1 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa. 2 Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid. 3 Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah) 4 Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay: 5 Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo. 6 Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas. 7 Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa. 8 Sapagka't sa kamay ng Panginoon ay may isang saro, at ang alak ay bumubula; puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din: tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin. 9 Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob. 10 Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay; nguni't ang mga sungay ng matuwid ay matataas.
1 To the Chief Musician, altaschith. A Psalm or Song of Asaph. Unto you, O God, do we give thanks, unto you do we give thanks: for that your name is near, your wondrous works declare.2 When I shall receive the congregation I will judge uprightly.3 The earth and all inhabitants are dissolved: I hold up the pillars of it. Selah.4 I said unto the fools, Deal not foolishly: and to the wicked, Lift not up the horn:5 Lift not up your horn on high: speak not with a stiff neck.6 For promotion comes neither from the east, nor from the west, nor from the south.7 But God is the judge: he puts down one, and sets up another.8 For in the hand of the LORD there is a cup, and the wine is red; it is fully mixed; and he pours out of the same: but the dregs thereof, all the wicked of the earth shall drain them down, and drink them.9 But I will declare this forever; I will sing praises to the God of Jacob.10 All the strength of the wicked also will I cut off; but the strength of the righteous shall be exalted.