sojourned in the land of Ham.24 And he increased his people greatly; and made them stronger than their enemies.25 He turned their heart to hate his people, to deal craftily with his servants.26 He sent Moses his servant; and Aaron whom he had chosen.27 They showed his signs among them, and wonders in the land of Ham.28 He sent darkness, and made it dark; and they rebelled not against his word.29 He turned their waters into blood, and slew their fish.30 Their land brought forth frogs in abundance, in the chambers of their kings.31 He spoke, and there came swarms of flies, and gnats in all their country.32 He gave them hail for rain, and flaming fire in their land.33 He struck their vines also and their fig trees; and broke the trees of their country.34 He spoke, and the locusts came, and young locusts, and that without number,35 And did eat up all the herbs in their land, and devoured the fruit of their ground.36 He struck also all the firstborn in their land, the first of all their strength.37 He brought them forth also with silver and gold: and there was not one feeble person among their tribes.38 Egypt was glad when they departed: for the fear of them fell upon them.39 He spread a cloud for a covering; and fire to give light in the night.40 The people asked, and he brought quail, and satisfied them with the bread of heaven.41 He opened the rock, and the waters gushed out; they ran in the dry places like a river.42 For he remembered his holy promise, and Abraham his servant.43 And he brought forth his people with joy, and his chosen with gladness:44 And gave them the lands of the nations: and they inherited the labor of the people;45 That they might observe his statutes, and keep his laws. Praise you the LORD.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-