1 Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin. 2 Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah) 3 Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. 4 Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) 5 Ako'y nahiga, at natulog; ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon. 6 Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot. 7 Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios: sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway; iyong binungal ang mga ngipin ng masasama. 8 Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
1 A Psalm of David when he fled from Absalom his son. LORD, how are they increased that trouble me! many are they that rise up against me.2 Many there be who say of my soul, There is no help for him in God. Selah.3 But you, O LORD, are a shield for me; my glory, and the lifter up of my head.4 I cried unto the LORD with my voice, and he heard me out of his holy hill. Selah.5 I laid me down and slept; I awaked; for the LORD sustained me.6 I will not be afraid of ten thousands of people, that have set themselves against me round about.7 Arise, O LORD; save me, O my God: for you have smitten all my enemies upon the cheek bone; you have broken the teeth of the ungodly.8 Salvation belongs unto the LORD: your blessing is upon your people. Selah.