1 Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon; at sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya! 2 Ibinigay mo sa kaniya ang nais ng kaniyang puso, at hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah) 3 Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan: iyong pinuputungan ng isang putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo. 4 Siya'y humingi ng buhay sa iyo, iyong binigyan siya; pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man. 5 Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila sa iyong pagliligtas: karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya. 6 Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man: iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan. 7 Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon, at sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay hindi siya makikilos. 8 Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway: masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo. 9 Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit. Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot, at susupukin sila ng apoy. 10 Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa, at ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao. 11 Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo: sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa. 12 Sapagka't iyong patatalikurin sila, ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila. 13 Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan: sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.
1 To the Chief Musician. A Psalm of David. The king shall joy in your strength, O LORD; and in your salvation how greatly shall he rejoice!2 You have given him his heart's desire, and have not withheld the request of his lips. Selah.3 For you meet him with the blessings of goodness: you set a crown of pure gold on his head.4 He asked life of you, and you gave it to him, even length of days forever and ever.5 His glory is great in your salvation: honor and majesty have you laid upon him.6 For you have made him most blessed forever: you have made him exceedingly glad with your presence.7 For the king trusts in the LORD, and through the mercy of the most High he shall not be moved.8 Your hand shall find out all your enemies: your right hand shall find out those that hate you.9 You shall make them as a fiery oven in the time of your anger: the LORD shall swallow them up in his wrath, and the fire shall devour them.10 Their offspring shall you destroy from the earth, and their descendants from among the children of men.11 For they intended evil against you: they devised a mischievous act, which they are not able to perform.12 Therefore shall you make them turn their back, when you shall make ready your arrows upon your strings toward their face.13 Be exalted, LORD, in your own strength: so will we sing and praise your power.