Publicidade

Salmos 106

1 Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 2 Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan? 3 Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon. 4 Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas: 5 Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana. 6 Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang, kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama. 7 Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula. 8 Gayon ma'y iniligtas niya sila dahil sa kaniyang pangalan, upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan. 9 Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at natuyo: sa gayo'y pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang. 10 At iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila, at tinubos niya sila sa kamay ng kaaway. 11 At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway: walang nalabi sa kanila kahit isa. 12 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita; inawit nila ang kaniyang kapurihan. 13 Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi sila naghintay sa kaniyang payo: 14 Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang. 15 At binigyan niya sila ng kanilang hiling; nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa. 16 Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon. 17 Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram. 18 At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama, 19 Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo. 20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo. 21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto; 22 Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham, at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula. 23 Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila, kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak, upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila. 24 Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain, hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita; 25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda, at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon. 26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila, na kaniyang ibubulid sila sa ilang: 27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa, at pangalatin sila sa mga lupain. 28 Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor, at nagsikain ng mga hain sa mga patay. 29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa; at ang salot ay lumitaw sa kanila. 30 Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan: at sa gayo'y tumigil ang salot. 31 At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man. 32 Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba, na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila: 33 Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi. 34 Hindi nila nilipol ang mga bayan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila; 35 Kundi nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa: 36 At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan; na naging silo sa kanila: 37 Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio, 38 At nagbubo ng walang salang dugo, sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae, na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan; at ang lupain ay nadumhan ng dugo. 39 Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa, at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa. 40 Kaya't nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at kinayamutan niya ang kaniyang pamana. 41 At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa; at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila. 42 Pinighati naman sila ng kanilang mga kaaway, at sila'y nagsisuko sa kanilang kamay. 43 Madalas na iligtas niya sila; nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa sila sa kanilang kasamaan. 44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing: 45 At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan, at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob. 46 Ginawa naman niyang sila'y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila. 47 Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios, at pisanin mo kami na mula sa mga bansa, upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan, at mangagtagumpay sa iyong kapurihan. 48 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sabihin ng buong bayan, Siya nawa. Purihin ninyo ang Panginoon.

1 Praise you the LORD. O give thanks unto the LORD; for he is good: for his mercy endures forever.2 Who can utter the mighty acts of the LORD? who can show forth all his praise?3 Blessed are they that keep justice, and he that does righteousness at all times.4 Remember me, O LORD, with the favor that you bear unto your people: O visit me with your salvation;5 That I may see the good of your chosen, that I may rejoice in the gladness of your nation, that I may glory with your inheritance.6 We have sinned with our fathers, we have committed iniquity, we have done wickedly.7 Our fathers understood not your wonders in Egypt; they remembered not the multitude of your mercies; but rebelled against him at the sea, even at the Red sea.8 Nevertheless he saved them for his name's sake, that he might make his mighty power to be known.9 He rebuked the Red sea also, and it was dried up: so he led them through the depths, as through the wilderness.10 And he saved them from the hand of him that hated them, and redeemed them from the hand of the enemy.11 And the waters covered their enemies: there was not one of them left.12 Then believed they his words; they sang his praise.13 They soon forgot his works; they waited not for his counsel:14 But lusted exceedingly in the wilderness, and tested God in the desert.15 And he gave them their request; but sent leanness into their soul.16 They envied Moses also in the camp, and Aaron the saint of the LORD.17 The earth opened and swallowed up Dathan, and covered the company of Abiram.18 And a fire was kindled in their company; the flame burned up the wicked.19 They made a calf in Horeb, and worshiped the molten image.20 Thus they changed their glory into the image of an ox that eats grass.21 They forgot God their savior, who had done great things in Egypt;22 Wondrous works in the land of Ham, and awesome things by the Red sea.23 Therefore he said that he would destroy them, had not Moses his chosen stood before him in the breach, to turn away his wrath, lest he should destroy them.24 Yea, they despised the pleasant land, they believed not his word:25 But murmured in their tents, and hearkened not unto the voice of the LORD.26 Therefore he lifted up his hand against them, to overthrow them in the wilderness:27 To overthrow their descendants also among the nations, and to scatter them in the lands.28 They joined themselves also unto Baalpeor, and ate the sacrifices to the dead.29 Thus they provoked him to anger with their deeds: and the plague broke in upon them.30 Then stood up Phinehas, and executed judgment: and so the plague was stayed.31 And that was counted unto him for righteousness unto all generations forevermore.32 They angered him also at the waters of strife, so that it went ill with Moses for their sakes:33 Because they provoked his spirit, so that he spoke rashly with his lips.34 They did not destroy the nations, concerning whom the LORD commanded them:35 But were mixed among the nations, and learned their works.36 And they served their idols: which were a snare unto them.37 Yea, they sacrificed their sons and their daughters unto demons,38 And shed innocent blood, even the blood of their sons and of their daughters, whom they sacrificed unto the idols of Canaan: and the land was polluted with blood.39 Thus were they defiled with their own works, and played the harlot with their own deeds.40 Therefore was the wrath of the LORD kindled against his people, so much that he abhorred his own inheritance.41 And he gave them into the hand of the nations; and they that hated them ruled over them.42 Their enemies also oppressed them, and they were brought into subjection under their hand.43 Many times did he deliver them; but they provoked him with their counsel, and were brought low for their iniquity.44 Nevertheless he regarded their affliction, when he heard their cry:45 And he remembered for them his covenant, and relented according to the multitude of his mercies.46 He made them also to be pitied of all those that carried them captives.47 Save us, O LORD our God, and gather us from among the nations, to give thanks unto your holy name, and to triumph in your praise.48 Blessed be the LORD God of Israel from everlasting to everlasting: and let all the people say, Amen. Praise you the LORD.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-