Publicidade

Salmos 7

1 Oh Panginoon kong Dios, sa iyo nanganganlong ako. Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako: 2 Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa, na lurayin ito, habang walang magligtas. 3 Oh Panginoon kong Dios, kung ginawa ko ito; kung may kasamaan sa aking mga kamay; 4 Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin; (Oo, aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway:) 5 Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan; Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa, at ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah) 6 Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit, magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway; at gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan. 7 At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot: at sila'y pihitan mong nasa mataas ka. 8 Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan: iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin. 9 Oh wakasan ang kasamaan ng masama, nguni't itatag mo ang matuwid; sapagka't sinubok ng matuwid na Dios ang mga pagiisip at ang mga puso. 10 Ang aking kalasag ay sa Dios. na nagliligtas ng matuwid sa puso. 11 Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw. 12 Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang ihahasa ang kaniyang tabak; kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda. 13 Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan; kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana. 14 Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan; Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan. 15 Siya'y gumawa ng balon, at hinukay, at nahulog sa hukay na kaniyang ginawa. 16 Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo, at ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan. 17 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran: at aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.

1 A shaggaion of David, which he sang to the LORD concerning Cush, a Benjamite. O LORD my God, in you do I put my trust: save me from all them that persecute me, and deliver me:2 Lest they tear my soul like a lion, rending it in pieces, while there is none to deliver.3 O LORD my God, if I have done this; if there be iniquity in my hands;4 If I have rewarded evil unto him that was at peace with me; (yea, I have delivered him that without cause is my enemy:)5 Let the enemy persecute my soul, and take it; yea, let him tread down my life upon the earth, and lay my honor in the dust. Selah.6 Arise, O LORD, in your anger, lift up yourself because of the rage of my enemies: and awake for me to the judgment that you have commanded.7 So shall the congregation of the people surround you: for their sakes therefore return you on high.8 The LORD shall judge the people: judge me, O LORD, according to my righteousness, and according to my integrity that is in me.9 Oh let the wickedness of the wicked come to an end; but establish the just: for the righteous God tests the minds and hearts.10 My defense is with God, who saves the upright in heart.11 God judges the righteous, and God is angry with the wicked every day.12 If he turns not, he will whet his sword; he has bent his bow, and made it ready.13 He has also prepared for himself the instruments of death; he makes ready his arrows against the persecutors.14 Behold, he brought forth iniquity, and has conceived mischief, and brought forth falsehood.15 He made a pit, and dug it, and has fallen into the ditch which he made.16 His mischief shall return upon his own head, and his violent dealing shall come down upon his own crown.17 I will praise the LORD according to his righteousness: and will sing praise to the name of the LORD most high.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-