1 Panginoon, alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian; 2 Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon, at nanata sa Makapangyarihan ni Jacob: 3 Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay, ni sasampa man sa aking higaan, 4 Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata, o magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata; 5 Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon, ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob. 6 Narito, narinig namin sa Ephrata: aming nasumpungan sa mga parang ng gubat. 7 Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo; kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan. 8 Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako: ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan. 9 Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran; at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan. 10 Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis. 11 Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan; hindi niya babaligtarin: ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan. 12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking patotoo na aking ituturo, magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man. 13 Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion; kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya. 14 Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man. Dito ako tatahan; sapagka't aking ninasa. 15 Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain; aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha. 16 Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan: at ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan. 17 Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David: aking ipinaghanda ng ilawan ang aking pinahiran ng langis. 18 Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan: nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.
1 A song of ascents. LORD, remember David, and all his afflictions:2 How he swore unto the LORD, and vowed unto the mighty God of Jacob;3 Surely I will not come into the tabernacle of my house, nor go up into my bed;4 I will not give sleep to my eyes, or slumber to my eyelids,5 Until I find out a place for the LORD, a habitation for the mighty God of Jacob.6 Lo, we heard of it at Ephrathah: we found it in the fields of the woods.7 We will go into his tabernacles: we will worship at his footstool.8 Arise, O LORD, into your rest; you, and the ark of your strength.9 Let your priests be clothed with righteousness; and let your saints shout for joy.10 For your servant David's sake turn not away the face of your anointed.11 The LORD has sworn in truth unto David; he will not turn from it; Of the fruit of your body will I set upon your throne.12 If your children will keep my covenant and my testimony that I shall teach them, their children shall also sit upon your throne forevermore.13 For the LORD has chosen Zion; he has desired it for his habitation.14 This is my rest forever: here will I dwell; for I have desired it.15 I will abundantly bless her provision: I will satisfy her poor with bread.16 I will also clothe her priests with salvation: and her saints shall shout aloud for joy.17 There will I make the horn of David to bud: I have ordained a lamp for my anointed.18 His enemies will I clothe with shame: but upon himself shall his crown flourish.