1 Purihin ang Panginoon na aking malaking bato, na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma, at ang mga daliri ko na magsilaban: 2 Aking kagandahang-loob, at aking katibayan, aking matayog na moog, at aking tagapagligtas; aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong; na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin. 3 Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya? O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya? 4 Ang tao ay parang walang kabuluhan: ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam. 5 Ikiling mo ang iyong mga langit, Oh Panginoon, at bumaba ka: hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok. 6 Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila; suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila, 7 Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas; sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig, sa kamay ng mga taga ibang lupa; 8 Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan. 9 Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, Oh Dios: sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo. 10 Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari: na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak. 11 Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa. Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan. 12 Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan; at ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio. 13 Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay; at ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang; 14 Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti; pagka walang salot, at sakuna, at walang panaghoy sa aming mga lansangan; 15 Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan: maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.
1 A Psalm of David. Blessed be the LORD my strength, who teaches my hands to war, and my fingers to fight:2 My goodness, and my fortress; my high tower, and my deliverer; my shield, and he in whom I trust; who subdues my people under me.3 LORD, what is man, that you take knowledge of him! or the son of man, that you make account of him!4 Man is like to vanity: his days are as a shadow that passes away.5 Bow your heavens, O LORD, and come down: touch the mountains, and they shall smoke.6 Cast forth lightning, and scatter them: shoot out your arrows, and destroy them.7 Send your hand from above; rid me, and deliver me out of great waters, from the hand of foreigners;8 Whose mouth speaks vanity, and their right hand is a right hand of falsehood.9 I will sing a new song unto you, O God: upon a psaltery and an instrument of ten strings will I sing praises unto you.10 It is he that gives salvation unto kings: who delivers David his servant from the hurtful sword.11 Rid me, and deliver me from the hand of foreigners, whose mouth speaks vanity, and their right hand is a right hand of falsehood:12 That our sons may be as plants grown up in their youth; that our daughters may be as corner pillars, polished after the similitude of a palace:13 That our barns may be full, affording all manner of store: that our sheep may bring forth thousands and ten thousands in our streets:14 That our oxen may be strong to labor; that there be no breaking in, nor going out; that there be no outcry in our streets.15 Happy is that people, that is in such a state: yea, happy is that people, whose God is the LORD.